"Bessybest wait lang!"habol sakin ni Hillary..

"Hindi ako maglulunch,Doon ako sa Tree house pupunta."

Nagpout lang sya..-__-

"Okay...Ah nga pala bessybest sasabay na daw sa atin palagi si Steven sa lunch sabi ni Kuya Eric."

Steven?Yung Nerd?Tss ano namang pake ko?At bakit sya sasabay?Close ba sya samin -__-

"Bahala kayo..Sige na mauna na 'ko may gagawin pa ako."

Umalis na ako agad saka pumuntang Parking Lot.

Hindi ko muna pinaalis yung kotse kanina kasi nga kukunin ko pa yung mga palaka kapag wala na si Kuya.

Pagkakuha ko non sa Compartment dumeretso agad ako sa locker room nang mga 4th year.

TARGET SPOTTED!

"Do you know that game Monique?Parang masyadong mahirap huhu.."nakasilip lang ako sa kanila habang kinukuha nila yung P.E. Uniform nila sa Locker

"Of course I don't know that game,Duh!I'm not into Sport."tapos umalis na sila para magpalit.

Sinilip silip ko pa muna kung may natirang tao pa doon banda at nong wala na dali dali akong lumapit sa Locker ni Monique.

Wahahaha!!Kung sinuswerte ka nga naman..Iniwan nya lang yun na nakabukas.

Lumilingon lingon pa ako sa paligid habang tinanggal yung takip nung garapon,mahirap na mamaya mahuli ako.

Pagkabukas ko nung garapon binuhos ko yung laman sa loob ng locker ni Monique..

"Kokak.....Kokak!!!"yung mga palaka,ang dami nila pero maliliit lang.Tinignan ko sila saka ko kinausap.

"Talunan nyo sa mukha yung babaeng yun mamaya ha..Gusto ko yung mabibigla talaga sya!"tapos sinarado ko na yung locker nya.

Hahahahah!!Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon ni Monique pagtinalunan sya ng mga to mamaya...Siguradong napaka epic non wahahaha.. >;)

I know this so childish pero masama bang gantihan ko sya kahit sa ganitong paraan lang?sa paraang makakapagpasaya sakin wahahaha...

Nagawa ko nanaman 'to sa iba kaya sure akong effective to para matakot sya hahahaha!Ang talino ko talaga!

Halos isang oras din akong naghintay na makabalik sya,hindi na nga ako nakapasok sa klase ko kasi ang tagal nila...Hay nabuburyong na'ko dito.

"That was so hilarious Monique!You shouldn't do that!"napasilip ako,at ayun tapos na sila sa wakas!

Papalapit na sya sa Locker nya wahahaha!

"Bagay lang yun sa kanya!Dikit kaya sya nang dikit kay Blaze!"

Ano!Bukod sayo may lumalandi pa kay Blaze?!Grrr..

Nasa tapat na sya nang Locker nya...ayan na bubuksan nya na!!

1..

2..

3..

FROG ATTACK!!

"KYYYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!"

Waahahahahahah!!Halos mamatay ako kakatawa dito!Grabe yung reaction nya!Talunan ba naman ng mga palaka sa mukha waahahah..Surprise Monique!Mga kalahi mo naman yan eh,wag kang matakot wahahaha!

"Kokak...Kokak!!!!"isa isang nagsisipagtalunan yun sa mukha nya kaya naman grabe yung sigaw nya,nagsigawan na rin yung mga kasama nya sa Locker room, andami narin kasing palaka sa sahig at ayun hinahabol sila wahaha...

"Kyyyaaahhh!Stay away from me!!Frog waaaaaaaahhh...Eeewww huhhuhuhu.."grabe yung tili ni Monique feeling ko mapuputulan na sya ng ugat.Saka hawak hawak nya yung dibdib nya na parang hindi sya makahinga...

Ang arte nya huh?Ako nga,hinawakan ko pa yung mga yan.

Pero mabuti na yun takot na takot sya hahaha...Revenge Accomplised,at may kasunod pa yan.

Narinig na siguro nang mga boys yung sigawan nila kaya yun sumugod silang lahat sa Locker room ng girls ..

-____-

Aray ha!May tao kaya dito?...Paano kasi halos masubsob ako sa pagmamadali nila.

Parang huminto yung mundo ko nang dumaan sa harap ko si Blaze...Wahh..Seryoso syang napatingin sakin.

Agad din bumagsak yung balikat ko,Akala ko pa naman hihinto sya para kausapin ako...Para nanaman tuloy kinurot yung puso ko.

"Kyyyaaahhhhhhh...huhuhu----"

Nagulat lahat ng biglang mahimatay si Monique,Hala!Ganun ba sya katakot sa palaka?

Agad syang binuhat ni Blaze...

Ouch.Bakit ganun?May kirot parin talaga akong nararamdaman..Hays kailan kaya ako totally na makakamove on sa kanya?

Natatarantang tumatakbo si Blaze ngayon habang buhat nya si Monique tapos parang may nilagay sya sa ilong ni Monique..inhaler ba yun?

Nanlaki nang husto yung mata ko nung naitulak nya ako nung mapadaan sya sa harapan ko dahil sa pagmamadali nya......Tinulak ba talaga ako ni Blaze???

Napapikit ako kasi alam kong lalanding yung pwet ko sa sahig pero wala akong naramdaman...Naramdaman ko lang na may sumalo sakin...

Si Stanley!

Anong ginagawa nya dito?

Napatitig tuloy ako sa kanya,ang ganda pala ng mata nya,Kulay brown.

Anong sabi ko?No!Hindi!Erase erase!

Agad akong tumayo saka inayos pa yung sarili ko na para lang walang nangyari.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko pero nginisihan nya lang ako.

"Yun pala yung paggagamitan mo ha."nakakalokong sabi nya saka pa tumango tango..waahh patay kang bata ka!Huling huli ka sa akto.

"Ano namang pake mo?"sinubukan kong magtunog matapang sa pagsabi ko non pero parang lalo lang syang ngumisi.

"Ganyan ka pala talaga ka-isip bata."nagulat ako sa sinabi nya kaya hindi ko mapigilang mapasigaw.

"ANO!HOY HINDI AKO ISIP BATA NO!"

Huhuhu..Buset na yabang to,ipamukha pa ba daw sakin yun.

"Tss..Sabagay nagtagumpay ka sa plano mo,takot si Monique sa mga palaka kaya inatake yun ngayon ng hika."

"Ano may hika si Monique?"

Paano nya yun nalaman?Atsaka paano pala pagnamatay sya dahil sa ginawa ko..

Ano ba yan bigla akong nakonsensya.

"Lagot ka hahaha.."

Napalunok ako...Ano nang gagawin ko?Paano pagmay mangyari kay Monique?

"Hindi naman nakakamatay yung hika diba?"

Please sabihin mong hindi..ang gusto ko lang naman pagtripan sya eh,hindi yung ganito ..

"Depende,Pero alam ko may namatay na dahil doon."

Grabe ang lakas nyang mangonsensya,dali dali ko tuloy sinundan sila Blaze ng de oras,siguradong sa Clinic yun pumunta.

Miss Troublemaker [COMPLETED]Where stories live. Discover now