Chapter 64: Bad Girl, Akyat-Bahay, The Real Reason

2.6K 62 0
                                    

Chapter 64.1: Bad Girl

Tanya's Point of View

Thursday

Buong klase ay iniiwasan kong tumingin kay Nathan. Mahirap siyang iwasan dahil kaklase ko siya at KATABI ko pa siya.

Napatingin ako kay Russell. He mouthed 'Okay ka lang?'

I nod and smiled at him. Naikwento ko na rin sa kanya ang nangyari kahapon. Ewan ko ba kung bakit, pero gumagaan ang loob ko kapag nakakausap ko si Russell.

"Class Dismissed" Tumayo ako at dumiretso sa c.r. Naiihi kasi ako. Akala niyo dahil iiyak na naman ako noh?!

Pag labas ko ay nakita ko si Sandra. Masama ang tingin niya sa akin. Nag lakad na ako paalis pero hinawakan niya ako sa braso

"Ano bang kailangan mo?" Kalmado kong sabi dahil ayaw ko ng gulo

"Iiyak ka na naman ba? Dahil nasa AKIN na si Nathan?"

"Nasayo na diba? Bakit mo pa ako kinakausap?" Mataray kong tanong. Anong akala niya papatalo ako?

"You're right! Sayang lang ang ganda ko sa katulad mong panget!" Anong sabi niya?!

"Kung panget ako ano ka pa?" Napatigil siya. Namula siya dahil sa galit. Tss pikon

"Excuse me! Maganda ako!" Sigaw niya. Nakukuha na namin ang atensyon ng ibang tao

"Kung maganda ka ano pa ako? Dyosa?" Sagot ko

"At sinong nag sabi sayong maganda ka?!" Sigaw niya

"At sino bang nagsabi sayong maganda ka?"

"Marami!" Pagyayabang niya

"Talaga? Uto uto ka kasi!" Sigaw ko. Lalo siyang namula sa galit

"How dare you?! Ikaw ang uto uto! Sino ba sa ating dalawa ang nag pa uto kay Nathan?!" Natigilan ako. Gusto ko ng umiyak pero hindi pwede. Ayokong maging mahina ngayon. Hindi na ako nag salita at sinampal nalang siya ng napakalakas

"Aray!" Sigaw ni BRUHA

Biglang dumating si...Nathan

"Anong nangyayari dito?!" Sigaw niya

"Nathan" napatingin siya sa akin nang tawagin ko siya "Ayusin mo yang GIRLFRIEND MO! Dahil baka sa susunod ay manghiram nalang siya ng mukha sa aso!" Sigaw ko at umalis

Hindi ko na hinintay na mag react pa si Nathan. Pero alam kong nagulat siya. Hindi naman kasi ako ganun

Nag lakad na ako palayo dahil ang daming tao nakatingin sa amin

Napansin ko si Russ sa may dulo. Nilapitan ko siya

"Russ--" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hawakan niya ako sa mag kabilang balikat at bigla niya akong inalog

"Nasaan si Impaktang TRM?! HA! Sino ka?! Lumabas ka sa katawan ni Impaktang TRM! Alien ka ba ha?!" Ano daw?!

"What the?! Ano bang pinagsasabi mo?!" Tumigil siya at tumingin sa akin

"Si Impaktang TRM ka ba talaga? Eh paano mo nagawa yun? Hindi ka naman ganun eh! Ganun ba talaga epekto ng break up?!" Tinignan ko siya ng masama

"Anong sabi mo?!" Sigaw ko

"Ha? Wala sabi ko, Bad Girl ka!" Sigaw niya

"Bad girl?!"

The Five Bad Boys and MeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ