Chapter 23: As a NO

3.5K 96 4
                                    

Chapter 23: As a NO

Tanya's Point of View

Kakauwi lang namin dito ni Kuya habang sila Mama at Papa ay nakaupo sa sofa at halatang pagod. Kaya umupo nalang din si Kuya habang ako ay uminom ng tubig.

"Rose" tawag ni Papa

"Yes pa?" mukhang seryoso siya ah

"About Nathan" aniya

"What about him?" Tanong ko

"He's courting you right?"

"Ah eh O-Opo" sagot ko. Nakakatakot kasi yung mukha ni Papa eh

"I think..." pabitin ni Papa " He's good for you" aniya

"You mean--" pinutol niya ang sasabihin ko

"Yes, payag ako sa kanya" sagot niya. Yes!

"Thank You Pa!" Sabi ko at niyakap siya

"As long as he don't hurt you" aniya

Haha! Yes! Payag si Papa!

Mark's Point of View

Aish! Pupuntahan ko ba siya? Bakit ba kasi ganun? Laging nasa huli ang pagsisisi? Bakit tsaka mo lang malalaman na importante ang tao sayo kapag wala na siya?

Hay! Ang tanga tanga mo kasi Mark!

"Hoy Mark Cruz!" Sigaw ni Celine

"Ano?" Tanong ko

"Sabi mo aalis ka di ba?" Tanong niya

"Hindi ko pa sure!" Sabi ko

"Anak ng tokwish naman eh! Diyan ka sumasabit eh! Lagi ka nalang hindi sigurado kaya ayaw mo kumilos. Why don't take a risk?" Haba ng sinabi! Hindi lang sure na hindi aalis eh!

"Dami mong sinabi Cel! Anong connect nun sa sitwasyon ko?" Tanong ko

"Connect mo sa inyo ni J" Alam niya?! Paano?!

"Paanong--"

"Your my twin. I know you and you know me. Alam ko kung anong password mo sa phone." Aniya "Take the risk Mark. Kung mahal mo naman! Kung hindi ka sigurado sa feelings mo, Then it's for you to find out. Bilisan mo nga lang. Bye"

aniya at lumabas na ng kwarto ko

Tagos yun ah!

Pupunta ba ako o hindi?

I'll....

Take the RISK...

Gretchel's Point of View

"Sure ka ba na ready ka na girl?" Tanong ko sa bestfriend ko

"I think so" sagot niya

"Anong gagawin mo kapag humingi siya ng chance?" Tanong ko

"Bahala na" sagot niya

"Okay. Goodluck girl. I need to go. Tinawagan ako ni Tanya eh. Byie!" Ani ko at umalis na

Haay! Sana maging maayos na si Julienne at Mark!

Kurty calling...

"Hello" bungad ko

("Ah Gretch...ano...ah..uhm") okay lang ba itong lalaking ito?!

"Hoy ano nga?!" Sabi ko

("Can we meet?") Meet?! Kaming dalawa?!

"Sige, saan ba?" Tanong ko

("Sa mahilig nating puntahan dati") aniya

"Ah...sige bye. I'll be there" sagot ko. Binaba niya na rin ang tawag. Pumunta na ako sa meeting place namin. Nakita ko siya na nakaupo sa semento sa may dagat.

"Kurt" tawag ko. Lumingon naman siya sa akin. Pero imbis na mapang asar na Kurt ang makita ko. Ibang side niya ang nakita ko. Ang malungkot at sensitive na side niya

Kurt's Point of View

"Kurt" tawag niya sa akin. Nilingon ko naman siya

Buti naman at dumating siya. Gusto ko na kasi siya makausap eh. Gusto ko lang naman malaman kung mahal niya pa ba ako? Sayang naman kasi ang effort ko kung sa huli talo rin pala ako

"Oh buti nakarating ka?" Tanong ko

"Ah oo--" naputol ang sasabihin niya ng tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya naman ito

"Hello? Jhared? Bakit?" Tanong niya sa kausap niya

"Ano?! Sandali hintayin mo ko diyan. Bye" ibinaba niya na ang tawag. Mukhang kailangan niya ng umalis

"Kurt I need--" pinutol ko na ang sasabihin niya

"Go. I know you need to go" sabi ko

"Kurt I'm sorry" aniya

"It's okay. You can go now" sabi ko at tumingin sa dagat. Haay!

"Sorry talaga Kurt. Alis na ako.Maiwan na kita diyan. Bye!" aniya at naglakad paalis. Hindi ko na siya nilingon.

Bakit Gretch?! Bakit lagi mo nalang ako iniwan? Bakit laging mas mahalaga ang ibang tao at ibang bagay sa iyo?

Tss. Ano mo nga ba ako para pahalagahan mo? Nagawa mo nga akong iwan dati eh. Ngayon pa kaya?

Mukha naman hindi ko na kailangan tanungin pa kung mahal niya ako. Bakit mo naman kasi iiwan ang taong mahal mo di ba?

So I'll take that as a NO

The Five Bad Boys and MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora