PROLOGUE..

36.7K 603 48
                                    

PROLOGUE..

Laureen's POV

"Laureen, anong na-assign sayo ni Sir?" Tanong sakin ni Zaira, blockmate ko. Journalism student ako at ang requirement namin this sem is yung school's owner profile.

"Interview. Tae!! Ang hirap nga eh. Buti na nga lang hindi ako yung gagawa ng questions eh."

"Maganda nga yun eh, makaka-one on one mo yung owner na si Kim Ji Hoon."

"Psh. Naku bahala na nga."

"Laureen!! Laureen!! Ibibigay na daw sayo ni Gian yung questions bukas tapos sabi ni Megan 2 weeks lang daw yung time mo para mainterview si Mr. Kim." Hinabol pa talaga ako ng isa kong blockmate na si Lyra para lang sabihin sakin yun.

"O sige. Zaira, daan muna tayo sa office ng secretary ng owner para magpa-appointment." Uwian na kasi namin.

"Sige. Tara na baka magsara na yun."

Pagdating namin sa office, buti na lang bukas pa, so pumasok na kami.

"Ahm.. good afternoon po. Pwede po ba magpaset ng appointment kay Mr. Kim?" Bati ko sa ms. Secretary.

"Bakit? Tsaka Kailan ba? Sa Saturday na lang ang free time ni Mr. Kim this week."

"Ahm. Requirement lang po namin this sem."

"Ah okay. Anong year and course nyo?"

"Second year, journ po."

"Okay sige sige. Saturday 9:00 am, okay sa inyo?"

"Okay po. Sige thank you po." 

Sa wakas!! Buti na lang di masyadong busy ngayon yung owner. Tsaka priority talaga niya kami pag ganun kaya di mahirap lapitan. Hihintayin ko na lang yung questions at Saturday at tadaaaa pasado na ako!

SATURDAY.

Hooooooo!! Kaya ko to!! Iinterviewhin ko lang naman yung owner tapos tapos na! Okay Laureen. Inhale. Exhale. Go go! Fighting!!

Binuksan ko na yung pinto ng office ni Mr. Kim. Pagpasok ko, nadatnan kong pinapagalitan niya yung anak niya na si Kim Jong In o mas kilala sa campus na Kai. Bago ko pa maisarado yung pinto eh nakita na nila ako. Oh shoot!! Nakita pa tuloy ako! Tanga mo Laureen.

"Ms. Angelica Laureen Cortez from College of Communication, right?" Tanong ni Mr. Kim.

"Yes sir. Sorry po!! Sorry po kung naistorbo ko kayo!" Sabi ko habang bow ng bow. Marunong magtagalog tong mag-amang koreano na to kasi ang alam ko 7 years na silang nagi-stay dito sa Pinas.

"It's okay." Tumingin siya kay Kai. "Hindi pa tayo tapos ah." Tsaka binalik yung atensyon sakin.

Tiningnan ko si Kai ang sama ng tingin sakin. Dapat nga magpasalamat pa to sakin kasi naudlot yung galit ng tatay niya eh. Ang sama pa rin ng tingin niya sakin hanggang sa makalabas siya sa office.

Sinimulan ko na yung interview. Hindi na ako kinabahan kasi mabait naman si Mr. Kim. Kaya ayun natapos agad.

"Thank you po sa time, sir." Sabi ko sabay bow.

"Ah Miss Cortez can I ask a favor?" Mr. Kim

"Sige po sir."

"Ah. Nakita ko kanina kung paano ka tingnan ni Kai." Sabi niya na parang nag-aalangan pa.

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Yung tingin niya sayo. Alam kong interesado siya sayo. At alam ko kung anong pinaggagawa niyang anak ko, pero di ko na mapagsabihan eh."

"Ano pong gusto nyong gawin ko?"

"Play with HIS GAME."






his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now