THIRTY FIVE

820 27 1
                                    

AN:

Relax, hindi pa ito ang ending or last entry.. mahabahaba pa ang istorya 😃 Sa new readers please be sure to read HE IS MR. SAICO, the book1 of Saico's life story ❤

-MBS

"Anak, dito galing si Kris ah, wala ka daw sa skwelahan?" sabi ni Mama

Nong pauwi na ko kasi kanina, napansin ko na tumatawag sakin ang wawents pero mas pinili ko na hindi sagutin ang tawag nila, I turned off my phone. Pag nalaman naman kasi nila kung saan ako nanggaling magagalit lang sila, baka gumulo na naman.

"Ah, okay na ma! tatawagan ko nalang siya mamaya, bihis lang ako"

Dumiretso na muna ako sa kwarto ko at nag bihis, humiga na muna ako sa kama at napabuntong hininga, na mimiss ko na si Sai. kamusta kaya siya? kamusta kaya ang birthday ni grandma, for sure tapos na yon don ngayon.
hindi pa nag uupdate si Sai simula nong sabi niya na uuwi na siya, ano kaya problema? sana naman okay siya don.

Pagkatapos ko mag mukmok na mga ilang minuto I turned on my phone at tinawagan si Kris.

"Taena ganda! mabuti naman at buhay ka pa! asan ka ngayon? saan ka pumunta!" pagsagot ni Kris sa tawag ko, halatang naiirita ang kanyang boses.

"Okay lang ako, ang oa mo ah! may pinuntahan lang ako, I'm fine, tsaka nasa bahay na nga ako ngayon eh, may problema ba?" sabi ko, pilit ko inaayos ang boses ko.

"saan ka pumunta?!!" pagtatanong niya, galit padin.

"nag--ah--papahangin lang, time with my self" palusot ko

"magkita tayo, ayoko ng mga palusot mong yan! Ilang beses ko na sinabi sayo na ayusin mo mga gimik mong yan ha?" tapos pinatay niya ang tawag, lagot ako kay Kris neto.

mga ilang minuto nga ang nakalipas dumating si Kris, galit ang mukha niya.

"Gwapo! pasok ka!" masayang bati ko sakanya kaso inismidan niya lang ako, ouch.

"sige mag palusot kana!" singhal niya

"Hindi ako nagpapalusot, totoo yung sinasabi ko" sabi ko, kinakabahan ako.

"Ah, so ang Luhan na yon ang nag sisinungaling? makikita nong lalaking yon ang hinahanap niya" nagulat ako sa sinabi ni Kris

"Si-si Luhan?!" mas lalo akong kinabahan "a-anong sabi niya?"

"pinagtatakpan mo talaga ang Alex na yan ano? Ganda, sinabi sakin ni Luhan na tinakot ka ni Alex gamit siya, nakipagkita ka kay Alex para pakawalan nila si Luhan! diba? ideny mo pa sasapakin ko ang Luhan nayon!" galit si Kris.

"Kasi Kris... please wag mo sabihin kay Sai, magagalit yon! wala na kasi akong choice kanina kasi hawak nila si Luhan, natatakot ako na baka may mangyaring masama kay Luhan, nadadamay lang siya dito Kris" paliwanag ko

"I know, pero delikado yung ginawa mo ganda, pano kung kinidnap ka na nong hayop na yon? takte malilintikan kami nito kay pareng Sai eh" nakakatakot din talaga si Kris..

"Si-sinabi mo ba kay Sai? sa tropa?" pagtatanong ko

"Ako lang ang sinabihan ni Luhan, ganda, please lang wag kang gagawa ng mga nakakalokang desisyon! pano kung napahamak ka kanina? wag mo na uulitin yon ha? pag ginawa ulit ni Alex yon sabihin mo sakin!" sabi ni Kris at tumango nalang ako

"Okay, sorry gwapo" mahina kong tugon

"Kamusta ka naman? sinaktan ka ba nong lokoloko nayon?!" tanong ni Kris

"Hindi naman, nakipag lunch lang siya sakin sa tagaytay tapos pinauwi niya din ako" marahan kong sabi

"Si pareng Sai, kamusta?"

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon