THIRTY NINE..

14.5K 255 62
                                    

CHAPTER THIRTY NINE..

LAUREEN'S POV 

Naiiyak akong lumabas sa bahay. Bakit naman ako pinapaalis ni Kai? Ibabalita ko lang naman sa kanya na siya yung daddy ng pinagbubuntis ko eh, ito na nga eh magsosorry na ako sa gi- - -

"AAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!!!" PAKSHET MANGANGANAK NA YATA AKO!! "HEEEEEEELPPP!! KAAAAAIIIIIII!!!!" Nakita ko naman na dali-dali siyang lumabas ng bahay.

"Hey what happened?!!" Natataranta na siya.

"TANGINA KAI!!! MANGANGANAK NA AKO!! DALHIN MO NA AKO SA OSPITAL!!!"

"OKAY OKAY!!" papasok na ulit siya sa loob tapos bigla niya akong binalikan tapos bigla niya akong binitawan para pumunta sa parking lot tapos bumalik na naman siya sa loob ng bahay. "FUCK!! Calm down Jongin!!" Narinig kong sabi niya habang papasok sa bahay. Paglabas niya ng bahay, nagmamadali siyang buhatin ako para isakay sa kotse, tsaka niya pinaharurot yung sasakyan papuntang ospital.

"TANGINA!! WALA NA BANG IBIBILIS YAN?!! LALABAS NA YUNG ANAK KO JONGIN!!!"

 

"FUCK!! MABABANGGA NA TAYO NITO LAUREEN!! NATATARANTA NA NGA AKO DITO OH!"

 

"JONGIN!! NARARAMDAMAN KO NA!!! AAAAAAAAAHHHHH!!"

 

"T-TEKA LANG!!! WAG KANG MANGANGANAK DITO HINDI AKO MARUNONG!!!" Lalo pa niyang binilisan yung pagpapatakbo ng sasakyan.

"JONGINA!!!! BILISAN MO NA!! LALABAS NA YUNG ANAK MO!!! BWISET KA!!!"

Bumagal ng konti yung pagdadrive niya. Napatingin siya sakin, "WHAT?? A-Anong sinabi mo?! TANGINA LAUREEN HINDI ITO ANG TAMANG ORAS PARA PAGTRIPAN AKO AH! BWISET!!" Binalik niya yung tingin niya sa daan tsaka binilisan yung pagpapatakbo.

BWISET!! Anong problema niya??!! Kahit sobrang sakit na, kahit gustong-gusto kong magsisisgaw sa sobrang sakit pinili ko na lang na manahimik. Naiinis ako kay Kai. Bwiset siya. Ano bang problema niya? Magsosorry na yung tao eh kanina tapos kung anu-anong sinabi niya tapos ngayon naman sinasabi niyang pinagtitripan ko lang siya! Hello?!! Sa tingin ba niya sa kalagayan ko ngayon magagawa ko pang mantrip. Bwiset siya!! Nung nakaraan lang may paluhod-luhod pa siyang nalalaman, may paiyak-iyak pa, tapos ngayon anong inaasta niya?!! Pakshet siya!!!  

Sa sobrang inis ko sa kanya di ko namalayan na nasa ospital na pala kami. Buhat-buhat niya ako tsaka ihiniga sa stretcher.

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now