Chapter 10: Someone to talk to

4.6K 130 0
                                    

Tanya

Hay! Ang tagal mag bell! Boring! Wala akong kausap. Ang seryoso nila Kuya. Asa naman kasi ako na kakausapin ako ni Jude. Kung kakausapin ko naman yung ibang babae, naku! Goodluck sa akin! Ayaw sa akin ng mga yun eh. Gusto ko ng Kausap! Samantalang dati gusto ko tahimik lang

Ang dami na palang nagbago sa akin. Dati gusto ko tahimik lang, dati walang paki ang tao kahit anong gawin ko, dati kilala lang nila ako bilang kapatid ng crush nila na si Kurt Mendoza, dati ako lang ang simpleng Tanya Rose Mendoza

Pero ngayon, sobrang daming nag bago. At syempre, dati tinitingnan ko lang si Jude sa malayo o kaya kapag magkasama sila ni Kuya... Pero ngayon, nakakausap ko na siya.

Nagbago ang buhay ko ng dahil sa kanilang lima. Masaya naman ako sa pag babago na iyon eh :)

"Hoy Tanya! Kanina kapa tulala diyan ah! Halika na! Kakain na tayo" Sabi Ni kuya. Lunch na? Napatagal yata ako sa pag iisip

"Saan sa canteen?" Tanong ko

"Hindi tan! Sa c.r, sa c.r tayo kakain!" singit ni Chris. Sorry naman lutang ako eh

"Tse! Hoy kuya libre mo ah!" Sabi ko

"Oo na!" aniya at umalis na kami papuntang canteen

"Tanya kumusta na yung manhid kong kapatid" biglang sabi ni Chris habang nag lalakad at umakbay sa akin

"Manhid mong kapatid? Sino yun?" Tanong ko. Bigla naman siyang ngumisi

"Tss. May iba pa ba akong kapatid Tan?" aniya habang naka akbay pa rin sa akin. Oo nga noh. Tanga ko talaga

"Ah si Ellaine! Okay lang naman siya." sagot ko

"Okay. Ay tan, bakit parang lutang ka ngayon? Tsaka high blood. Problema mo?" Tanong niya

"Ayoko siyang pag usapan. Oo nga pala, bakit hindi mo pa pinapansin si Ellaine?" pag iiba ko ng topic

"I want her to realize everything I've done for her. Hindi ko naman siya sinusumbatan eh. Malalaman niya lang yun kapag hindi kami mag papansinan. Parang sa love, minsan malalaman mo lang na mahal at importante sayo yung tao na yun kung wala na siya" paliwanag niya. May point siya! Nandito na pala kami sa canteen

"Ang drama mo! Halika na nga!" Sabi ko. Umupo na kami sa tambayan nila.

"Ano ba yan! Ang haba ng pila" sabi ni Ellaine. Sobrang haba na kasi ng pila eh! Gutom na ako! Hindi ako nag almusal eh!

"Sumabay ka sa amin. Aalis yang mga yan!" Sabi ni Mark

"Hoy ang sama mo!" Sabi ni Celine

"Ano kayang masarap kainin?" Tanong ni Kuya

"Meron pre! Sa bar! hahaha" sabi ni Chris

"Tss. Manwhore!" Sabi ni Kuya

"Hoy hindi naman, play boy lang" sagot ni Chris. Mga to talaga!

"Ang ingay niyo pumila nalang kaya kayo!" Sigaw ni Jude

"Uy Tanya bakit ang tahimik mo ngayon?" Tanong ni Mark

"Wala kasi siyang kaaway. Wala si Nathan! Miss niya si Nathan!" Sigaw ni Chris

"Hindi ko siya namimiss--" sabi ko ng putulin niya ang sasabihin ko

"Kasi miss na miss!" asar ulit ni Chris

"Tama na nga yan! Kumuha na tayo ng pag kain" sabi ni Jude. Pumila na silang apat. sila na daw bibili ng pagkain namin. Naiwan kaming apat na babae dito

The Five Bad Boys and MeUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum