Pinapatay niya ba ang sarili niya?

Lumapit pa ako pero tumigil rin sa sapat na distansya na para sa akin. He was thinking. Pre-occupied siya kaya hindi niya ako napansin.

"Evander.." I breathed.

Mabilis niya akong nilingon at nagtama ang mga mata namin. Nangilid ang mainit kong luha sa pagtitig niya sa akin. Kita ko ang bahagyang pag-luwag ng kanyang ekspresyon. Tumayo siya at muntik matumba kaya napahakbang ako paharap. Tumayo siya ng maayos at tinignan ako muli.

His eyes were red.. I don't know kung dahil ba sa sakit niya 'yon o dahil sa pag iyak.

Bumigat ang hininga ko dahil unti-unting bumagsak ang mga luha ko. I didn't know na ganito pala 'yon. Kahit wala pa kaming sinasabi sa isa't isa.. tingin palang niya sa akin, naiiyak na ako.

Nasasaktan na ako.

I didn't know that I would love someone this bad.

"Adrianna.." tawag niya sa akin at dahan dahan humakbang papalapit sa akin.

His voice was weak. It pains me to hear him like that.

Wala ang Evander na boses palang ay mapapatakbo na lahat, matatakot na lahat.. his voice now is so weak.

Kita ko ang panghihina niya at ang hirap niya sa paglakad. He was just looking at me straight in the eye. Sumasakit na ang puso ko sa sobrang pagdama sa nangyayari.

"Bakit wala kang dalang payong? You'll get sick.." aniya.

Naramdaman ko ang pagbiyak ng puso ko sa sinabi niya. Ako pa rin ang iniisip niya pagkatapos ng lahat?

"Ikaw bakit wala kang dalang payong? Bakit ka nandito? Bakit hindi ka umuwi? Bakit ka nag pabasa sa ulan? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Bakit mo ako pinapahirapan?"

Napahikbi ako sa mga sarili kong tanong. Kita ko ang pag buntong hininga niya at ang lalong paglapit niya sa akin.

My heart is aching so bad.

"I missed you.." napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

Nang matawid niya ang distansya namin ay mabilis siyang lumuhod sa harap ko. Namilog ang mata ko sa ginawa niya. Mabilis ko siyang dinaluhan at pinilit tumayo pero sadyang matigas siya at ayaw niyang mag patinag.

"Evander! Tumayo ka diyan!" Mariin kong giit sakanya.

Umiling siya at hinila ang kamay ko. Wala akong nagawa kung hindi ang mag lebel ng tingin sakanya. Ngayong nakikita ko siya ng malapitan ay mas nakita ko kung gaano siya nasasaktan. His eyes were crying.

I never thought that I will see him like this.

He was looking at me like he can't let go of me and that made my heart pound so fast.

"I am sorry.. I am so sorry. I love you so much." Aniya habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Napakagat ako sa labi ko at pinigilan ang mapahikbi.

How can I hate him if he's like this? How can I unlove him, if every second of the day, nahuhulog ako sakanya?

"I don't really know about anything. I was sick. I didn't even tell you dahil ayokong mag alala ka sa akin. I only told Osiris because I desperately need the medicines. Pagkagising ko.. ang saya saya ko kasi nakita kita then I saw her.. I promise you, hindi ko alam nandoon siya. I was asleep the whole time. Walang nangyari.. damn. I don't know anything.. please believe me.."

Hinaplos niya ang mukha ko kaya lalo kong naramdaman ang init ng balat niya. Napapikit ako at naramdaman ko ang pag lapat ng noo niya sa noo ko. I was sobbing silently.

Sobrang init niya..

"Go home.. lalong la-lala ang sakit mo." Saad ko at nagmulat ng mata..

Umiling siya at kita ko ang desperation sa mata niya. Gamit ang dalawa niyang kamay ay hinawakan niya ako sa mukha. He was so close and I can't breath properly.

"Nagmamaka-awa ako sa'yo.. please forgive me. Forgive me from all my bad doings. Patawarin mo ako kasi binalak kitang gamitin dati but trust me, ako ang nahulog sa sarili kong patibong. I was caught and I can never escape anymore. Damn. I don't even want to escape. Everything about me is loving you. Please tell me you didn't give up on me. I'm gonna lose everything.. wag lang ikaw." Pinilit kong tignan siya sa mata pero napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Damang dama ko ang sakit sa boses niya. I can feel everything from the outside down to every cell on my body. Nangingig ang kamay niyang nakahawak sa mukha ko.

"May sakit ka.. 'wag mo naman pahirapan ang sarili mo ng ganito." Mahina kong wika.

Funny thing is, I was almost cursing at him a while ago. I almost want to give up but here I am still loving him, my heart is still beating so fast because of him, the bees on my stomach is still there and I still care for him.

Ngayon ay halos madurog ang puso ko sa nakikita ko. Why can't we just be happy?

"I don't care, Adrianna. Wala akong pakielam sa pesteng lagnat na 'to. I only care about you.. unless you tell me that you have forgiven me and you still love me. I will never be well dahil mas masakit pa ang nararamdaman ko sa puso ko kay'sa sa lagnat na 'to."

I can sense his frustrations. Napalunok ako para makakuha ng lakas mag salita.

I looked at him intently.

"Ano bang sinasabi mo? Sa tingin mo hindi na kita mahal dahil lang sa mga nangyari? It doesn't work that way, Evander. Hindi ganon kababaw ang pagmamahal ko sa'yo! Kahit pilitin kong wag kang mahalin dahil mahirap.. hindi ko kaya. I never loved someone like this before! Ganon ba ang tingin mo sa pag mahahal--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil mabilis niya akong siniil ng halik. It was so hot and so sweet at the same time. Even though our tears were salty, naibsan 'yon ng tamis ng halik niya sa akin. I can't feel the rain in my skin dahil ino-okupa nang halik niya ang buong isipan ko.

Nanikip ang dibdib ko sa bawat haplos ng labi niya. He bit my lower lip kaya napaawang ang labi ko. He used this to enter his tough and kissed me fully. Napahawak ako sa balikat niya para makakuha ng suporta. My heart is aching so much.

Bumitaw siya at nahigit ko ang hininga ko dahil doon. I tried my best to breath properly. Inabot niya muli ang mukha ko at hinawi ang mga buhok na dumikit doon dahil sa ulan. He looked at me lovingly.

"Hindi ganon ang tingin ko. It's just, I was afraid that after all that I did.. you'll stop loving me. Natakot ako na baka dahil sa mga pag kakamali ko ay hindi mo na ako mahalin. I am so afraid of not being loved back by you." Umiling ako sa sinabi niya.

"Maybe you did lie to me, many times.. but I know that you love me. Sa lahat ng sinabi mo sa akin ay alam kong 'yun ang pinaka totoo. I will never doubt that, it's just.. I need to take a break. Everything was using my strength but.. I never love you less." Banayad kong pagpapaliwanag sakanya.

Tumango siya sa bawat sinabi ko. Kita ko ang bawat pag-intindi sakanya.

"I'm sorry for not protecting you enough. I am sorry for even trying to hurt you.." he traced.

Mabilis ko siyang yinakap dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko rin ang unti-unti niyang pagyakap sa akin.

"I love you." Mahina niyang bulong sa akin at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

"I hate you for making me fall for you. I hate you for not letting me unlove you." Mahina kong bulong sakanya.

Naramdaman ko ang mga mababaw niyang halik sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang bahagyan niyang pag ngiti sa leeg ko. Naging mabigat ang pag hinga ko dahil doon.

"Hate me more if you want but I won't let you unlove me."

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon