SECOND

1.6K 35 3
                                    

SECOND (o^^o)


—-


"Nakakamiss din ang mga tropa ano?" basag ni Sai sa katahimikang namumuo sa amin sa loob ng kotse, pauwi na kami alas otso na ng naisipan naming umuwi, may lakad din kasi si Lance at Karen mag seset nalang daw kami ulit ng bonding moment, sabi pa ni Sai sa condo blessing nalang daw.


Bukod naman sa tropa ni Sai ako at ang pamilya ko lang ang meron siya dito, nasa London pa sila Clarence eh, kaya pumayag nadin ako sa condo blessing.


"Sai, ano plano mo sa college?" I asked back, sa tingin ko mas maganda itong itopic namin ngayon medyo malayo pa naman ang biyahe naman.



"ikaw, ano ba plano mo?" it seems that wala pang masiyadong napaplano si Sai kaya ibinalik niya sakin ang tanong.


"hmm.. gagamitin ko yong scholarship grant sakin ng school, Accountancy padin ang kukunin ko Sai, okay naman diba?" baka may suggestion pa siyang iba, asawa ko siya kaya open ako for suggestion.


"Okay yon, tsaka iyon ang gusto mo, lahat naman ng gusto mo susuportahan ko eh" simpleng sabi ni Sai, sabay smile sa akin ng bahagya. Ako lang ba, o may napapansin din kayong kakaiba sa lalaking to?


"sigurado ka?" tumango lang siya as a sign of agreement. Tumahimik nalang din ako mukhang wala na namang balak si Sai na kausapin ako, at mukhang wala nga kasi hindi naman na siya nag salita pa sa whole duration ng biyahe namin, bugnutin.

-


Pagka dating namin sa condo, agad tumungo si Sai sa kwarto, nagbihis at agad humiga, dadalawa na nga lang kami sa condo , hindi pa kami nagkikibuan., pumasok ako sa kwarto at nakita ko si Sai na nakahiga sa kama nakapikit ang mga mata.


Nagluto nalang ako ng magiging hapunan namin, nagluto ako ng sopas sa tingin ko naparami sa inum si Sai.


"Sai" pag gising ko sakanya.

"Sai, kumain na tayo" kumunot ang mga noo niya at dahan dahan ko namang nakitang dumilat na ito "malungkot kumain mag isa samahan mo ko" totoo naman, dadalawa nalang kami tapos ganito pa.


Si Sai, na kahit ako pa, minsan, di talaga nakakalusot sa haba ng pride meron siya.


"Tara" simpleng sabi niya, hinawakan niya ang kamay ko at tumungo na kami sa dining area.


-

Kumakain kami pero wala paring imikan? Bakit? Dahil ba to sa Baby Shower dapat? Medjo umiinit na ang ulo ko ah.




//SAI POV//


Hi, syet bumalik na ako, madami daw nakamiss sakin eh, wow! Talaga namiss niyo ko? Ayon sumingit lang ako fans, pero ang totoo, may bumabagabag sa isipan ko ngayon.


Kinakabahan ako, nakausap ko na ang mga tropa ko nag bigay naman na sila ng advice sakin pero ewan ko ba kung gagamitin ko ang advices nila, puro wala naman atang kwenta.

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon