Chapter 33: Meet Yana

2.7K 87 0
                                    

Chapter 33: Meet Yana

Tanya's Point of View

Ilang araw na rin ang lumipas after nung First date namin ni Nathan.

Kailan kaya yung second?

Sobrang saya ko kaya nun! Nakuha ko pa si Superman! May bago pa akong baby!

"Ms. Mendoza!" nabalik ako sa realidad dahil sa sigaw ng terror naming teacher

"P-po?" palibhasa buntis!

"Are you listening to me?!" Tanong niya

"Y-yes po Ms" sagot ko

"Eh bakit hindi ka dito naka tingin?!" Sigaw niya. Sasagot na sana ako ng biglang tumawa sila Nathan

"Anong nakakatawa Mr Park, Mr Mendoza, Mr Santos,Mr Cruz at ikaw Mr Esqueza?!" Sigaw ni Ms

"Ang tanong niyo po kasi Ms higblood, ay kung nakikinig ba siya. Eh bakit niyo tinatanong kung bakit hindi siya nakatingin?!" Sabi ni Chris "Mata ba ang gamit sa pakikinig?!" Sabi ni Chris

Pati ang buong klase ay tumawa na rin

"Hay naku! Kayong lima talaga! Get out of my class!" Sigaw ni Ms. Nanahimik nalang ako at nanatiling nakaupo

"Teka lang ms! Hindi mo to class! Hindi ikaw ang adviser namin at hindi ikaw ang may ari ng classroom na ito!" Sigaw ni Kuya

"Waah! Bwisit kayong lima!" Sigaw ni Ms at lumabas

Lalo namang tumawa silang Lima

"Grabe kayo! Paano kapag nastress si Ms!" Sigaw ni Ellaine

"Hayaan mo siya sis" sabi ni Chris

"Hoy Christian Esqueza! Umayos ka!" Sigaw ni Pia

"Boom! Under si Esqueza!" Sigaw ni Jude. Natawa kami sa sinabi niya

"Tss at least pogi! Kaya nga patay na patay sa akin si Pi eh! Di ba Pi?" sabi ni Chris kay Pia

"Oo nga eh! At konting konti nalang mapapatay na kita!" Sigaw ni Pia. Natawa kami sa sinabi niya

"Woah! Basag ka boy!" Sigaw ni Nathan

"Mapapatay mo na ako? Saan sa pagmamahal mo?" Tanong ni Chris sabay kindat kay Pia

"Hindi, gamit tong ballpen ko! Kaya tumakbo ka na hangga't may oras ka pa Esqueza!" Sigaw ni Pia kaya tumakbo si Chris paikot sa room. Tawa kami ng tawa sa ginawa nilang dalawa.

Pinag usapan namin yung birthday ni Kuya. Pero hindi kasama yung tungkol sa pag lock sa room kasi nandito sila Kuya.

Biglang tumunog ang cellphone ni Jude

"Bwisit talaga!" Sigaw ni Jude

"Oh? Problema mo tol?" Tanong ni Kuya Kurt

"Wala! P*nyeta!" Sigaw ni Jude

"JD! Do you know someone whose name is... Alyanna Dane Montecarlo?" nanlaki ang mata ni Jude sa tanong ni Shawn

"P-Paano mo siya nakilala?" Tanong ni Jude

"She messaged me on facebook, she asked me about you" sagot ni Shawn

"A-Anong sabi mo?" Tanong ni Jude

"I told her that we're still in the school" sagot ni Shawn

"F*ck!" Sigaw ni Jude

"Anong problema mo--" naputol ang sasabihin ni Kuya ng may pumasok sa room

"Ah Excuse me where is-- Oh There you are JAS!" Sigaw nung babae

"JAS?!" Sabay sabay naming sigaw

"Ayan oh! Si Jude Andrew Santos" sagot niya

"Wow tol! Ano yan? Endearment?!" pang aasar ni Chris

"What the f*ck are you doing here?!" Sigaw ni Jude

"Wait lang pwede? Let me introduce myself to your friends" aniya

"Tss no need!" Sabi ni Jude

"Hindi! Sige ms.! Introduce yourself" sabi ni Mark

"See? They want to know me! I'm Alyanna Dane Montecarlo you can call me Yana!" Sabi niya. Ang cute niya!

Isa isa kaming nag pakilala sa kanya

"Teka Yana, ano palang ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya

"Hihiramin ko lang sana si JAS" aniya. Biglang ngumisi sila Kuya

"What the f*ck?" sigaw ni Jude

"Tss will you shut up JAS?! Or else... I'll tell them what happened!" nagkatinginan kaming lahat sa sinabi nila. May nangyari na?!

Chris' Point of View

"Tol bilis mo rin eh! Natira mo na?!" Sigaw ko kay Jude

"G*go! That's not what she means! Tsaka ayusin mo nga yang mga term mo! Ang laswa eh!" Sigaw ni Jude

"Ang pervert mo talaga Chris!" Sigaw ni Pia

"Oo nga pala Chris, ibibili na ba kita ng kabaong? Di ba papatayin ka pa ni Pia?!" Sigaw ni Mark

"T*angina mo! Pinaalala mo pa!" Sigaw ko

"Oo nga noh! Mamaya ka sakin Christian Esqueza!" banta sa akin ni Pia "Ellaine remind me to kill Chris later" sabi niya

"Sure ba ate Pia!" Isa pa tong kapatid ko eh!

"Sige bye guys! Hiramin ko muna si JAS!" Sabi ni Yana at hinatak palabas si Jude

Si Jude naman mura ng mura

"Sige lang Yana! Kahit wag mo na siya ibalik!" Sigaw ni Tanda

Tumawa nalang kami


The Five Bad Boys and MeWhere stories live. Discover now