CHAPTER 2

593K 14.5K 3.6K
                                    

Chapter 2: Checklist

"PO?" di makapaniwalang tanong ko kay Ma'am Amethyst.

"I...I mean-- I like you to be his assistant. You are very qualified for the position, Miss Borara."

"Borora po, Ma'am," pagtatama ko sa kanya.

"Sorry, my bad. I mean, Miss Borora, your records shows that you are really a good person. I really admire those people who can stand on their own kasi pinagdaanan ko na rin 'yan. And in your case, mas mahirap kasi sa ampunan ka pala lumaki at wala kang alam sa tunay mong mga magulang."

Medyo nalungkot naman ako nang marinig ko iyon.

Magulang? Wala ako no'n. Hindi ko nga alam kung buhay pa sila, eh. Hindi ko alam kung ano ang itsura nila. Hindi ko rin alam kung kanino ko namana ang maladyosang alindog ko. Lumaki ako sa kalinga ng mga madre. Lumaki akong naghahanap sa sarili ko hanggang ngayon. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa sariling sikap. At makakahanap ako ng trabaho sa sarili kong sikap--Wait. Bakit ba ako nagdadrama? Tsk!

FAIRY CHECKLIST NO. 1:

Bawal ma-stress at malungkot baka tumubo ang wrinkles.

Shoot! Muntik ko nang makalimutan ang ginawa kong checklist.

"I'm sorry, Miss Borara for--"

"Borora po."

"Yes, Miss Borora, pasensya na talaga kung pinaalala ko pa sa 'yo. It seems that you don't want to talk about it." Ngumiti siya nang puno ng simpatya. Shems! Ang ganda niya talaga. Para siyang diwata sa ganda.

Pero mas maganda pa rin ako dahil isa akong dyosa.

"Ayos lang po, Ma'am. Hindi po ako nalulungkot na mag-isa lang ako. Mas marami pong dahilan para magsaya ako kaysa sa magluksa sa sitwasyon ko," nakangiti kong tugon. Ang isang kagaya ko na may lahing endangered species ay hindi dapat malungkot. Sayang ang biyayang kagandahang ibinigay sa 'kin ng Diyos kung magmumukmok lang ako sa tabi-tabi.

"Alam mo, gusto talaga kita. Unang kita ko pa lang sa 'yo parang magaan na yata ang loob ko sa 'yo. Anyway, hindi na kita iinterbyuhin. Kasi para sa 'kin, you are a perfect candidate for the position. Ang anak ko na ang bahala sa 'yo, siya naman ang magiging amo mo, eh. Marami nang nag-apply rito pero wala akong nagustuhan sa kanila. Sa tingin ko malaki ang magiging papel mo sa buhay ng anak ko."

"Po?"

"I mean, sa tingin ko magugustuhan ka ng anak ko bilang assistant niya. This is actually the first time na magha-hire kami ng babaeng assistant niya. Puro lalaki ang mga nauna niyang assistants."

"Talaga po?"

"Yes. Ayaw kasi ng anak ko na mapalapit sa mga babae lalo na sa trabaho." Hala!

"Eh, ibig sabihin po 'pag nagkataong matanggap ako, ako ang magiging pioneer sa lahi ng mga babae bilang assistant niya?" Ang galing!

"Definitely, yes. Pero..." Bahagyang nag-alangang magsalita si Ma'am Amethyst.

"Pero ano po, Ma'am?"

"Sa tingin ko kailangan mong mapa-impress ang anak ko. Lalo na't ayaw niya talaga sa mga babae. Napilitan lang siyang tumanggap ngayon dahil sa kasunduan namin. I told him to give this a try. And if you will fail, wala nang makakaapak na babae sa office niya maliban sa akin."

Imposible! Baka 'pag nakita niya ang kadyosahan ko matutulala rin 'yon tulad ni kuya guard.

"Bakit po ba ayaw niya sa mga babae, Ma'am? Misogynist po siya?" Oh nose! Baka nga misogynist siya. Mukhang sasabak sa beauty contest ang lola n'yo.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon