THIRTY SIX

757 27 2
                                    

SAICO POV

"Oh, ano na? nasabi mo na?" pambulat sakin ni Mark ng pagbuksan niya ako ng gate ng bahay niya.

"Yan talaga? di ba pwedeng papasukin mo muna ako, handaan ng meryenda tapos tsaka na, magkkwento? Mark?" singhal ko

"Naks, balik Saico na ah, mukhang hindi pa okay, mainit ulo" tapos napalingo nalang si Mark, kainis to!

-
Nong makapasok na ako ng bahay ni Mark, hinandaan niya naman ako ng meryenda.

"Oh ayan! kamusta na kayo ni Madj?" pagtatanong niya

"Okay naman, pero diko pa nasasabi sa kaniya maging sa mga tropa ko ang totoo! makukutusan nila ako, alam ko kung ano dapat gawin, pero taena natatakot talaga ako!" napalingo ako

"Sai, you've said it yourself, you know what to do, yon ang gawin mo! you can't change whatever it is going on now, but you can surely fix it!"

Napabuntong hininga nalang ako, siguro nga.

"Nga pala Sai, galit ka ba sa ate mo? she's been trying to call you pero kincancel mo daw, kahit ate mo man lang ang kausapin mo, she's with you" mga pa'hero effect talaga ng Mark na to.

"Hindi ko alam Mark, what I know is that trinaydor nila ako, she did too"

"Sai, please naman! kahit kausapin mo lang ang ate mo, hear her part" talaga naman oh.

"Mark, saan ka ba talaga kakampi? akala ko ba sakin? klaruhin mo nga"

"Sai naman, alam mo namang fiancee ko ang ate mo, pero kakampi mo ako, of course" napaismid ako sa narinig ko, wth

"ireport mo nalang yung mga napagusapan natin ngayon, sabihin mo, i'll answer her call when I'm ready. Sige na aalis na ako, pupunta pa akong office, pinapa report ako, see you on monday" tapos ni-pat ko ang balikat niya

"Sige Sai, balitaan mo nalang ako kung okay na problema mo" sabi sakin ni Mark at umalis na nga ako at papunta na ako sa office.

Hindi ko alam kung bakit ako pinatawag, di kaya kukunin na sakin ang kompanya? pero nakapangalan na sakin yon ah! damn pati kaya yon peke?!

Habang nasa kalagitnaan ako ng traffic napagpasyahan ko na iscan ang cellphone ko. Got 3 missed calls, 2 from ate at isa galing kay Mr. Bautista, and a message sa isang kasamahan ko sa section F.

From: Jr

Pareng Sai, kasama mo ba si Miss President?
kanina pa kasi siya wala eh, hintayin pa ba namin?

-
Medjo nagulat naman ako sa nabasa ko? 2 hours na nakalipas nong hinatid ko mismo sa school si honeybabes ah.

Ni-dial ko ang number ni Jed at tinawagan siya.

"Oh, pareng Sai, napatawag ka?"

"Asan ka?" tanong ko

"Nasa school, bakit? nakauwi ka na ba?" tanong niya

"Pare paki hanap naman kay honeybabes sa school oh, sa department office nila, kitain mo na din sila Jr, nasa school din sila"

"May nangyaring masama ba kay Miss President?" tanong nito

"Palobat ako, pag di nako macontact mamaya puntahan mo ko sa office ko ha!" tapos pinatay ko na, battery drained na talaga eh. Taena, nakalimutan ko na dapat pagtounan ko din dapat pala ng pansin yong gagong Alex na yon, takte ang dami ko na ngang problema dagdag pa yong hinayupak na yon!

-
Binati ako ng mga empleyado sa company nong papasok na ako, kahit masakit na ulo ko sa problema binabati ko padin sila.

Dumiretso ako sa office ni Mr. Bautista, mabuti nalang andiyan na agad siya..

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon