CHAPTER 13

447K 13.7K 3.5K
                                    

Chapter 13: Stupid 2.0

"A-are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Sir D matapos niya akong ibangun mula sa sahig.

"Walanjo ka naman, Sir! Ikaw kaya ang bumagsak at nasapol sa puwet! Mukha ba akong alright ha? Mukha ba?" Malakas na bulyaw ko kay Sir D habang tinitingnan siya ng masama. Napalunok naman ito at mukha siyang...

...takot?

Eh?

Si Sir D takot sa'kin?

Hihihi.

Minsan lang 'to ha. Kaya dapat samantalahin mo na, Nisyel. Siguro kabilugan ng buwan mamayang gabi kaya nagkakaganito ang mabangis na dragon.

"S-sorry. I was too late to catch you," nauutal na untag nito.

Hihihi. Ang sarap panoorin ni Sir.

Pero ano daw?

Sorry?

Ngumisi ako sa isip ko. First time 'to! Nagso-sorry ang masungit kong boss!

"Sorry? Pagkatapos mo akong pinabayaang bumagsak at dinaganan yun lang ang sasabihin mo?! Sorry?!"

Halos mautot ako sa kakapigil ng tawa nang makita ko siyang napalunok at napayuko. Hihihi.

Hahakbang na sana ako para sa grand exit ko nang bigla akong napangiwi sa sakit ng aking balakang. Kaya...

"Psst! Buhatin mo ako!" Utos ko sa kanya.

"O-okay. I'll take to you to the hospital," an'ya.

"Iyon ang huwag na huwag mong gagawin! Hala buhatin mo ako at i-upo sa swivel chair dahil hindi ko magalaw ang katawan ko!"

Mabilis naman itong humakbang sa tabi ko at binuhat ako patungo sa...

"Sinabi ko bang sa swivel chair ko? Gusto ko roon!" Masungit na saad ko at tinuro ang kanyang swivel chair.

Natigilan siya sandali pero halos magdiwang ako nang sumunod ito sa utos ko. Matatakutin din pala itong si Sir D eh. Walang panama sa kadyosahan ko.

Napangiti ako nang mai-upo na niya ako sa executive chair. Medyo masakit pa ang balakang ko pero keribels lang.

Pinikit pikit ko ang aking mga mata na parang nananaginip. This is the moment of truth! Sino ang mag-aakalang makakaupo ako sa upuan ng CEO at siya pa nagbuhat sa'kin?

Pakiramdam ko ako ang boss dito eh. Natigilan ako nang maramdaman ko ang presensya ni Sir D sa tabi ko kaya tiningnan ko siya.

"Oh? Anong tinatayo tayo mo riyan? Ipagtimpla mo ako ng kape!"

"Seriously?" Mahinang bulong nito.

"GIVE ME A CUP OF COFFEE NOW!"

Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil mabilis itong tumalikod at tinungo ang pinto. Pagkalapat na pagkalapat ng pinto ay hindi ko napagilan ang sarili ko.

.

.

"Hahahahahahaha!"

"Hahahahahahaha!"

Halos gumulong ako sa kakatawa. Shet! Napahampas tuloy ang isang kamay ko sa mesa.

"Hahahahahahaha!"

"Hahahaha-"

"What's happening here? Nisyel, are you okay? Bakit ka tumatawang mag-isa? At bakit diyan ka nakaupo sa upuan ng boss mo?"

Nabigla ako sa susunod na tanong ni Ma'am Amethyst. At lalo akong nawindang nang makita siyang nakatayo malapit sa glassdoor.

Deeemn!

The Untouchable BeastWhere stories live. Discover now