TWENTY THREE..

16.4K 264 6
                                    

CHAPTER TWENTY THREE..

LAUREEN'S POV 

Tinext at tinawagan ko si Kai kagabi pero ni isang reply wala akong natanggap. Di rin ako nakatulog. Di ako dinatnan ng antok eh, masyadong occupied yung utak ko. Iniisip ko si Kai, kung paano ako magpapaliwanag sa kanya, kung paano ako magsosorry, kung mapapatawad pa ba niya ako. Basta kung anu-ano yung iniisip ko.

Nandito ako ngayon sa office ni Mr. Kim. Pag-uusapan daw namin yung tungkol sa "kasal". Nakausap na rin niya yung parents ko, tinanong nga agad ni mom kung buntis daw ako eh. Syempre sinabi kong hindi. Hindi naman talaga ah. Pero di ko sinabi na galit si Kai, kahit si Mr. Kim hindi alam na galit sakin si Kai. 

Maya-maya dumating na si Kai, tiningnan ko siya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, pero di ko magawa. Tumingin din siya sakin, pero inalis din niya agad at pumunta sa bakanteng upuan sa tapat ko.

"Dahil nandito na kayong dalawa, so simulan na natin yung discussion about sa kasal niyong dalawa." Sabi ni Mr. Kim.

Nakita ko na napatingin si Kai sakin, halatang gulat pero di siya nagsalita.

"I know you love each other kaya naisip ko na magpakasal na kayo. Your wedding day will be 1 month from now. So kailangan maayos niyo na yung mga kakailanganin within 3 weeks, marami akong contacts so sabihin niyo lang sakin kung ano yung mga kailangan niyo." 

Madami pang sinabi si Mr. Kim pero di ko na naintindihan yung iba or hindi ko lang talaga inintindi. Basta namalayan ko na lang palabas na ako ng office ni Mr. Kim. Nauunang naglalakad si Kai, so nilapitan ko siya. Bahala na kung anong mangyayari basta kakausapin ko siya.

"Boyfriend........"

Tiningnan naman niya ako pero ramdam ko pa rin na galit siya. "What?!"

 

"Sorry..." sabi ko habang nakayuko.

I heard him chuckle, "Sorry?"

 

"Alam kong hindi enough yung sorry ko pero sana tanggapin mo."

 

"You know what, Laureen? Stop this act. Hindi mo na kailangang magpanggap na you care for me kasi alam ko na at tanggap ko na from the very start eh nakikipaglaro ka lang sakin. Malas ko lang kasi minahal kita, at pinagsisihan ko na yun."

Tumulo na lang bigla yung luha ko. Yung marinig ko mula sa kanya na pinagsisisihan niyang minahal niya ako, ang sakit. Sobrang sakit. Sa bagay tama lang sakin to. Karma ko to. Kaya kailangan kong tanggapin.

"Ito ba yung hiniling mong kapalit kay dad? Yung magpakasal tayo? Bakit ano pang gagawin mo sakin? Ano pa bang panloloko ang hindi mo nagawa huh? Hindi ka pa nakontento sa pananakit sakin, at talagang papakasalan mo pa talaga ako." He said in cold tone.

Nakayuko pa rin ako habang umiiyak. "Sorry.... i'm really sorry." Yun lang nasabi ko. Tumakbo na ako palayo sa kanya.

Naiinis ako! Nagagalit ako sa sarili ko. Bakit ko ba naman kasi pinasok yung bagay na yun. Imbis na tahimik yung buhay ko pinakomplikado ko pa. Kasalanan ko naman talaga eh.

Tumakbo ako sa garden, yung madalas naming pagtambayan ni Kai. Shit! Lalo akong naiyak. Naalala ko nung okay pa kami. Nung mga panahong minamanyak pa lang niya ako, nung sabay kaming kumakain sa garden, yung sinayawan niya ako. Parang nung isang araw lang ang saya pa namin ah, tapos ngayon halos kamuhian na niya ako.

Biglang may humawak sa braso ko tsaka ako hinila, pagtingin ko si Kai. Saan niya ako dadalhin?

"Dun ka na daw titira sa condo sabi ni dad." Ang cold pa rin niya. 

Hanggang makarating kami sa kanila, wala kaming kibuan. Paano kami titira sa isang bahay kung ganito kami?

Dahil di niya ako kinakausap, inayos ko na lang yung mga damit ko dun sa bakanteng kwarto.

Pumasok si Kai sa kwarto habang nagaayos ako, "Dun mo yan ilagay sa kwarto ko." Sabi niya tsaka lumabas ulit.

Pagkatapos kong mag-ayos, nagluto ako ng pagkain para kay Kai. Umalis nga siya eh hindi nagpaalam sakin. Hinintay ko siyang dumating pero madaling araw na wala pa ring Kai na dumadating hanggang sa makatulog na lang ako kakahintay.

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now