TWENTY FOUR..

16.6K 288 29
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR..

Laureen's POV 

One week na akong nagi-stay sa condo ni Kai. Cold siya sakin. As in cold kasi never talaga niya akong kinausap, yun bang parang di ako nage-exist. Hindi ko naman magawang magcomplain kasi alam kong kasalanan ko naman kung bakit ganun siya sakin. Bumalik na nga siya sa dati eh, uuwi siya madaling araw tapos lasing, may time pa nga na naguwi siya ng babae eh. Wala akong magawa nun kundi umiyak.

*BZZT BZZT*

1 new message

From: 09155678909 

Good morning miss Laureen, I'm Patty yung magiging wedding planner niyo. Sabi po ni Mr. Kim makipagmeet daw po ako sa inyo ni Mr. Kai.

Malapit na nga pala yung kasal namin ni Kai. Ang kyeme lang kasi galit na galit sakin kung groom ko. Ako lang yata yung magpapakasal na hindi masaya eh.

Tap to reply

To: 09155678909 

Tanungin mo na lang si Kai kung kailan siya pwede.

From: 09155678909 

Busy daw po siya. Ikaw na lang daw po ang makipagmeet.

Hay! Ano nga ba aasahan ko? Na makikicooperate siya sa pagpaplano ng kasal namin?

- - - - - - - - - *** - - - - - - - - -

Bukas na yung kasal namin, pero si Kai nasa bar. Sisipot pa kaya siya? Iurong ko na lang kaya to. 

Lahat ng wedding preparations ako lang ang nagasikaso, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaking detalye ni isa walang sinuggest si Kai.  

Nagsimula na namang tumulo yung luha ko. Kung sana hindi ko niloko si Kai. Kung sana sinabi ko agad sa kanya yung totoo. Edi sana hindi kami ganito. 

Lord, kayo na pong bahala samin. Kung ito po yung parusa sa ginawa ko sa kanya tatanggapin ko po. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na nasasakatan na po ako, hindi ko na po alam kung anong gagawin ko. Basta po alam kong alam nyo na pinagsisisihan ko na po yung ginawa ko. Alam ko rin po na alam niyong mahal ko si Kai. Sana lang alam niya din yun.

Pumunta ako sa kwarto, kinuha yung picture namin ni Kai sa isa naming date at tsaka humiga sa kama at tinitigan yung picture.  

Ang saya namin dito ah. Kailan kaya ulit mangyayari to? 

Hanggang sa makatulog ako sa kakatitig sa picture at kakaiyak.

Kai's POV 

Bukas na yung kasal namin pero nandito ako sa bar. Iniisip ko pa lang na papakasalan ako ng babaeng hindi naman ako mahal, masakit.  

Hindi ko siya kinakausap. Baka kasi kung anong magawa ko kapag magkausap kami, baka magbreakdown ako sa harap niya kahit na lalaki ako. 

Maya-maya umuwi na din ako. Hinanap ko agad siya at nakita ko siya sa kwarto. Tulog na siguro.

(Play youtube video -----> baby don't cry)  

Linapitan ko siya. Tulog na nga. May mga luha pa nga pisngi niya eh tapos yakap niya yung picture naming dalawa. Tumabi ako sa kanya at pinunasahan yung luha niya. Mahal ko pa rin naman siya eh, hindi naman talaga nawala yung nararamdaman ko para sa kanya. Oo mahal ko siya kahit na hindi niya ako mahal, kahit na niloko lang niya ako.

Bakit? Bakit ka umiiyak? Gusto mo na bang iurong yung kasal? Wag please! Kahit na makulong ako habang buhay sa marriage natin na ako lang yung nagmamahal okay lang sakin. Ayoko lang mawala ka sakin. 

Niyakap ko siya. Magdamag ko lang pinagmasdan yung mukha niya. Paano nga ba kita minahal? Alam mo ba na yung pinakamasayang parte ng buhay ko eh yung mga panahon na kasama kita. Ikaw pa lang yung nakapagparamdam sakin ng ganito. 

Nung malapit na mag-umaga, umalis na ako sa kwarto, pero bago ako umalis hinalikan ko muna siya sa labi. "I love you, girlfriend."

his game :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon