Chapter 6: Revenge

4.7K 141 4
                                    

Tanya

"First Kiss mo? Kay Nathan?" takang tanong ni Jude

"Ah...eh.." tanging naging sagot ko

"Hindi! O.A lang talaga yang si pangit!" Sabi ni Nathan

"Ano ba talagang nangyari Nate?" tanong ni Jude

"Why are you even interested?" masungit na sabi ni Nathan

"Hindi naman talaga siya kiss...ano lang...ah.. INDIRECT! O.A lang talaga ako hehe" sabi ko kay Jude

"Ah okay." Tango niya "Nathan we need to go somewhere" Sabi ni Jude. Akala ko pa naman kakain siya

"Sige, sunod nalang ako. Sa likod ng school ba? tanong ni Nathan. Tumango lang si Jude at umalis na

"Hay! Ang o.a mo pangit!" aniya.

"Tss. Sorry na! Kamalasan talaga dala mo! Imposible na tuloy na mapansin niya ako." Sabi ko

"Ano?! Mapansin nino?!" Sigaw nya

"What the?! Bakit ka sumigaw?!" Sigaw ko din sa kanya

"Sinong gusto mo pumansin sayo ha?!" Sigaw ulit niya. Ngayon ang dami ng nakikinig sa usapan namin. Hays War freak!

"Wala! at wala kang paki! Dahil wala rin akong paki sayo!" Sabi ko sa kanya

"Tss. I already know that you don't even care for me. I'm such a stupid person" malungkot niyang sabi at umalis na

Eh? Anong problema nun?! Bakit bigla akong nalungkot dahil nagalit siya sa akin? Eh yun nga ang gusto ko di ba? Ang gulo! Parang buhay ko!

Nag punta ako sa may School Garden malapit sa gate sa likod ng school. Umupo ako sa bench dun at nakinig ng music

Maya maya ay marami na ring estudyante sa garden kaya lumabas muna ako ng school at dumaan sa likod

Pag kalabas ko, nakita ko silang lima na may kausap. Dahil sa chismosa ako... Nakinig ako sa usapan nila

"Hindi ba talaga kayo titigil?!" Sigaw ni Nathan sa kausap nila. Kaaway siguro nila yun

"No. Ngayon pa na may naiisip na kami para makabawi sa inyo" sabi nung isa nilang kausap. Mga taga University of West sila. Sila yung kalaban kanina nila Nathan.

"What will you fvcking do?" sabi ni Nathan

"I'm sure you will not gonna like this" Sabi ulit nung isa nilang kausap

"Will you just say it! Your wasting our time stupid!" Sabi ni Kuya

"Our Revenge will be your...Sisters" nakangisi niyang sabi. Sisters? Kaming apat nila Yannie? Sh*t!

"Don't you fvcking touch them!" sigaw ni Chris habang nakahawak sa kwelyo nung lalaki

"Wala akong kapatid, G*go" iritang sabi ni Jude

"Haha! Chill Esqueza!" Sabi nung lalaki

"Esqueza, Park, Mendoza and Cruz! your sisters will be our revenge! Better protect--" naputol ang sasabihin niya ng biglang tumunog ang cellphone KO! Sh*t! Patay ako!

"Who's there?" sabi ni Jude

Nag pakita ako sa kanila. Mukhang nagulat sila.

"Tanya! What are you doing here?!" tanong ni Kuya

"Oh! Tanya Rose Mendoza! Mukhang swerte kami ngayon! Our Revenge will begin!" Sabi nung isa nilang kasama

Bigla siyang sinapak ni kuya

"Subukan mo G*go!" Sigaw ni kuya

Biglang may humawak sa balikat ko at binuhat ako sa harap nung lalaki na kausap nila

"Ibaba mo ko!" Sigaw ko sa kanya

"I said! Not Tanya!" Sigaw ni Kuya

Ibinaba niya ako at hinawakan ang dalawa kong braso. Nag pupumiglas ako pero masyado silang malakas

"Ano ba! Bitawan ninyo sabi ako eh! Mga bingi!" Sigaw ko sa kanila

"Tapang mo ah" sabi nung isang lalaki. 5 rin sila eh

"One wrong move at kapatid mo Mendoza ang ma paparusahan" Aniya

Lumapit sa akin ang lalaki. Lumapit siya sa mukha ko

"Lumayo ka nga sa akin!" Sigaw ko sa kanya

"What if I don't like? aniya. Sinipa ko ang paa niya

"Aray! You b*tch!" aniya at sinampal ako ng malakas.

Halos mag dilim ang paningin ko sa lakas ng sampal niya. Tumalsik ang mukha ko.

Bago pa ako makapag salita nakita ko na siya na nakahiga sa sahig.

Tumingala ako. Nakita ko si Nathan. Galit na galit ang mukha niya. Sila kuya binubugbog yung ibang kasama nung lalaki

"Let's go Tanya!" Sabi ni Nathan. Inilahad niya ang kamay niya at kinuha ko naman ito

Tumakbo kami papasok sa school. Pero bago pa kami makapasok. Everything went black

End of Chapter

The Five Bad Boys and MeOnde histórias criam vida. Descubra agora