ELEVENTH

873 22 0
                                    

MADJ POV

"Honeybabes" nagising ako sa pagtawag ni Sai sakin

"Hmmm" tugon ko

"Hindi ka ba papasok?" tanong niya napatingin ako sa orasan 11am na pala, ala una naman ang pasok ko ngayon, pero lumingo ako "Huh? bakit? okay naman na ako, magpapadischarge nadin naman ako mamayang hapon" sabi ni Sai, nakakapanghina, ang lamig ng pakikipag-usap niya sakin

"babantayan nalang kita" pag insist ko, mayamaya ay may pumasok, Si Mark

"Sai, kamusta?" bati ni Mark "Hi Madine" bati nito sakin at nag smile  naman ako "Eto na lahat ng mga kailangan mong icatch up, yong meeting para sa budgeting na push through na, sweldohan na kasi kaya si Mr. Bautista na nag approved,  andiyan na itemize at minutes ng meeting, may new proposals na kailangan ireview, nag pa-set ng meeting si Mr. Alcantara, Hannah's Father, and then my 2 new business deals din from Hongkong, eto, kailangan mo din ereview"  sabi ni Mark, grabeh andami non hindi ko man lang ma-catch up.

"Peste andami na" reklamo ni Sai, halatang naiirita na si Sai "Asikasuhin mo na muna ang discharge ko dito, sa condo na natin gawin to" utos niya kay Mark

"Sure ka na ba na okay ka na?" tanong nito kay Sai, ako dito sa sulok nakikkinig lanh sa dalawa wala naman akong alam sa mga ganyan, pero tama si Mark, okay na kaya si Sai?

"Okay na ako, actually dapat wala ako dito ngayon eh, sige na! nangangati na akong lumabas!" utos ulit ni Sai

"Okay sabi mo eh" simpleng sagot ni Mark at lumabas na ito

Napapansin ko na dahan dahang inaayos ni Sai ang sarili at mukhang tatayo ito, kaya agad naman akong lumapit kay Sai para alalayin siya

"Sai, sure ka ba na okay ka lang? baka pwede bukas ka na lang mag discharge, mag pahinga ka muna" sabi ko

"Hindi na, okay na ako, ayokong nakahilata lang ako diyan" sabi niya "Mag bihis ka na, pumasok ka, wag mo na akong alalahanin andiyan naman si Mark, kaya ko na" sabi niya, napa cold niya, may tampo? galit? inis pa siya sakin, nararamdaman ko yon.

"Sai" naiiyak na ako, hindi ako sanay talaga kaya napa-hug na ako, pinipigilan ko sarili ko na maiyak "Sai alam ko galit ka pa, Sorry na, hindi na mauulit, promise" napatigil si Sai, hindi siya kumikibo, mas hinigpitan ko pa ang yakap sakanya "Sorry na Sai, patawarin mo na ako" hindi ko na mapigilan ang pagiyak ko

"Honeybabes, okay na, tama na wag ka na umiyak, seryoso bang ayaw mo pumasok?" tumango ako, I want to assure Sai is fine and okay "Ikaw bahala, sige na wag ka na umiyak" sabay kiss niya sa noo ko, habang napapayakap naman ako, may kasalanan si Sai, Oo, pero mas malaki ang kasalanan ko.

Napabitaw naman ako sa bigla biglang pasok ni Mark, nakakahiya.

"Anak ng patola naman Mark, kumatok ka naman!" sita ni Sai, nakakahiya ikikiss na kasi sana ako ni Sai.

"Sorry, sige tuloy niyo na yan, lalabas muna ako" nakakahiya talaga, 26 na kaya siya tapos kami itong hamak na mas bata sakanya, ganito. Hay!

"Wala na, napanis na ang excitement! okay na ba? makakaalis na ba ako?" sabi ni Sai

"Yep, okay nadin ang bayad, cater na naman ng Kompanya to, so hintayin ko na lang kayo sa labas" tapos kinindatan pa ni Mark si Sai, napalingo nalang siya, nakakaloka.

"Nasaan na nga tayo?" tanong ni Sai

"Huh?" napaangat ako, nagtaka ako sa tanong ni Sai, pero pag angat ako agad namang sunggab sakin Sai, mas nakakaloka! "Peace na tayo" sabi ko sakanya.
-
Umalis na kami ng hospital, dala naman pala ni Mark ang company car kaya don na kami sumakay papuntang Condo, naiwan sa tambayan ang kotse ni Sai eh.

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon