Huwag niyang sabihing magsi-sex nalang kami buong araw at hindi na papasok ng opisina?

Ay! Gusto ko 'yon! Hihihi.

Maya-maya'y ipinaharap niya ako sa kanya at sinakop ang aking mga labi. Inilagay niya ang kanyang kanang kamay sa batok ko at pumulupot naman sa bewang ko ang kabila bilang suporta. Nai-imagine ko tuloy na ang hot naming tingnan.

"Nagbago na ba isip mo, Dee? Hindi ka na ba papasok at magsi-sex na lang tayo buong araw--uhmm." Napaungol ako nang ipasok nito ang kanyang dila sa loob na parang may ginagalugad. Alam kong french kiss ang tawag dito dahil ni-research ko ito sa Google tapos napanood ko pa sa youtube kung paano ginagawa.

"You really are a tease, Mee," namamaos na wika nito habang kinakagat ang aking leeg. Sanay na akong ganito kami sa tuwing binibihisan niya ako. Palaging tumatagal ng kalahating oras sa pagsusuot ng damit dahil ang daming extra curricular activities ni Dee.

"Sabihin mo lang Dee kung gusto mo ulit tayong maglaro ng basketball, ah? Masaya kaya yun, ikaw ang player tapos ako ang ring, o di ba masaya yun?"

"Damn!"

Tumigil si Dee sa paghalik sa aking leeg at isinuot na sa'kin ang dress na napili niya. Tsk! Sayang talaga, akala ko makakaakyat na ulit ako sa langit. Hay.

"Let me fix your hair before I lose my senses, love," anito.

Hinigit ako ni Dee at pinaupo sa kanyang mga hita saka inumpisahang suklayin ang buhok ko. Hinalikan pa niya ito bago  'yon ginawa.

Bumaba na kami at pumasok sa sasakyan. Sa backseat kami umupo dahil si Kuya Nito ang magda-drive. Ayaw kasi ni Dee na may kahati ako sa atensyon niya habang nasa loob kami ng sasakyan. Malikot daw kasi ako. Tsk! Ako pa ang tinuro eh siya nga ang malikot e, binobosohan niya ako habang nagda-drive.

"Good morning, Sir, Ma'am!"

"Good morning, Sir at Ma'am Nisyel!"

"Good morning, Sir! Good morning, Ma'am!"

Napangiti ako sa sunod-sunod na pagbati ng mga empleyado pagkapasok namin sa SDM. Yung iba ay mga ka-close ko pa noon.

"Good morning din!" nagagalak na sagot ko. Nakaka-miss din pala ang mga tao rito.

"Uy, Dee, magbati ka naman pabalik" mahinang bulong ko sa napakagwapo kong asawa. Ang seryoso niya kasi eh.

"Tss." Kitams?

"Isa," pagbabanta ko sa kanya at diniin ang daliri ko sa kanyang palad. Magkahawak kamay kasi kami at nasa harap na ng private lift.

Wala siyang nagawa at tumigil muna saka humarap sa mga empleyado.

"Morning," labas sa ilong na saad nito at hinatak ako papasok ng elevator. Ang sungit na sweet naman nitong asawa ko kasi kahit sa loob ng elevator niyayakap ako. Hihihi.

"Kaya hindi ako naniniwalang ang mga superhero lang ang nagtatransform e, kasi ikaw palaging nagta-transform, Dee."

"Do you hate the way I am, Love?"

"Hindi naman sa gano'n, Dee. Gusto ko kasi lagi kang nakangiti."

"But my smile only belongs to you, Mee. All of me," nakangiting wika nito at hinalikan ako sa tuktok. Sweet.

Bumukas ang elevator hudyat na nasa 21st floor na kami. Bumukad sa akin ang malawak na area para sa mga empleyado. Anim na cubicle ang nandito, dinagdagan pala. May babae na ring na-assign dito siyempre sa kagustuhan ko. Unfair kasi sa iba na deserving na dapat narito. Noon kasi ay puro lalaki lang ang nandito.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon