Linampasan ko siya at iniwan doon. Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat ng puso ko.

Natigilan ako nang may makita akong pares ng sapatos na humarang sa harapan ko. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang pag ikot ng mga emosyon sa puso ko.

Sa reaksyon palang ng buong mundo ko ay alam ko na si Caden ang nasa harapan ko.

Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang pagod sa mga mata niya. Nanikip ang puso ko dahil doon.

"Nakatulog ka ba?" Mahina kong tanong sakanya. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin ngayon. Simula nang gabing 'yon ay hindi ko pa sinasagot ang tawag o mga text niya sa akin.

Napaiwas nalamang ako ng tingin dahil hindi ko na kaya ang lalim ng tingin niya sa akin.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa'yo?" Nanatili ang tingin ko sa ibang lugar.

Dama ko ang sakit sa tanong niya.

Hindi ako makasagot. Humakbang siya palapit at naamoy ko ang pabango niya. Sobra ko itong na miss..

"Naging busy kasi ako.."

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko nang abutin niya ang mukha ko at iharap sakanya 'yon. Sobra akong nasasaktan ngayon, pakiramdam ko kasi pinagkakaisahan ako.

Gusto ko siyang sumbatan at saktan. Gusto ko siyang tanungin, pigain hanggang hindi siya nag sasabi nang totoo. Pero paano ko gagawin 'yon kung nakikita kong nasasaktan din siya. Kung nakikita kong nahihirapan din siya.

"Damn. You're too innocent kahit na alam kong nagsisinungaling ka na busy ka. I was just hoping to hear your voice pero naisip ko na sobra na 'yon. Nasaktan ka ni mama, expected na hindi mo ako kakausapin pero I was still hoping. Damn it. I missed you." Huminga siya ng malalim at sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Ramdam ko ang pagod sakanya. Nasasaktan ako na isa ako sa mga dahilan kung bakit siya nahihirapan ngayon..

Napakapit ako sa bag ko dahil sa sinabi niya. Natatakot ako na bumigay sakanya. Ang puso, katawan at kaluluwa ko ay bumibigay na sa tingin at haplos niya sa akin. Tanging ang utak ko nalang ang pumipigil.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Ayaw mo na ba talaga akong kausapin?" Aniya. Nag angat siya nang tingin sa akin.

Kahit hirap ay inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang mukha niya. Pakiramdam ko huling beses ko ng magagawa 'to. Bahagya akong ngumiti sakanya.

"Nakapag usap ba kayo ng mama mo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi. Pinaalis ko na rin siya non.." liar.

Nagsisinungaling nanaman siya sa akin. I can see it in his eyes, hindi ko siya mabasa. Ito ang kinakasakit ng loob ko. Lalong bumigat ang dibdib ko. Kung ano man ang pinagusapan nila ay siguradong ayaw niyang ipaalam sa akin.

"Adrianna.." tawag niya sa akin.

Huminga ako ng malalim at mataman siyang tinignan sa mata.

"Kung ano man ang pinagusapan niyo ng mama mo. Hindi kita pipilitin sabihin sa akin 'yon. Titiisin kong alamin ang totoo kahit alam kong nag sisinunangaling ka harap-harapan sa akin. Hanggang sa huli.. panghahawakan ko na kaya ka nag sisinungaling ay pino-protektahan mo ako. Sana nga ganon 'yon Caden. Alam kong sinabi ko na hindi ako magtatanong at ang iisipin ko lang ay ang katotohanan na mahal mo ako pero hindi ko pala kaya.. mamatay ang puso ko na hinahanap ang katotohahan. Sana lang, at the end, mapatunayan kong kahit isa lang, may totoo kang sinabi sa akin."

MONTGOMERY 1 : Caught (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon