THIRTY THREE..

15K 289 49
                                    

CHAPTER THIRTY THREE..

Pagdilat ng mata ko, puro puti yung nakita ko. Alam ko buhay pa ako at nasa ospital lang ako, naririnig ko si Kai na kausap si Luhan eh.

"Pag may nangyaring masama sa pinsan ko at sa pamangkin ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo Kai." Kalmado lang yung boses ni Luhan pero nararamdaman kong nagpipigil lang siya ng galit.

"Alam na ba to ng parents niyo?" Boses naman yung ni Louise.

"Nakuuuuu!! Pag talaga may nangyari sa pinsan ko humanda ka sakin Jongin!!!" Si Ivy.

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa mag-ina ko. Tsaka hindi ko na to sasabihin sa parents namin, problema namin tong mag-asawa kami dapat yung umayos."

 

"Luhan...." yan yung lumabas sa bibig ko. 

Napatingin sila sakin. Sabay-sabay silang pumunta sakin, nangunguna si Kai.

"Wifey, anong masakit sayo? May kailangan ka ba?"

 

"Okay lang ako." Napahawak ako sa tiyan ko. Naalala ko bigla yung anak ko. "Yung baby ko? Okay ba siya?"

 

"Okay lang daw siya sabi ng doktor. Buti daw malakas ang kapit ng bata, okay ka lang ba talaga wifey?"

 

"Uhm.. guys, iwan na muna namin kayo. Kailangan niyong mag-usap." Sabi ni Luhan tsaka hinila palabas si Ivy at Louise.

"Wifey, sorry....." gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko alam kung bakit hindi ko kaya.

"Bakit hindi mo sinabi sakin?" Ang dami kong gustong malaman. At malalaman ko lang yung totoo kung tatanungin ko si Kai at hindi magcoconclude agad.

"Ikukwento ko mula sa simula wifey." Huminga muna siya ng malalim bago magsalita ulit. "Night before our wedding nasa bar ako umiinom, may lumapit saking babae tapos hindi ko na alam yung mga sumunod na nangyari, nagising na lang ako kinabukasan katabi ko siya. Tapos nung nagpa-check up ka, nakita ko siya sa ospital kung saan ka nagpapacheck up. The next day, nagtext siya sakin, hindi ko alam kung paano niya nakuha yung number ko pero sinabi ni na buntis siya at ako daw yung tatay. Nagkikita kami, sinasamahan ko siyang magpacheck up. Hindi ko sinabi sayo kasi buntis ka at alam kong makakasama sayo yung sumama yung loob. Sorry na wifey. Hindi pa naman ako sure kung akin talaga yung bata eh, malay mo diba iba yung tatay." Sabi niya tsaka ako niyakap at hinalikan sa noo.

his game :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon