Chapter 21: Confused

529K 16.9K 6.1K
                                    


Skie's point of view

(Now playing: We can't be by Krissy Villongco)

"Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo 'yong totoo. Ayoko kasing magalit ka na naman sakin. Ayokonh mag away ulit tayo." Ngumiti siya pagkatapos niyakap niya ako. "I love you so much, babe."

"I love you too babe," lumapit pa siya lalo sakin pagkatapos hinalikan niya ako. She wrapped her arms around me while kissing me so deeply. Parang uhaw na uhaw siya sa halik ko. "Just promise me, hindi ka na lalapit sa babae na 'yon. I don't like her. Nakita mo naman 'yong ginawa niya sakin hindi ba?"

"Babe, wag kang mag alala hindi na ulit mangyayari 'to. Hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit." Ngumiti ulit siya sakin pagkatapos humiga siya sa dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Basta nasa tabi ko lang siya, okay na ako. "Thanks for coming anyway. Alam kong importante 'yong family dinner niyo pero pinuntahan mo pa din ako dito."

"You always come first." She said. Well, that made me smile. Her love for me is so unconditional that's why I love her do much. "How about you babe, do I comes first to you?" Humarap ako sakanya.

"Of course, babe." niyakap ko ulit siya. I love her so much that I will do everything for her. "You know how much I love you, right?" I lean into her and kiss her. She run her fingers through my hair and it feel so damn good. She moved her hands down to my back and along my spine.

"I want you tonight babe," bulong niya sakin. "Go inside me, please." I can feel her need. She's really wanting for more but I can't. I respect her so much.

"Babe I'm sick, I can't do it now." She rolled her eyes and sighed. "I'm sorry, babe."

"Sorry din, nakalimutan ko bigla na may sakit ka. Magpahinga ka na lang para bukas gumaling ka na at para makapasok ka. Mid term na natin bukas." Pinaglaruan na lang niya 'yong buhok ko, alam na alam niyang gustong gusto ko kapag ginagawa niya 'yon. "I hope you get well soon. I miss you, you inside me.. I'm wanting you more and more babe.. I love you so much."

"Naughty girl." We both laugh at it. All I want is her beside me. "I love you even more."

She stayed for another hour pagkatapos tinawagan ko si Enzo para ihatid siya sakanila. Sira pa din kasi 'yong kotse ko at 'yong isang kotse naman sinundo si Dad at Mom. Tinignan ko 'yong orasan, alas una na pala.

Bigla kong naisip si Angel.

Gusto kong mainis sakanya dahil sa ginawa niya kay Anya pero hindi ko magawa at mas nangingibabaw sakin ngayon 'yong pag aalala. Gabing gabi na at umuwi siya na mag isa. Ayos lang kaya siya? Nakauwi na ba siya sa unit ni Caleb?

Bago ko pa siya matawagan, nag ring ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Caleb sa screen. Bigla na lang akong kinabahan. Bakit siya tatawag sakin ng ganitong oras? May kinalaman ba si Angel dito? "Hello bro." Sagot ko.

"Fvck you bro!" Bungad niya. "Isa kang malaking gago." Hindi ko mapigilan na mainis sakanya. Anong problema niya? "Alam kong galit ka kay Angel pero bro, gabing gabi na pero hinayaan mo siya na umuwi na mag isa? Anong klase ka?!" Kalmado lang siya pero ramdam ko sa boses niya 'yong pagkainis. "Alam mo bang muntik nang mapahamak si Angel? Buti na lang may nakakita sakanyang pulis habang nasa sidewalk siya at walang malay. Muntik na siyang saktan nung driver ng taxi na sinakyan niya."

Suddenly, nakaramdam ako ng matinding guilt. I know, it's all my fault. "Bro, sorry. Hindi ko naman sinasadya na pabayaan siya. Andito kasi si Anya and you know our situation."

"I can't believe you! You've gone too far, Skie. Pasalamat ka na lang, hindi malala 'yong nangyari sakanya dahil kung hindi.. baka makalimutan kong magkaibigan tayo." Nagulat ako sa sinabi ni Caleb. Kahit minsan hindi ko naisip na kaya niyang sabihin 'to sakin. All this time, siya 'yong nag iisang tao na alam kong hindi ako tatalikuran pero bakit niya nasasabi 'to ngayon? Huminga siya ng malalim. "Let's not talk about that, mas mahalaga 'yong kondisyon ni Angel ngayon. Ayoko ng makipag away sayo. I just want to let you know what have you done." He ended the call without even letting me talk.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon