Chapter IX ~.~

2.9K 92 31
                                    

"Pelaez Street. Jake andun na sila nakaabang." 

Nag thumbs up nalang tong si bakulaw saka nagpatuloy sa pagmamaneho.

"SUMUKO NA KAYO!!! MAABUTAN DIN NAMIN KAYO!!!"

Lumingon ako sa likod.

Ayun! Si Mr. Police pala na may dala dalang megaphone na kay laki laki!!!

Waaaaaaahh T_________T Sumuko na daw kami.. waaaa-- Teka? Pag sumuko kami dba.. mababawasan yung parusa namin? Dba ganun yun??

Hinampas ko si bakulaw ng malakas. "ANO?!!!" masama ang tingin nya sakin dito sa salamin.

"MMMMMM!!!" sabi ko habang hinahampas sya ng kamay k-- teka? kamay??

"DI KITA MAINTIDAHAN OI!" sabi nya tapos mas nag pokus na sya dun sa kalsadang dinadaanan namin.

  

May kamay pa naman pala ako. -____-" Bobo Mian!!

Tinanggal ko yung masking tape, syempre yung dahan dahan.

Being kept and reserve kaya to para sa soulmate ko..

"SUMUKO NA SABI KAYO!!!" mula ulit sa megaphone.

"BWISET!!! ANG INGAY NG KALBONG PULIS NA YAN!!! UNLI ??! TSS." pagmumura sa inis ni Jake. "SUKO MO MUKHA MO!!! INUDNOD KO YANG MAKINTAB MONG ULO SA SAHIG EH!" 

Napatingin ako dun kay Jack. 

Natataranta na ding nag tetext.. Sumilip ako ng konti sa tinatayp nya.

At ang nakita ko lang ay ang pangalang Casper.

Tumingin ako ulit kay Jake na parang nakikipagkarerahan lang.. Bahala na nga!

Huminga ako ng malalim..

bago ako nagsalita. 

"Itigil mo ang sasakyan."  mahina kong sabi ... pero narinig pa din nila. Sabay silang dalawa na napatingin sakin.

"ANO?!" at sabay din nilang sigaw sakin.

T___T Wag nyo sabi ako sigawan eh. Pwede nyo naman akong tanungin ng maayos ah! Takte naman o!!!

My favorite mistake ~.~ (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon