Nagkatinginan silang dalawa at mukhang masaya sila sa sinabi ko.

This time, I'll be back to my better version.

Umuwi na sila Dad sa bahay habang ako nag drive papunta sa isang coffee shop sa Tagaytay, hinihintay siya. Kailangan na namin mag-usap.

"Babe?" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya. "Babe, I miss you." Lumapit siya sakin pero tinulak ko siya palayo.

"Don't call me babe, we're over." Sagot ko. "Sit there, I need to talk to you."

"Skie, please naman patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako sa mga ginawa ko. Mahal na mahal pa din kita."

Hindi ko pinansin 'yong mga sinabi niya.

"Aminin mo, ikaw ba 'yong babaeng nagkagusto sakin nung high school pa lang tayo? 'Yong babaeng nagregalo sakin ng kwintas na 'to," inabot ko sakanya 'yong kwintas na may nakaukit na pangalan ko at pangalan niya sa loob ng heart pendant. "Tama ako, planado lahat. 'Yong babaeng nakita kong ka-sex ni Kiro sa condo ni Trix nuon, ikaw 'yon hindi ba? Ikaw din 'yong kasama niya sa mga pictures, kaya medyo blurred lahat. Ginaya mo lang 'yong itsura niya para isipin ko na siya nga 'yon at para maisip ko na nagtaksil siya sakin para maghiwalay kami!"

Nanlaki ang mata niya at literal siyang nakanganga. "Oh my gosh, Skie. Nakakaalala ka na?" Tanong.

"Yes, my memory is back. So this time, you can't fool me anymore."

"Kailan pa?" Halos hindi siya makapaniwala at halatang may takot sa mata niya. "Matagal na ba?"

"Pageant night, nang maaksidente ulit ako. Bumalik na sakin lahat ng alaala ko."

Natahimik siya, nag-iisip siguro siya ng idadahilan niya sakin pero kahit ano pang sabihin niya, hindi na niya ako maloloko pa.

"Ang totoo, alam ni Kiro na patay na patay ako sayo high school pa lang tayo pero hindi mo ako pinapansin dahil si Angel na lang palagi 'yong nakikita mo. Mahal na ni Kiro si Angel nuon pa lang kaya nakaisip kami ng plano para maghiwalay kayo. Oo tama ka, planado lahat ng 'yon."

Biglang uminit 'yong buong katawan ko. How could they fvcking do this? Sinira nila lahat sa amin ni Trix. Sinira nila ang buhay ko.

"Gusto kong mapunta ka sakin at si Kiro gusto naman makuha si Angel kaya nag-isip kami ng way para maghiwalay kayo. Wala sa plano na maaaksidente ka, na mawawala 'yong memory mo pero mas naging okay pa sa amin ni Kiro dahil nagkaroon ako ng chance na gayahin si Angel, umaasa na baka mahulog ka sakin kapag gnaya ko siya. Hindi naman ako nagkamali, hindi ba? You did fall for me."

Tumawa ako. How pathetic. "Siguro pero dahil lang 'yon sa pag-gaya mo kay Trix pero ngayon na bumalik na lahat ng ala-ala ko, nawala na lahat ng pagmamahal ko sayo at napalitan na 'yon ng galit."

Umiyak siya harapan ko. Gustuhin ko man maawa sakanya pero hindi ko magawa. She's a fvking liar and I hate her.

"Skie please patawarin mo ako. Let's start all over again. Wala ka na naman babalikan pa kay Angel dahil masaya na siya kay Caleb. It's too late for he both of you."

Lumapit siya sakin at niyakap niya ako ng mahigpit. "Mahal na mahal kita, Skie. Hindi ko kaya kapag wala ka, ikakamatay ko."

Tinulak ko siya palayo sa akin. Napahiga siya sa sahig habang iyak pa din siya ng iyak. "Then die now."

Buti na lang nasa dulo kami ng coffee shop kaya walang nakakakita sa amin dito. Ayokong isipin nila na sinasaktan ko si Anya.

"Skie, ganon ganon mo na lang ba itatapon ang lahat sa atin? Kahit papaano naman may pinagsamahan tayo 'di ba? Just consider it, let's start all over again. I'll do whatever it takes to get you back."

Umuling ako. She's so hopeless. No wonder, hindi ko siya nagustuhan nuon.

"We're over, Anya. I don't want to see your face anymore so don't go near me, you understand?"

Iyak pa din siya ng iyak. Well, she deserves it. She ruined my life. Siya ang gago kong kapatid. Mas mabuti na silang dalawa na lang 'yong magsama. Hinding hindi ko sila mapapatawad.

"Skie.. please.."

Hindi ko na siya sinagot. Naglakad na ako palayo pero may isang bagay pa pala akong nakalimutan sabihin sakanya kaya huminto muna ako.

"And one thing, don't you dare tell them that my memory is back."

Tuluyan na akong umalis sa coffee shop na 'yon. Pagsakay ko sa kotse ko, sakto nakita ko ulit siya. Kasama niya si Caleb at mukhang masayang masaya silang dalawa.

If I could just be happy for the both of them.. but I fvcking can't because I still love her. Nothings changed. Mahal na mahal ko pa din si Trix pero huli na ang lahat. She's now happy with my best friend and I don't want to hurt two special people in my life just for my benefit.

Tumulo ang luha sa mata ko pero pinunasan ko agad 'yon.

Nag drive ako pabalik sa bahay. Hinanap ko 'yong diary ko at isa-isa kong sinunog ang bawat pahina.

 Hinanap ko 'yong diary ko at isa-isa kong sinunog ang bawat pahina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


From now on, you'll gonna be my greatest what if.. Angel Beatrix Dela Fuente.


END OF BOOK 1

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now