TWENTY FIVE

832 32 3
                                    

SAI POV

May 2days leave ako sa office para makapag pahinga pero ewan ko, dahil monday may pasok si honeybabes, mababagot ako dito sa condo mag isa.

"Sai, alam mo naman na hindi ako pwedeng umabsent diba? malapit na finals namin marami akong dapat asikasuhin na report pati mid-end report ng department namin, diba sabi mo pupuntahan mo nalang si Jed?" sabi niya, I'm convincing her kasi na umabsent muna. sige na ako na tong masamang ihemplo, pero wag kayo mag-alala hindi naman ako sinusunod ni honeybabes eh, kaya siya tularan niyo wag ako! haha

"Oo na, tara na hatid na kita, yung mga bilin ko sayo ha?" sabi ko

"Oo na! hindi ko kakausapin ang Alex na yon, at medjo didistansya kay Luhan, pero kaibigan ko si Luhan Sai ah!" tsss

"Oo na, sabi ko konting distansya hindi ko sinabi na iwasan! tara na!" yaya ko, at hinatid ko na nga si honeybabes sa school niya.

"Bye Sai, text me pag nakay Jed kana, magtetext din ako pag magpapasundo na ako" sabay kiss niya sa pisnge "Love you"

Napangiti ako "I love u too" tugon ko at bumaba na siya sa kotse, pinagmasdan ko muna siya hanggang sa makapasok siya sa gate, ang kaso may natanaw akong isang lalaking may bitbit na isang bouquet ng flowers at hinaharangan niya si Honeybabes, eto ba yung Alex? t-teka yun yung lalaki na nakita ko sa elevator sa building namin sa condo ah?! peste ang cheap ng mukha, napalabas na ako ng makita ko na pinipilit niya si Honeybabes.

"Sir, asan ang ID niyo?" sita sakin ng guard, pero tinitigan ko lang siya

"Tabi, pupuntahan ko lang asawa ko" yun lang ang sinabi ko at nagpumilit akong pumasok at wala na siyang nagawa dahil nadin sa marami na ang styudante na papasok sa entrance at nagmamadali

"Honeybabes!" sigaw ko at napalingon siya na nagulat

"Sai" tugon niya, gulat padin siya "Okay lang ako" nag-aalala niyang tugon

"Ikaw, kung ayaw mong ipalunok ko saiyo ang bulaklak na yan, layuan mo asawa ko" madiin kong tugon, gusto kong suntukin na agad eh, pero nagpipigil ako.

"Sai, hayaan mo na" pag-awat ni honeybabes

"Pinabibigay ng boss ko to, kaya pwede ba! kung gusto mo na bigyan ka din ng boss ko, wag ka mag-alala sasabihan ko" hinila ko ang lalaking ungas nato sa kwelyo niya

"Wag mo kong ginagalit" madiin kong tugon, napaliligiran na kami ng mga styudante

"Sai, ano ba! tama na yan!" rinig ko nag utos ni honeybabes, hanggang sa may nagsidatingan na na mga gwardya

"Sir wag po kayo mag amok dito tatawag kami ng pulis!" sabi nong gwardya, halos mapunit ko na ang kwelyo ng lalaki pero natatawa lang siya gusto ko na tuloy talaga suntukin, taena!

"Saico!!" napalingon ako sa sumigaw, si Mrs. Zamora, ang taong malaki ang galit sa akin! bat andito to sa college department?! fxxk. binitiwan ko na ang lalaki pero bahadya ko siyang tinapon kaya napabagsak siya sa sahig.

"Wag mong dinadala ang ugaling meron ka! hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ka!" sigaw ni Mrs. Zamora

"Sai, tama na" napalingon ako, naiiyak na at nanginginig na si Honeybabes

"Saico, lumabas kana, kami na bahala dito, kami na bahala kay Madine" pag sabi ni Kris, andito na pala sila ngayon ko lang napansin ang dami na pala talagang mga tao sa paligid namin.

Lumabas na ako pero sinamahan ako ng tropa pati si honeybabes, sumama din sa labas.. ke agaaga gulo na naman.

"Ano ba problema pareng Sai? kanina lang Saico na Saico ka ah?!" sabi ni Lance, hindi ako makapag salita, galit na galit ako kanina, pero nahimasmasan na ako

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon