Ngumiti ito sa akin.

"I want you to become my bestfriend. This time.. it's true. Without hidden intentions."

Hindi ko mapigilan ang bahagyang tumawa sa sinabi niya. I rolled my eyes and smiled at him.

"Gaano ka naman kasigurado na papayag ako?" Naka-ngisi kong wika.

"Wala.. I'm just trying." I can see the sincerity in his eyes.

"Okay." Saad ko at umiwas ng tingin pero napaawang ang labi ko nang akbayan niya ako.

"Hoy!" Bawal ko sakanya at sinubukan alisin ang pagkaka-akbay niya sa akin.

"Let's go, ihahatid kita sa bahay ng kapatid ko. May sakit siya ngayon. He called me a while ago to buy him medicine. Isipin mo.. humingi siya ng pabor sa akin. That's new."

Kumunot ang noo ko. No wonder, I didn't see him all day.

"Pwede ba akong pumunta doon?" Tanong ko habang tinatahak nanamin ang daan papunta sa sasakyan niya.

"Of course and besides.. walang mag-aalaga don." Aniya.

Tumango nalang ako at sumama sakanya. Wala naman siguro masama sa pag dalaw. Tsaka alam ko na wala talagang mag-aalaga sakanya. Nakahiwalay siya sa parents niya kaya alam kong totoo 'yon.

I texted Alice to go home without me. Sinabi kong may aasikasuhin pa ako, which is true.

"Paano kung nandon ang mommy mo?" Hindi ko mapigilan itanong.

"No, hindi naman sasabihin ni Evander kay mommy na may sakit siya. He would rather suffer than let anyone know that he's sick."

Parang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Evander grew up learning how to be independent. It's a good thing but still, it's nice to have someone take care of you.

"We're here.." ani Osiris. Tumigil kami sa harap ng bahay ni Evander.

"Let's go." Saad ko sabay kalas ng seatbelt. Binuksan ko ang pintuan at bumaba na pero natigilan ako nang hindi siya gumagalaw.

Nilingon ko siya. "You're not coming?"

"No, ayokong maka-istorbo. Just give this to him and take care of him for me." Aniya sabay abot sa akin ng gamot.

Mag sasalita pa sana ako pero inabot niya ang pintuan ng kotse at sinara 'yon. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan niya at iniwan ako doon.

Napabuntong hininga ako at lumingon sa buong kabahayan ni Evander. Naglakad na ako papunta doon at nagulat ako nang makitang nakabukas ang pintuan. Tinungo ko ang loob at nakitang walang tao sa sala at kusina. Baka natutulog siya ngayon. Napag pasyahan ko na kumuha na ng isang basong tubig para mapainom ko na siya ng gamot.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya pero walang sumagot. Hinawakan ko ang siradura at pinihit ito. Nakangiti kong binuksan ang pintuan.

"Evander-"

Unti-unti ay nawala ang ngiti ko. Nabitawan ko ang hawak kong tubig at kita kong nagising sila dahil doon. Napaawang ang labi ko at naramdaman ko sa puso ko ang pag guhit ng mga matatalim na bagay doon.

"Adrianna.." he breathed habang pinipilit ang sariling umupo.

He look so sick but I felt more sick.

Namumutla siya pero sigurado akong mas namumutla ako ngayon.

Masakit ang pakiramdam niya pero 'di hamak na mas masakit ang nararamdaman ko ngayon.

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Where stories live. Discover now