FORTY..

15.4K 282 86
                                    

CHAPTER FORTY..

KAI'S POV 

"KAI! IVY! SI LAUREEN!!" Hingal na hingal si Luhan nung lumapit siya samin. Namumutla siya tapos hindi mapakali. "TARA DALI!! SI LAUREEN!!"

 

"ANONG NANGYARI SA ASAWA KO?!" Hindi maganda yung kutob ko kaya nagmamadali ako papunta sa kanya. Pagdating namin sa may delivery room nakita namin yung doktor na nagpaanak kay Laureen.

"Kayo po ba yung asawa ng pasyente?"

 

"Opo, doc. May nangyari po ba sa mag-ina ko?"

 

"The baby's okay, she's healthy. But Mrs. Kim..... I'm sorry but she's in critical condition......"

 

"WHAT?! HINDI YUN PWEDE DOC!!"

 

"I'm sorry Mr. Kim. Excuse me."

Nanghina ko sa sinabi ng doctor. Di ko alam kung paano yun magsi-sink in sa utak ko. Magiging okay si Laureen. Alam ko magiging okay siya. Hindi pwedeng may mangyaring masama sa kanya. Magsosorry pa ako sa kanya eh, magsasama pa kami ng matagal, papalakihin pa namin yung anak namin, magkakaroon pa ulit kami ng madami pang anak, hihintayin pa namin yung mga apo namin, marami pa kaming gagawin ng magkasama kaya walang mangyayaring masama sa kanya.

"Okay ka lang Kai?" Ivy.

"Wag kang magalala malakas yun si insan, alam ko lalaban siya. Kaya wag ka nang malungkot dyan!" Sabi ni Luhan.

"Wait lang guys ah." Umalis muna ako sandali. Alam ko sa mga oras na to siya yung dapat kong lapitan.  

Pagdating ko sa chapel, pumunta agad ako sa pinakaharap tsaka lumuhod.

Pagkaluhod na pagkaluhod ko tumulo agad yung mga luha. Alam kong okay lang sa kanya na ipakitang mahina ako, na pagod na ako, na hindi ko na kaya. 

Bumalik sakin lahat ng sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw, mula sa pag-iwan sakin ni Laureen hanggang sa malaman ko yung kondisyon niya ngayon.

"Diyos ko..... kahit hindi po ako madalas na lumapit sa inyo alam ko po na pinapakinggan nyo po ako..... Diyos ko iligtas mo po yung asawa ko..... wag mo po muna siyang kunin sakin please.....kailangan ko po siya eh..... kailangan po siya ng anak namin.... di ko pa po kaya na wala siya please Lord.......... Alam nyo po ang swerte-swerte ko sa kanya..... kahit na ang gago ko, kahit ang dami kong kasalanan sa kanya minahal niya pa rin ako ang gago ko lang kasi hindi ko siya pinakinggan mas inuna ko yung galit ko...... pero kahit na anong masasamang salita yung sinabi ko sa kanya.... kahit na gaano ako nasaktan mahal na mahal ko pa rin po siya..... kaya po wag mo po muna siyang kunin....... pahiram muna po ng asawa ko oh, gusto ko pong makumpleto kaming pamilya, ayoko pong maranasan ng anak ko yung naranasan ko.... yung walang nanay...... please Lord...... nakikiusap po ako sa inyo parang awa niyo na po......" 

Biglang may malakas na hangin na dumaan sa gilid ko.  

"Wifey? Ikaw ba yan?..... wag ka muna aalis oh.... paano na kami ni baby kung wala ka..... wifey sorry ah..... sorry sa lahat ng ginawa at nasabi ko sayo..... wifey alam mo naman na mahal na mahal kita diba? Araw-araw ko yung papatunayan sayo...... please wag mo muna kaming iiwan...... papalakihin pa natin si baby eh.... tapos gagawa pa tayo ng maraming kapatid para may kalaro siya..... wifey please....." 

May malakas na namang hangin na dumaan.

"Kai....." may tumatawag sakin. Akala ko si Laureen na, si Louise lang pala nasa may pintuan. "Gising na si Laureen...."  

Pagkarinig ko ng pangalan ng asawa ko, tumayo agad ako papunta sa kwarto niya.

Salamat po!! Salamat po pinakinggan niyo ako!! Maraming salamat po talaga!

Pagdating ko sa kwarto niya, nakita kong nakahiga sa tabi niya yung baby namin habang tulog. Linapitan ko naman agad yung mag-ina ko.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Yun agad yung nasabi ko paglapit ko.

"Leianne." Tumingin siya sakin at tsaka ngumiti. Miss na miss na miss ko na siya. Linapit ko yung mukha at hinalikan siya sa labi.

"Leianne Kim.." tiningnan ko yung anak namin na ngayon ay gising na. Ang ganda niya, kamukha ko, pero nakuha niya yung bilugang mata ni Laureen.

"Kamukha mo siya noh?" Sabi niya nang nakangiti pa rin.

"Oo nga eh....wifey sor- - -"

 

"Sshhhh. Wag mo na isipin yun. Bati na tayo, okay? Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal kita, hinding-hindi magbabago. Alagaan mong mabuti si baby huh? Dapat lumaki siyang good girl...."

 

"Ano bang- - -" bakit ganito mga sinasabi niya?

"Sssshhhh. Pakinggan mo muna ako. Dapat good girl si baby paglaki niya. Basta ikaw na bahala sa kanya, okay? Wag mo siyang papabayaan kundi sasapakin kita.... K-kung.." tumulo na yung luha niya. "K-Kung mag-aasawa ka man ulit okay lang sakin basta ba mamahalin niya si Leianne....mahal na mahal ko kayo.... hihintayin kita Jongin... kahit matagalan ka okay lang basta maghihintay ako ah... hindi mo kailangang magmadali kasi hinding-hindi ako magsasawang maghintay sayo. I..... love.... you... hubby..." unti-unti na niyang pinikit yung mata niya. Nagpahinga na siya. Pagod na rin siguro siya kaya hahayaan ko na siyang magpahinga.

Hinalikan ko siya sa labi. "Pahinga ka na, wifey...." tumulo na naman yung luha ko. "Alam ko magiging masaya ka kung nasaan ka man. Hindi ka na mapapagod dyan... ang daya mo naman inunahan mo ako... basta hintayin mo ako dyan ah.... magkakasama rin tayo... Don't worry aalagaan kong mabuti si baby natin... I love you too, wifey..."

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now