NINETEEN

761 27 3
                                    

Sai Pov

"Sai, promise me you'll behave ha? please wag kang gumawa ng mga bagay na ikakaworry ko, malayo ako" bilin ni honeybabes, naghihintay nalang ako kay Mark, susunduin niya ako dito sa condo sabay kami papuntang airport, 7am ang flight eh, at ngayon 4am na.

"Oo na honeybabes, promise" sabay hug ko sakanya

"contact me immediately pag dating niyo, be sure to have enough sleep sa plane, okay?" grabeh parang nanay

"Yes Mam" sabay saludo ko sakanya, tapos may nag doorbell na agad, si Mark yon as expected, nanikip ang dibdib ko suddenly.

"Andito na si Kuya Mark" sabay open niya ng pinto, ayoko na sana patawagin si Honeybabes ng kuya kay Mark eh kaso na.aawkward daw siya, edi sige.

"Okay lovebirds maghiwalay na muna kayo, don't worry Madj lahat ng bilin mo sa'kin secured and remembered!" ngising sabi ni Mark

"Langya may sekreto pa kayong dalawa laban sakin ah" sita ko

"Salamat kuya Mark, alam mo na gagawin mo pag nag loko to" sabay hampas sakin ni honeybabes sa braso pero mahina lang naman.

"We need to go, bawal ka ma-late Sai, class trip yon" sabi ni Mark

"Oo na, sige tumalikod ka muna at ikikiss ko lang ang asawa ko at baka mainggit ka" hirit ko kay Mark at nakita ko siyang tumalikod habang natatawa at napalingo pa.tss

-

MADJ POV

"Hi Madj!" bati sakin ni Lea sa hallways, yes, nasa school na ako at si Sai? on his way to LA, magiging anusual ang dalawang linggo ko malamang pero siguro may mga kailangan lang talagang mga sakripisyo na dapat naming pagdaanan ni Sai, para sa amin naman din to eh.

"Hi Lea! ready na ba ang department niyo?" sabi ko, opening ng Sport's festival mamayang hapon, nakakaexcited na nakakakaba.

"Oo, Madj you look so tired magpahinga ka nga muna" sabi sakin ni Belle, Oo kasama sila ni Lea, mas nagiging close sila ngayon kasi magkalapit lang ang department nila.

"Oo nga Madj, ayan kana naman eh puspusan mo talagang ginagawa ang mga kailangan, pahinga ka din" payo ni Lea.

Hay, sino namang hindi magmumukhang zombie ngayon eh halos isang oras lang ang tulog ko dahil kay Sai, hay.

Nagpaalam na ako sa dalawa pupunta na ako sa department ko natanaw ko mula sa department building namin si Lance at Karen, magkasama sila naglalakad sa field, mabuti nalang talaga okay na sila.

"Miss President!" napalingon ako, sila Wendy pala, infairness matagal ko na hindi naririnig ang Miss President ah

"Oy, bakit may problema ba?" tanong ko hinihingal kasi sila

"N-nasabihan mo ba si Saico na mag guest sa booth natin?" hingal na sabi Wendy

"H-huh?" tama nga pala si Saico.. nakalimutan ko

"Diba nga kakausapin mo si Saico na mag.gguest siya sa photobook natin? Pupunta naman siya mamaya diba?" sabi sakin ni Joy.

"A-about don, ano kasi"

"Don't tell me hindi mo sibabihan si Saico? grabeh ka naman" medjo pahapyaw ng banggit ni Wendy

"Ano, nasa school trip kasi si Saico sa LA eh masiyado siyang busy 2weeks siya sa LA" pagsabi ko

"Tssss.. Hay naku Miss President qag mo naman ipagdamot ang asawa mo, asawa mo na nga eh diba? para sa department yung suggestion namin pero hindi mo naman pala ginawa! ano ba yan, nakakawalang gana tuloy" supladang sabi ni Wendy, hindi ko alam kung nag bibiro ba siya o hindi

MARRIED MR. SAICO (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon