CHAPTER 32

384K 8.9K 655
                                    

There is a sacredness in tears. They are not the mark of weakness, but of power. They speak more eloquently than ten thousand tongues. They are messengers of overwhelming grief... and unspeakable love. -W. Irving

Chapter 32: Retrograde

GOLD'S POV

Mahabang katahimikan ang namayani.

Napaawang ang aking mga labi gano'n din si tita Andrea at si mommy.

"Y-you're just kidding, right? Y-you remember us, right?" Kinakabahang saad ni kuya at nagsimulang bumalong ang kanyang mga mata.

"Huh? Anong pinagsasabi mo, mamang kidnaper?" Napapalatak na saad ni ate Nisyel at sinipat ng maigi ang mukha ni kuya.

"Teka.. Kidnaper ka ba talaga, kuya? Eh? Bakit ang guwapo mo? Mukha ka namang desente at maayos naman ang pananamit mo. Nag-level up na ba ngayon ang mga kidnaper? Sosyalin, ah! 'Di ba ang kidnaper ay parang lider ng mga goons? Makapal ang balbas at oily ang mukha?" takang-taka na wika nito na parang hindi niya talaga kilala ang lahat ng nasa paligid niya.

"L-love... It's me. D-don't you remember me?"

"Wapak! Kidnaper ka nga at stalker pa! Paano mo nalaman ang second name ko, kuya? Siguro matagal mo na akong inaabangan sa kan-"

Tuluyang tumulo ang mga luha ni kuya at mabilis nitong ikinulong sa kanyang braso si ate Nisyel.

"A-anak? H-hindi mo ba kami naaalala? A-ako ang mama mo," naiiyak na saad ni tita Andrea at nilapitan si ate Nisyel na yakap-yakap ni kuya.

Kunot na kunot ang noo ni ate at parang masyado itong naguguluhan.

"N-naalala? Ibig bang sabihin may Alzheimer's disease ako? Magkakilala na ba tayo? Imposible! Wala naman akong kakilalang iba, ah." iiling-iling na wika nito at pilit kumakawala sa bisig ni kuya ngunit lalong hinigpitan ng huli ang pagkayakap sa kanya.

"S-sandali, tatawagin ko ulit si Doc," natatarantang wika ni mommy at mabilis na lumabas.

Nilapitan ko sila at umupo sa tabi ni tita Andrea.

"Ate naman, eh! 'Di ba nagbibiro ka lang? Naaalala mo ako, 'di ba? Naaalala mo kami?" naiiyak na saad ko sa kanya ngunit umiling lang muli ang kanyang ulo.

"Bakit kayo umiiyak? Hindi ko naman kayo inaaway, ah..." sabi pa nito.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Napakasaya ko na gumising na siya ngunit masakit palang wala siyang naaalala. Awang-awa ako kay kuya dahil kitang-kita kong nasasaktan siya. Sino ba naman ang hindi masasaktan na pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan niyang pag-aalaga kay ate Nisyel ay hindi siya nito naaalala paggising niya. It's clear crystal that she's having an amnesia.

"Waah! Kuyang kidnaper na stalker bakit mo 'ko niyayakap? Nagagandahan ka ba sa'kin? Hehe.. sige na nga hahayaan na kita tutal mabango ka naman," inosenteng wika nito at tinapik-tapik si kuya sa likod.

Pumasok ang doktor kasama ni mommy na tahimik na lumuluha.

"B-bakit gano'n, Doc? Bakit hindi niya kami naaalala?" umiiyak na tanong ni tita Andrea.

"Ah... iha, may nararamdaman ka bang pagkahilo o anumang masakit sa ulo mo?" pagkuwa'y tanong ng doktor kay ate Nisyel na kakakalas lang sa yakap ni kuya.

"Sakit ng ulo? Bakit naman sasakit ang ulo ko? Hindi ko naman ini-istress ang sarili ko, ah. At saka, sino ba kayo?" naguguluhang tanong nito.

"Ate, siya si Doctor Ramos, ang doktor mo," mahinahong wika ko.

"Weh? 'Di nga? Doktor ho kayo? Eh, bakit mukha kayong si dugong na nagsuot ng lab gown?" nakataas kilay na tanong nito.

"Pft!" napalingon ako kay tito Shawn na nagpipigil ng tawa.

The Untouchable BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon