CHAPTER 24

322K 7.7K 222
                                    

Chapter 24: Denied

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag na 'yan, anak? Baka importante."

Napakagat ako sa aking ibabang labi at nagpalipat-lipat ang aking tingin sa cellphone ko at kay Mama.

Tumigil ang pagring ng cellphone ko ngunit tumunog ulit ito.

Dee calling....

Deym!

Anong gagawin ko?

Isip, isip, Nisyel.

"Anak?"

Waaah!

Sa sobrang taranta ko ay pinatay ko na lang ang cellphone.

Bahala na.

"Oh? Bakit mo pinatay, anak?" tanong ni Mama.

"Ah hehe... Hindi naman po importante 'yon,  'Ma."

"Sigurado ka? Bakit? Sino ba 'yong tumawag sa'yo?" tanong pa nito na parang hindi kumbinsido.

"Ah hehe... Wala ho 'yon. Stalker ko lang po. Hindi ko nga alam kung paano niya na naman nakuha ang bagong number ko, eh. Haaay ang hirap talaga 'pag masyado kang maganda, Ma, ano? Ang dami kong stalker, nakakabanas na nga po minsan eh," pagsisinungaling ko.

Waaah!

Papa God, sana po huwag Niyo akong tanggihan sa langit pag mamatay na ako kahit na nagsinungaling ako.

"Sabagay. Kahit ako nga ay gandang-ganda rin sa'yo, anak. Hindi na ako magtataka kung ang daming nahuhumaling sa'yo," nakangiting turan ni Mama.

"Oo nga po, eh. Pati nga po ang mga aso at pusa ni Lady M sa apartment napapatahimik sa tuwing dumadaan ang kagandahan ko, eh... Hehe."

Napatawa si Mama at hinaplos ang aking buhok.

Huhuhu. Napakasinungaling mo talaga, Nisyel!

Hindi kaya totoong tumatahimik ang aso't pusa ni Lady M sa tuwing dumadaan ako. Kinakahol at tinitingnan kaya ako nila nang masama. Naiinggit siguro sa beauty ko.

Mukhahang sasamahan ko yata sa impyerno si Dee.

Hindi puwede.

Ayaw kong tumira sa impyerno forever, 'no.

"Hindi ko inakalang matatanggap mo ako nang gano'n kadali, anak. Ang akala ko kinamumuhian mo ako pagkatapos kitang iniwan at pinabayaan." Naluluhang saad ni Mama.

Huh?

"Bakit naman po ako magagalit? 'Di ba po hindi magandang nagtatanim tayo ng galit lalo na sa mga magulang? Kasi ayaw ko pong mapunta sa impyerno nang dahil sa galit. At saka, 'di ba po tapos na ang lahat ng iyon? Ang importante ay nandito na kayo, Mama." Nakangiting sagot ko at yumakap nang patagilid sa kanya.

"Ang suwerte ko naman at binigyan Niya ako ng pinakamabait at pinakamagandang anak sa buong mundo," magiliw niyang saad.

"Naman,  'Ma!"

At pareho kaming natawa.

Papa God, bigyan Niyo po ako ng lakas ng loob para magtapat kay Mama. Huhuhu. Hindi po ako sanay magsinungaling at ayaw ko pong mapunta sa impyerno.

Sasabihin ko ba kay Mama na ang pamilya nagpakulong sa kanya at ang pinagtatrabahuhan ko ay iisa?

Pero baka magalit siya?

Pero baka mas magagalit siya 'pag hindi ko agad sasabihin.

Pero paano kung ayaw niya at paghihiwalayin niya kami ni Dee? 'Di ba 'yon ang kadalasang nangyayari sa mga teleserye?

The Untouchable BeastOù les histoires vivent. Découvrez maintenant