Chapter 22: So.. friends?

608K 17.7K 3.2K
                                    


Angel's point of view

"Welcome home anak!" Lumapit agad si Tita Serina sakanya pagkatapos niyakap niya si Kiro. "I miss you so much!" Halos hindi na makahinga si Kiro sa yakap ni Tita pero natawa lang ako kasi ang cute nila tignan. "How are you?"

"I'm good, mom." Tumingin siya samin, sa pwesto namin ni Tito Charles, alam ko hinanap niya si Skie pero lumapit na lang siya kay Tito. "Dad, I miss you." Masasabi ko na mas close si Kiro kay Tito kaysa kay Tita.

"I miss you too anak. Umuwi na tayo para makapagpahinga ka." Sambit ni Tito. Kitang kita sa mukha niya na masaya siya.

"Trix!" Lumapit siya sakin at niyakap niya ako. "I miss you best friend, you look good." Ngumisi siya sakin kaya hindi ko alam kung compliment ba 'yon o inaasar niya lang ako. "Tita Kim said they'll be here after a week, there's a problem with their passport."

"Okay lang, hindi pa din naman ayos lahat ng gamit sa bago naming bahay kaya mas okay na next week na sila umuwi." Inakbayan niya ako hanggang sa makapasok kami sa van nila. "So, alam na ba nila Tito 'yong tungkol kay Cyrene?" Bulong ko sakanya.

"No, it's not for real so why would I tell them?" Biglang nagseryoso 'yong mukha niya. Gusto ko siya tanungin pa tungkol kay Cyrene pero mukha ayaw niya kaya tumahimik na lang ako. "Did you say yes?" Bigla niyang tanong.

"Huh?"

"Did you say yes to his note? Are you friends again?" He doesn't seem to like the idea. Parang ayoko tuloy siyang sagutin. "Don't tell me, lumambot na naman 'yang puso mo kay Skie?" He's really waiting for my answer. Ugh. Okay fine.

"Kiro, there's nothing wrong if we'll be friends again. Malay mo, kapag magkaibigan na kami, mapatino ko na siya."

"Asa ka pa." Umiwas siya ng tingin sakin. Alam kong ayaw niya na maging malapit ulit ako kay Skie pero hindi ko naman hahayaan 'yong sarili ko eh. We'll just be friends and that's it. Nakapag move-on na ako so walang masama kung maging magkaibigan ulit kami. "I want to meet Caleb, can you ask him for a coffee?" Ito na naman siya sa pagiging protective best friend. Wala naman akong magagawa kung hindi ang pumayag kasi for sure magtatampo siya sakin.

Pagdating namin sa bahay nila, sinalubong agad siya ni Yaya Josie. Ang daming hinanda nila Tito at may banner pa talaga for Kiro. Medyo nag aalala lang ako kay Skie. I know him and most likely, iisipin na naman niyang mas paborito ng parents niya si Kiro. "Kumain na tayo, madami kaming hinandang pagkain para sayo, anak." Pag aaya ni Tito Charles. "Paborito mo lahat ng pinaluto ko kala Yaya Josie."

Nakaupo na si Skie sa dining table pero hindi man lang siya tumayo ng makita niya kami. I know he's still mad at Kiro and we can all see that on his eyes.

Close na close si Skie at Kiro dati kaso dahil puro bad influence 'yong mga naging kaibigan ni Skie kaya sakin na lang nag stick si Kiro. Madalas akong nasa bahay nila dahil pabalik balik si Mom and Dad sa Canada kaya naging close ko lalo si Kiro pero hindi si Skie dahil iba ang mga hilig niya. Palagi kaming magkasama ni Kiro pero si Skie ayaw sumama samin. Habang tumatagal mas lalong tumitindi 'yong galit ni Skie kay Kiro dahil sa palagi namin sinusumbong 'yong mga ginagawa niya pero ang gusto lang lang naman namin ni Kiro na tumino siya. Palagi siyang nag ditch ng class niya para mag billiard kasama 'yong friends niya tapos minsan kahit under age pa siya, palagi silang nasa bar at umiinom, nagpagawa pa talaga siyang fake ID para lang makapasok sila sa bars at casino. Feeling niya trinaydor siya ni Kiro at akala niya lahat inaagaw ni Kiro sakanya, ang magulang niya, si Yaya Josie pati 'yong opportunity na makapag-aral abroad. Gusto ni Skie na mag aral sa New York pero dahil sa mga ginawa niya dati, hindi na siya mapagkatiwalaan nila Tito. Nang naging okay kami ni Skie, kahit papaano naging okay na din sila ni Kiro kaso lang umalis din agad si Kiro papunta ng New York kaya hindi na nabalik 'yong dating closeness nila.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon