CHAPTER 4

539K 13.2K 795
                                    

Chapter 4: One Minute

"AKALA ko ba sabi mo gagawan mo ng paraan ngayon? Asan na?"

Halos magpanting ang tenga ko sa kangalngal ni Lady M pagbungad ko pa lamang sa pinto.

"Nagawan ko na nga ng paraan, Lady M. Nakahanap na ako ng trabaho."

"Pero ang sabi mo kahit kalahati magbabayad ka ngayon. Pinaasa mo na naman ako, Nisyel!"

"Ooops! Ang wrinkles, Lady M. Kalma. Kalma." Napatigil naman siya bigla at hinipo ang kanyang kulubot na mukha.

"Iyon na nga, Lady M, eh, hindi ako nakadilihensya kasi naghanap ako ng trabaho. Executive Assistant po ako sa SDM Empire. 'Pag nakasuweldo na po ako, kahit mag-advance payment pa ako sa inyo. Pinky promise." Ngumuso ako na parang tuta para maawa sa akin si Lady M. Alam ko hindi ako matitiis nito.

"Talaga lang, ha? Hindi ka pa nga nakakapagsimula, suweldo na agad. Baka maging bato na naman 'yan, Nisyel," aniya.

"Lady M naman, akala ko ba fan kita? Hindi kayo naniniwalang may trabaho na ako? At ito pa, Lady M ha, twenty-five thousand ang starting salary. Take note, Lady M, starting pa lang 'yan, starting!" Namilog naman ang malaking mata nito.

"Talaga? Aba'y mabuti kung gano'n. Akala ko forever ka nang hindi magbabayad ng renta mo." Oh my! Did I hear it right?!

"Lady M! Wapak! Naniniwala na kayo sa FOREVER?" Hinawakan ko siya sa magkabilang braso at niyugyog dahil hindi ako makapaniwalang naniniwala na siya sa forever.

"Ano ka bang bata ka! Hoy! Huwag mo akong niyuyugyog nahihilo ako sa 'yo!"

"Naku sorry po, sorry po! Hindi lang talaga ako makapaniwalang naniniwala na kayo forever."

"Eeeh!" Pumalakpak ako at nagtatalon-talon sa sobrang tuwa.

"Heh! Tigilan mo akong bata ka! Puro ka kalokohan."

"Ang KJ n'yo talaga kahit kailan, Lady M. Totoo naman, ah. Teka matanong ko lang po, ilang kilo ba ng kamatis ang nabili n'yo at nagbago ang PANANAW n'yo?" Natigilan naman si Lady M sa tanong ko.

"Dalawang kilo lang. At tama ka, masarap nga ang ginisang kamatis na may itlog."

"Talaga po? Ay! You made the right decision, Lady M."

"Teka, sigurado ka bang kikinis ako 'pag kumain ako ng maraming kamatis?" Tiningnan niya ako na parang tinatantiya kung nagsasabi ako ng totoo. Kaya binigyan ko siya ng maladyosang sincere smile ko. Sigurado akong nagmumukha na naman akong santa. "Oo naman po. Huwag po kayong mawalan ng pag-asa. Kikinis po kayo tulad ko," seryosong sabi ko at bahagyang ngumiti.

"Sabagay tama ka. Habang may buhay may pag-asa," sagot niya. Pero... Ano'ng sabi niya? Habang may buhay may pag-asa? Hindi kaya.

"Aba'y doon ako hindi naniniwala, Lady M." Kumunot naman ang noo nito at nagsalubong ang kanyang bagong kiskis na kilay.

"Ano?"

"Opo. Hindi po ako naniniwalang habang may buhay may pag-asa."

"Ano? Niloloko mo ba akong bata ka?"

"Totoo po--aray! Lady M, ang precious ears ko! Huwag n'yo potakong pingutin!" Halos mapaiktad ako sa pagpingot ni Lady M sa aking tenga. Huhu. My gorgeous ears! Deym!

"Niloloko mo kasi akong bata ka!"

"Teka lang po! Teka lang! Magpapaliwanag po ako. Patapusin n'yo po muna akong magsalita. Hindi pa po ako tapos," sabi ko habang nakahilig nang bahagya at hinahawakan ang kamay niyang nakapingot sa tenga ko. Napatigil naman siya at binitawan ang tenga ko. Deym! My ears!

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon