SIXTEEN..

19.3K 302 13
                                    

CHAPTER SIXTEEN..

Sabay kaming pumasok ni Kai. Holding hands while walking ang peg namin. Unusual kay Kai to, kasi kadalasan nakaakbay siya sa mga babae niya. Nung nahatid na niya ako sa room ko, narinig ko yung mga kaklase kong nagbubulungan. Mga punyeta tong mga to!! Nagbulungan pa dinig ko naman. Di ko na lang sila pinansin, nakinig na lang ako sa prof namin, pero syempre joke lang yung nakinig ako, natulog lang talaga ako. Hindi naman kasi nagtuturo eh, puro kwento lang ng talambuhay niya.

*BZZT BZZT*

1 new message

From: Kai 

Makinig ka sa prof mo, girlfriend.

Hala pano niya nalaman na di ako nakikinig? Hinanap-hanap ko siya sa sa may labas ng room kung andun siya.

Tap to reply

To: Kai 

Asan ka?

From: Kai 

Sa room. Bakit?

To: Kai 

Pano mo nalaman na di ako nakikinig?

From: Kai 

Heheheh ang galing ko naman manghula. I love you.

Uminit bigla yung mukha ko tapos napangiti ako. Hala!! Bakit ganito na epekto ni Kai sakin?

To: Kai 

I love you pa di naman totoo -.-

From: Kai 

Totoo yun. Pinapatunayan ko na nga eh. Sige na baka mahuli ka pa ng prof mo. I love you. I really do.

Napangiti na naman ako sa tinext niya. KAI!!! Ano bang ginagawa mo sakin?!! Shoot!!

After class, nasa labas si Kai. "Girlfriend, kain tayo. Nagugutom na ako :3" yiiieee!! Bakit ang cute niya magpout? Waah!! Laureen anong nangyayari sayo?!

"Bakit kasi hinintay mo pa ako? Dala ko ba yung canteen?"

 

"Eh gusto lang kita kasabay. Tara naaa!!" Hinila na niya ako papunta sa canteen.  

Pagkabili namin ng pagkain, hinila ko siya papunta sa garden.

"Dito na lang tayo kumain. Naiilang ako dun sa canteen eh. Lahat nakatingin sayo :3" 

So pumunta na kami sa garden, umupo kami sa may damuhan.

"Girlfriend....."

 

"Oh?"

 

"Wala. I love you" Sabi niya habang nakangiti ng pagkalapad-lapad.

"Baliw ka? Kumain ka na nga lang dyan, magc-cr lang ako." Sabi ko tsaka pumuntang cr.

Papalabas na ako ng cr, may biglang humarang sakin na babae. "Oh! The slut is here." Sabi niya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

"Oh. You must be describing yourself." Sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin, parang gusto na niya akong sabunutan pero nagpipigil. "You bitch! Mang-aagaw ka!"

 

"At ano naman ang inagaw ko sayo, aber?"

 

"Si Kai!"

 

"Eh ikaw pala yung slut eh! Di naman siya sayo eh kaya wala kang karapatan na sabihing inagaw ko. At isa pa, hindi ko siya inagaw sa kahit na kanino dahil siya mismo ang nagpaagaw sa sarili niya at sakin siya napunta. Che! Dyan ka na nga!" Tinalikuran ko siya, chin up, straight body pa ako nun. Tsaka ako bumalik sa pwesto namin ni Kai.

"Oh bakit nakasimangot ka, girlfriend?" Tanong ni Kai pagbalik ko.

"Yung sa isa sa mga haliparot mong babae inabangan ako sa cr, tapos inaway pa ako."

 

"Sino?!" Tumayo siya bigla sa pagkakaupo niya.

"Aba malay ko kung sino. Tsaka wala akong time alamin. Hayaan mo na lang yun."

Hinawakan niya yung kamay ko, "Sorry, girlfriend huh. Promise. Di ko na hahayaan na awayin ka nila."

 

"Wag kang magpromise baka di mo tuparin."

 

"Okay po. Gagawin ko na lang. Mahal kita, girlfriend."

Napatingin ako sa kanya, nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. "Ano ulit yung sinabi mo?"

 

"Mahal kita."

Napatakbo ako papunta sa cr nung pagkaulit niya nun.

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now