THIRTY TWO

853 27 1
                                    

An: pagpasensyahan niyo muna ang typos and wrong spelling. tsaka na lang e-eedit.

PS: Saico's back in the media, sexy much 😍

--

SAI POV

Nasa eroplano na kami  ni Mark ngayon, medjo mabigat ang loob ko sa pagiwan ko kay honeybabes, gustong gusto ko siya isama pero ayaw niya talaga, alam niyo naman na pag sa pag-aaral wala talagang pwede mandisturbo pwera nalang kung siya mismo ang gusto mag paistorbo. Isa pang nakakapagpapabigat ng nararamdaman ko ay ang fact na masasama ang naging alaala ko sa lugar nayon, pwera nalang ang naging kasal namin ni Honeybabes, bumawi naman ang london.

At isa pa, makakasama ko sila Mama ngayon na halos 3buwan ko na na di nakikita, walang communication din, ewan ba? pero hindi rin naman ako yung tipong manghihingi ng atensyon sakanila, dati, Ksp ako pero hindi na ngayon, kasi may asawa na ako na nagbibigay sakin at kumikompleto sakin.

"Sai? anong iniisip mo?" sabi ni Mark "si Madine ba? grabeh kayo ha" natatawang sabi ni Mark

"Anong grabeh? loko syempre naiwan ko asawa ko sa pinas, sino di malulungkot? yabang mo kasi, andon si ate ngayon naghihintay satin?!" bulyaw ko

"Oi, hindi ah, kinakabahan nga ako, baka kasi hindi ako magustuhan ng lola mo" medjo naiilang na tugon ni Mark

"Asus, drama mo! tutulungan naman kita eh, pero you better be ready, baka makasal kayo ng wala sa oras" natatawa kong sinabi, laughtrip si Mark kasi

"Naikwento kasi sakin ni Madj ang pinagdaanan niyo, at walang pinagkaiba ang posisyon namin ni Madine, we're both not well off, secretary mo nga lang ako Sai" medjo seryosong tugon ni Mark

"Kung mahal mo talaga ang ate ko, paninindigan mo siya, ipaglaban mo siya mahalag sakin ang ate ko, kahit suplada yon at mapanakit nagiisang kapatid ko lang yon, hinayaan at okay ka naman sakin para sa ate ko kaya alam ko na ipaglalaban ka ni Ate" sabi ko, seryoso nadin ako, kahit ang hirap magseryoso. lols

"Thanks Sai, mahal ko ang ate mo at lahat ng kayang gawin ko para sakanya ay ibibigay ko!"

"Eh ayan naman pala, so walang problema?! for sure ganun naman si Ate eh kaya magiging okay kayo, si Honeybabes kasi minsan sinuko niya ako pero natauhan naman, kaya eto kasal na kami!" ngising sabi ko na nagpangisi nadin kay Mark

"Salamat Sai, sabi ko na nga ba eh, mabait ka talaga" tapos natawa siya "sa bagay, dapat lang maging mabait ka din talaga sakin" loko talaga to

"Hoy, mabait naman talaga ako! wag ka nga, napaka judgemental mo" singhal ko

Kahit saan napunta ang usapan namin ni Mark, tulad ni Honeybabes hindi din masiyadong well off sila Mark, parang mas normal lang ng kaunti si Mark sakanila. Nag working daw si Mark dati para makapag tapos then nag work siya hanggang napadpad siya sa kompanya namin, simula nong maging sila ng ate ko iniba na ang posisyon ni Mark sa kompanya under siya sakin pero naging assistant ko na siya, basically pag naging asawa siya ng ate ko baka yung share ni ate, magiging sakanila na. Wala naman talaga akong problema kay Mark una palang, mabait naman kasi siya at mapagkakatiwalaan at higit sa lahat masaya ang ate ko dahil sakanya, kaya wala na akong problema.

Matapos ang maraming oras sa biyahe, dumating na din kami sa wakas.

"Hi!" sabay beso sakin ni Ate, oh kitams? ang sweet ng ate ko pag andito si Mark talaga "sayang naman wala si Madj" sabi ng ate ko

"Okay lang andito naman si Mark" sabay irap ko sa ate ko, nakurot tuloy ako, kinilig siguro di man lang ako nakailag. syet.

"Hi Babe, kamusta biyahe? tara na for sure may jet lag pa kayo" gabi nong umalis kami sa pinas, mag.gagabi naman dito, inaantok tuloy ako, kakainggit sila ate, namiss ko tuloy asawa ko.

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon