CHAPTER 15

432K 11.4K 3.4K
                                    

Chapter 15: Trash Bin

Malaki.

Matigas.

Matikas.

Ang ahas.

Parang tumitibok din ito.

Diniin ko ang aking kamay para malaman ko kung mahaba ba ito pero...

"WHAT ARE YOU DOING?"

"Aray!"

Napasapo ako sa aking noo nang biglang bumangon si Dee mula sa pagkahiga. Ang sama talaga ng ugali nito kahit kailan. Hindi man lang ako in-inform na babangon siya. Nagkauntugan tuloy kami.

"Dee naman, eh! Kitang hindi pa ako prepared tumayo ka na!  Ang tigas pa naman ng bungo mo. 'Pag ako magkabukol, kakalbuhin talaga kita mula ulo hanggang kuko!"

"Tss. Sorry."

Napapikit ako nang inilapit nito ang kanyang mukha sa aking noo at hinipan ito.

Hala!

Magic!

"Waah! Paano mo 'yon nagawa, Dee? Bakit biglang nawala ang sakit? Part time magician ka ba?"

Niyugyog ko siya sa magkabilang braso si Dee pero hindi man lang ito natinag. Namamawis din siya at ilang beses na napalunok.

"W-where's your bathroom?" nahihirapang tanong nito.

Eh?

Hala!

"Ando'n, oh." Turo ko sa tabi ng silid higaan ko.

Dali-dali naman itong pumasok doon nang walang lingun-lingon.

Kawawa naman si Dee. Dito pa naabutan ng LBM. Kung anu-ano kasing kinakain, eh. Tsk!

"Dee, walang flush diyan, ah? May tabo naman diyan at balde. May iniwan din akong alcohol diyan. Gamitin mo para mawala ang mikrobyo sa kamay mo. Sabong panlaba ang gamitin mo sa paghugas ng kamay mo ah? Para mas matanggal ang amoy," malakas na sigaw ko ng masarado niya na ang pinto ng banyo.

Hindi na ito sumagot.

Tsk! Eng-eng ka rin talaga, Nisyel. Kitang nahihirapan na nga 'yong tao, eh!

Naupo na lang ako sa luma kong sofa para hintayin si Dee. Awang-awa talaga ako sa kanya. Ang hirap kayang ma-LBM. Alam ko kasi naranasan ko na rin 'yon minsan. Hay

Tinapik-tapik ko ang aking paa sa sahig habang naghihintay kay Dee.

1 minute.

2 minutes.

10 minutes.

12 minutes.

15 minutes.

Eh? 15 minutes na pala si Dee banyo pero hindi pa rin siya lumalabas.

"Dee?" tawag ko pero walang sumagot.

Mayamaya ay may narinig akong ungol.

"Ooooh!"

Eh? Kawawang Dee. Ang sakit talaga siguro ng tiyan niya kaya nahihirapan siyang umire.

Hay. Ano kaya kung sabihin ko na lang sa kanya na huwag nalang ituloy itong date? Baka hanap-hanapin niya ang inodoro kahit saan kami magpunta. Eh, 'di hindi kami mag-ienjoy 'non.

"Dee! Ilabas mo lang lahat, ah? Ire mo lang! Kayang-kaya mo 'yan! Fighting!" Pagpapalakas ko ng kanyang loob. Sumuntok pa ako sa hangin at ipinadyak ang isa kong paa na parang nagchi-cheer. Baka kasi nagka-traffic ang mga pagkain sa kanyang tiyan kaya ganun.

The Untouchable BeastWhere stories live. Discover now