|Your smile is like a chocolate, it's the sweetest. So always wear that smile because someone is craving for it.  |

Alam kong napaka-corny pero bakit napangiti ako nang wala sa oras. Jusko!

Naglalakad lakad na ako sa hallway nang mapansing nagtatakbuhan na ang ilang mga estudyante. Paniguradong bukas na ang mga booths.

Isa ang jail booth sa mga tinataguan ng lahat. May magpopost kasi ng mga wanted sa bulletin board. For example, wanted ang mga naka-blue shirt, ito ang mga huhulihin at ikukulong. Kailangang may magpyansa sa iyo bago ka makalabas. Pero minsan, dahil walanghiya ang mga kaibigan mo, hindi ka nila papyansahan at hahayaan ka na lang makulong doon maghapon, tatawanan ka pa habang nakadungaw ka sa may rehas. Yan ang true friends!

Mapapasali ka naman sa wedding booth kapag may naglista ng pangalan mo sa listahan ng mga ikakasal. Madalas ay ang mga walanghiya mo ring kaklase at kaibigan ang may pasimuno niyan. Magbabayad sila at ipapalista ka pati ang ng crush mo, magugulat ka na lang na ikaw na pala ang ikakasal. O di ba! Nakakahiya pero deep inside, alam kong matutuwa ka rin.

Marami pang ibang booth ang isinasagawa tuwing October Fest. Pero katulad ng sinabi ko, hindi ako fan ng mga iyan. Sa mga kainan booths lang ako palaging present.

Binuksan ko na ang Hershey's ko at sisimulan na sanang kumagat nang biglang may lumapit sa aking mascott, walang mukha ang mascott na ito. Isa siyang malaking labi!

Dinikitan niya ako ng sticker sa ilong at hinila ako.

"Teka lang, saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa mascott pero hindi siya sumasagot

May lumapit sa aking tatlong babae na nakasuot ng shirt na may nakasulat na Free Kisses!

Napakunot ang noo ko. Anong nangyayari?

"Under na po kayo ng Kissing Booth." sinasabi ko na nga ba eh!

"Si Kaysha ba ang may pasimuno nito?"

"Hindi niya po alam na ikaw ang nahuli namin. Ang wanted po kasi namin today ay may mga hawak na something sweet."

Napatingin ako sa chocolate na hawak ko. Lintek, napahamak pa tuloy ako. Gusto ko lang namang kainin ang chocolate ko eh!

Nang makarating kami sa Booth nila ay nadoon na si Kaysha. Gulat na gulat siya nang makita ako.

"OMG! Jelynne?"

naningkit ang mata ko.

"Ano ba 'to, Kaysha?!" naiinis na sabi ko.

"Ikaw kasi eh, pagala-gala ka." pagkatapos ay ngumiti siya sa akin. "I think this is destiny."

UnexpectedWhere stories live. Discover now