THIRTY SEVEN

785 20 4
                                    

AN: (Pakibasa)

Sa mga nakabasa ng Update 36 simula nong unang post ko paki basa po ulit, dinagdagan ko kasi ang dulo. salamat.

-

MADJ POV

Sa weekend namin ni Sai, we spent it sa bahay namin. inasikaso nadin namin ang mga requirements at next week may seminar kami, andami palang kelangan gawin pero si Sai pursigido na pursigido eh. nakakaloka, hindi ko nga magets feeling ko kalandian niya lang ang namimiss niya! chos! minsa nga pinagkakatuwaan ko talaga siya pero seryoso na siya sa pagpipigil! Lol. minsan nga lang napapagalitan niya na talaga ako.

Our whole weekend is stress free, nakipag bonding kami sa tropa, alam nadin nila ang estado namin ni Sai eh kaya tumutulong nadin sila sa wedding preparations, nakakaexcite na din. Patungkol kay Alex, stress free din, siguro nadala na? the last time na nag usap kami ng madalian halos lumuhod na ako sakanya eh, sana naman wag niya na kami guluhin, dahil okay na eh, maaliwalas na ulit ang mukha ni Sai, at ako? I just want to make him feel na hindi nag iisa si Sai at magagawa ko lang yun kung hindi ko na kailanman iisipin si Alex.

-

Monday and I am facing this day with positiveness at good vibes, sana naman tuloy na tuloy na ang magandang takbo buhay namin ni Sai.

"Text me if something's wrong ha?" bilin sakin ni Sai ng inihatid niya ako sa school, busy daw siya ngayon sa opisina dahil 1week nga naman siyang on leave kaya just like the usual days kasama ko ang section F.

"Miss President, wala ka ng nakalimutan ha? kung meron man sasamahan kana talaga namin, mahigpit na bilin ni pareng Sai"

Grabeh talaga si Sai, siguro sa iba ma sasakal na pero sa akin? ewan, mas naeenjoy ko.

"Okay, I promise"

"Ganda mag usap nga tayo sandali" lumapit sakin si Kristoffer na parang may importanteng sasabihin, nag sarili na muna kaming dalawa.

"Ano yon gwapo?" pagtanong ko sakanya

"Sigurado ka bang hindi ka na ginugulo ng Alex na yon ha?" nagulat naman ako sa sinabi ni Kris, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Ah, anong ibig mong sabihin?"

"Damn it ganda, pinag tsitsismisan ka na ng mga ka department mo di mo alam?" napaangat ako ng tingin kay Kris

"Yung mga babaeng nagpaligo ng pintura sayo nakita ka daw nilang kasama si Alex sa isang restaurant kahapon, totoo ba?" I don't know what to react.

"Gwapo ano kasi"

"wag mo na subukan pang mag sinungaling ganda dahil hindi talaga kita papalampasin!" natakot ako sa mukha ni Kris, galit nga siya. huhu

"Nakipagkita siya sakin, kesa naman kung ano ang mga pinagbabanta niya sakin kinita ko siya, pag hindi ko siya pinagbigyan Kris magkakagulo lang, pero hindi naman na siya nang gugulo ngayon eh, last na yon" pag explain ko

"Ganda, yang mga tagpo mong pasikreto mas magkakagulo yan pag nalaman ni Sai, hindi mo ba naisip yan? damn it" he cursed

"Gwapo naman, let this pass okay? promise hindi na ako magpapagulo sakanya, I promise iiwas na ako sakanya at kung may mga mangyayari pa sasabihin ko sayo" pagsabi ko "wag mo na sabihin kay Sai, ayokong magkagulo, ayoko na mapahamak pa kayo ni Sai, please"

"Hay, sige pero siguraduhin mo lang yang mga pinagsasabi mo, wag mo hintayin na malaman ni Pareng Sai yan okay?" tumango nalang ako

Pagkatapos ng paguusap namin ni Kris ay pumunta nako kasama ang dalawa sa Section F sa aming klase. Tulad ng dating gawi, pumwesto ang mga from section F sa likuran ko.

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon