THIRTY FOUR..

14.5K 260 19
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR..

 

 

 

 

8 months na yung tiyan ko, malapit na lumabas si baby. Mas naging protective na rin sakin si Kai, bukod sa mas maselan yung kalagayan ko, hindi niya rin ako hinahayaang lumabas ng hindi siya kasama kasi nga baka daw nasa paligid lang si Tao. Speaking of Tao, hindi na niya kami ginugulo, yung last encounter sa kanya eh yung text niya sakin, after that wala. I don’t know kung tumigil na siya or he has plans. Basta we’re always ready naman sa kung anong pwede niyang gawin.

And yung girl na nabuntis ni Kai, ayun ganun pa rin. May communication pa rin sila ni Kai, sinasamahan parin siya ni Kai sa mga checkups niya. Di naman kaso sakin yun, but of course hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung anu-ano pag magkasama sila, I’m trying to convince myself na wala akong dapat ipagalala. Minsan nga pumasok sa isip ko na mag-undergo ng CVS or Chorionic Villus Sampling, proseso siya para malaman kung sino talaga yung tatay ng batang pinagbubuntis mo, hindi na kailangan hintayin na lumabas yung bata para malaman kung sino ba talaga yung tunay na ama – in that case pwede ko ng malaman kung sino talaga yung tunay na daddy ng dinadala ko, para kung hindi man si Kai makalayo na ako para makapagsama na sila nung girl. Kahit kasi ilang ulit sabihin ni Kai na aakuin niya yung batang dinadala ko kahit na hindi kanya hindi parin ako mapalagay, feeling ko kasi magiging unfair yun sa mga bata. Until now, cino-consider ko pa rin yung pag-undergo sa process na yun.

 

 

*BZZT BZZT*

1 new message

FROM: 09168229995

Hey! Kumusta? Miss me?

 

 

Bigla akong kinabahan. Kahit na hindi nakasave yung number niya. Alam kong kay Tao galing yung message. Anong gagawin ko? Amp kinakabahan ako na ewan.

Tap to reply

TO: 09168229995

Anong kailangan mo? Tigilan mo na kami please. I’m begging you.

 

 

 

 

FROM: 09168229995

Gusto ko yung asawa mo ang magmakaawa! And you know what I need para tumigil.

 

Naalala ko yung sinabi niya before na titigal lang siya pag sumama ako sa kanya. Fuck! Ano bang kalokohan ang pumasok sa isip ng jerk na to!

his game :: exo [complete]Where stories live. Discover now