TWENTY NINE..

16.4K 282 61
                                    

CHAPTER TWENTY NINE..

LAUREEN'S POV 

Nung malaman ng parents namin yung nangyari, pinakulong kaagad nila sina Kris at Tao, inexpel din sila agad ni dad sa school, at dahil maimpluwensyang tao ang pamilya ni Kai mabilis na umusad yung kaso at nakulong agad yung dalawa. 

Hindi naman kumalat sa campus yung nangyari, maliban na lang sa mga malapit talaga sakin. 

Medyo nakakalimutan ko na yung mga naangyari, lagi kasing nandyan si Kai, sila Luhan at syempre yung parents ko para tulungan ako.

- - - - - - - - -***- - - - - - - - -

"Good morning, wifey!" Pagdilat na pagdilat ng mata ko yan agad yung bungad sakin ni Kai.

"Ano ba! Umalis ka nga dito!! Ang baho - - - - -" di pa ako tapos sa sinasabi ko, napatakbo ako papuntang cr. Nasusuka na naman ako. Lagi akong ganito this past few days. May sakit kaya ako?

"Wifey, anong nangyari sayo? May sakit ka ba? Punta kaya tayong ospital." Sabi ni Kai na hinahagod-hagod pa yung likod ko.

"Che!! Umalis ka nga dito! Ang baho-baho mo eh."

Inamoy-amoy pa niya yung sarili niya. "Hindi naman ah. Kakaligo ko nga lang eh."

 

"Basta umalis ka dito. Ang baho mo palitan mo yung pabango mo. Tsaka ibili mo ako ng maramimg chicharon."

 

"Wifey naman 6 a.m pa lang oh saan ako makakahanap ng chicharon ng ganito kaaga. Tsaka di ka pa nagbe-breakfast."

 

"Ibili mo na kasi akoooooo.." namumuo na yung luha sa mata ko.

"Uuy... ito na nga bibili na oh. Wag ka na umiyak." Natataranta na si Kai, di malamam kung yayakapin ako o lalabas para bumili. Sa gusto ko ng chicharon ngayon eeeeeh.

Pagdating ni Kai, may dala siyang siyang plastic na puro chicharon.

"CHICHAROOOOON!! WEEEEE!!!" sinalubong ko siya tsaka kinuha yung chicharon. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nag-crave sa chicharon. Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng sawsawan. 

Weeee!! Ang sarap nito! "Hubby, gusto mo?"

 

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now