Chapter 21.1*

Magsimula sa umpisa
                                    

Ha? Anong sinasabi niya?

"And for our 1st participant, ang magbibigay ng free kisses today is non other than, "Renzo Ace Herico!"

Nanlaki naman ang mata ko nang biglang lumabas si Renzo mula sa mini backstage nila. Kahit siya ay nagulat din nang makita ako.

May magpapalista kasi ng mga names na magiging participant sa kissing booth, bale sila ay mgbibigay ng free kisses. At kung sino ang hahalikan nila ay depende sa magiging wanted ng kissing booth at ako ang maswerteng nahuli. =___=

Nagtilian ang ilang kababaihan nang lumabas si Renzo, ang iba naman ay masama ang tingin sa akin. Kasalanan ko ba na ako ang nahuli dito? Kung makatingin naman ang iba, akala mo nagvolunteer ako para lang mahalikan ni Renzo!

"And to start this event, I request Mr. Renzo to remove the sticker of our lucky winner."

Lucky winner talaga?

Naiilang ako. Lumapit siya sa akin na parang game na game siya na tanggalin ang sticker sa ilong ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin pero napaatras ako. Naiilang ako. Nakaka-conscious lalo na at maraming nanonood.

"I-kiss mo na siya sa ilong." parang kinikilig ma hudyat ni Kaysha.

Napalingon ako kay Kaysha at sinamaan siya ng tingin.

"Wag kang Kj, hindi ko naman sinasadya na ikaw ang mahuli. Napaka-ramdom kaya ng wanted namin." pag-eexplain niya.

"Game! Kiss na!" sigaw ng isang ka-member ni Kaysha.

Lumapit muli si Renzo sa akin.

"Gagawin mo ba talaga?" tanong ko kay Renzo.

“KISS! KISS! KISS!"  sigaw nang ilan.

"Narinig mo naman sila di ba?" parang nanunukso na sabi ni Renzo.

Nakaramdam ako ng init. Nag-init ang pisngi ko maging aking tenga. Ano ba itong nararamdaman ko? >//<

Napapikit na lang ako nang inilapit pa lalo ni Renzo ang mukha niya. Napakalakas ng tibok ng puso ko na para bang wala na akong ibang marinig kung hindi ang puso ko.

"Akala ko ba walang pakealam sa mga lalaki ang isang 'yan? Bakit ngayo'y makikipaghalikan na?"

Napamulat ako at napatingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.

"Claude?" narinig kong bulong ni Renzo.

Napalingon ulit ako doon sa Claude. Siya yung babaeng nasa room ni Renzo noong araw na isasauli ko yung panyo niya. Siya yung babaeng nagtaray rin sa akin.

Napangisi si Claude, "Hindi ba't tama naman ako. Babaeng manunulot!" natatawang sabi niya.

Pababa na sana ng stage si Kaysha at susugurin na sana ito nang bigla ko siyang awatin. Ako ang bumaba at doon ay hinarap si Claude.

"Manunulot? Sino namang susulutin ko? Si Renzo? Ang lalaking gustung gusto mo pero hindi ka naman pinapansin?" pagtataray ko sa kanya.

"Kung hindi ka manunulot, anong itatawag ko sa'yo? Ahh! Alam ko na, basurera. Tutal, ikaw naman ang taga-pulot ng basura ng kaibigan mo eh!"

Nginitian ko siya.

"Pumunta ka ba dito para lang sabihin ang mga iyan? For sure, pumunta ka lang dito para magvolunteer na mahalikan ni Renzo. Kung naiinggit ka na ako ang nakuha dito sa Kissing Booth, then I'll give you my position. Iyong iyo na! Nahiya ka pa, gusto mo lang namang mahalikan." nakita ko naman na pinagpawisan siya sa mga sinabi ko. Hindi na siya nakaimik.

Nag-walk out na ako at natahimik ang lahat.

Napahinga ako ng malalim. Matapang ako para ngayon, hindi ko akalaing maiiyak ako. Feeling ko kasi natapakan na naman ang pagkatao ko. Manunulot? Ang sakit pakinggan lalo pa't alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama.

Napaupo sa ilalim ng puno ng acacia malapit sa soccer field. Nakatingin lang ako sa gitna ng field hanggang sa nanlabo na ang paningin ko dahil sa namuo na namang luha sa mata ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang likod ng kamay ko at saka kinagat ang natunaw kong chocolate. Sa wakas ay natuloy ko na ulit ang pagkain nito.

Gumaan naman ang pakiramdam ko. Mayroon din kaya itong amino acid tryptophan kagaya ng ice cream?

Napangiti ako nang maalala iyon. Akalain mo nga namang may matututunan din ako sa walanghiyang Renzo na iyon!

"Bakit ka umalis? Hindi mo tuloy natanggap ang free kiss mula sa akin."

Narinig ko ang nang-aasar na boses ni Renzo. Nakaupo siya sa tabi ko pero sa may hallway siya nakaharap samantalang ako naman ay sa may soccer field.

"Hindi ko naman kailangan iyon. Mas kailangan yun ni Claude."

Napabuntong hininga siya. "Alam mo bang hindi lang si Claude ang pinahiya mo roon? Napahiya din kaya ako!"

Napalingon ako sa kanya, at lumingon din siya sa akin.

"Iniwan mo ako. I feel like I got rejected. Pinamigay mo lang ako kay Claude ng basta-basta."

Seryoso ba siya? Nakita ko naman ang sinseridad sa mata niya.

“Pinamigay? Bakit, pag-aari ba kita?“  tanong ko sa kanya.

 “Oo, sa’yo lang ako Jelynne.“  nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba ang dinig ko?

“Jelynne, sa’yo lang ako, ikaw lang ang pwedeng mag may-ari sa akin kaya pwede ba, wag mo na akong itaboy sa iba. “

UnexpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon