Chapter 25: Best friend

623K 16.7K 7K
                                    



Angel's point of view


Nagising ako dahil sa boses ni Kiro. Nakaupo siya sa tabi ng kama ko at nakatingin siya sakin. "Good morning, Trix."

"Good morning Kiro Rave. Why are you so early today huh?" nag unat unat pa ako tska ako umupo. "I'm still sleepy." ngumiti lang siya sakin. Simula ng dumating siya dito sa Pilipinas, may kakaiba na talaga kay Kiro lalo na kung paano niya ako tignan. "What's with the smile and with the look?"

"Nothing." Tumayo siya at nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. "It's weekend and you don't have class so I guess we can go out? I miss my best friend."

"Okay sure." lumabas na siya ng kwarto ko at ako naman nag ready na. Daily routine na namin dati sa New York ang mag breakfast sa Starbucks kada umaga. Pareho kaming coffee addict. Bago ako makalabas ng kwarto, tumawag sakin si Caleb. "Good morning." bati ko.

"Good morning my Angel. Sabi mo palagi mong naka silent ang phone mo tuwing gabi hanggang umaga, so I guess hindi naman kita naistorbo sa pagtulog mo?" napangiti ako. Nakakatuwa na naaalala niya kahit mga maliliit na bagay na sinasabi ko sakanya. "Wait, naistorbo ba kita? Damn, I'm so sorry." natawa na lang ako sakanya, na i-imagine ko siya habang sinasabi niya 'yon.

"Easy, okay? May nang istorbo na ng tulog ko at hindi ikaw 'yon."

"Huh? sino? si Skie?" all of a sudden natigilan ako ng mabanggit niya ang pangalan ni Skie. "Loko 'yon ah, binu-bully ka ba niya dyan?" pabiro niyang sabi. "sabihin mo lang at lagot siya sakin."

"Hindi.. hindi siya. Si Kiro, 'yong kapatid ni Skie. Morning routine niya na kasi before na gisingin ako." napa "ah" na lang siya. Hindi ko alam kung nag seseslos ba siya o ano. "So, why did you call me?"

"Aayain lang sana kita mag breakfast sa Starbucks, sabi mo daily routine mo din 'yon dati." napangiti na naman ako. Ang sarap sa feeling na lahat ng sinasabi mo sakanya, inaalala niya. Minsan duon mo mararamdaman na importante ka sa isang tao. "Is that a yes or a no?"

"Nauna na akong ayain ni Kiro pero pwede ka naman sumama samin, gusto ka din niyang makilala pero 'yon ay kung gusto mong sumama samin?"

"Sure, I'll be there in fifteen minutes." He sounds really excited. Na excited din tuloy ako na makita sila ni Kiro na nag uusap. For sure naman magugustuhan din niya si Caleb. "See you my Angel."

Saktong paglabas ko ng pintuan, nakasalubong ko si Skie. Nagkatinginan kaming dalawa pero umiwas agad siya ng tingin sakin. Walang kung anong emosyon sa mga mata niya. Bumaba na din ako at pinuntahan ko si Kiro sa baba.

"Saan kayo pupuntang dalawa?" Nakangiting tanong sakin ni Tita Serina. "Hindi ba muna kayo kakain?"

"Pupunta po kaming Starbucks, Tita." Nakaupo sa harapan namin si Skie at nakatingin siya samin. Hindi ko tuloy maiwasan na ma distract. "Do you want to join us, Tita?" alok ko.

"No, aalis din kami agad ako. Susundan ko si Charles sa office." Tinignan ni Tita si Skie. "Why don't you ask, Skie." tumayo si Skie at tumingin siya sakin.

"I'll just stay here." may lungkot sa tono ng boses niya kaya bigla akong naawa sakanya. Ito naman 'yong gusto ko eh, ang lumayo siya sakin pero bakit ako pa 'yong affected? Palagi na lang talagang ginugulo ni Skie ang isip ko.

"Well then, we'll go now." inakbayan ako ni Kiro. "Bye, Mom. See you later. Come on Trix."

"Bye Tita." Paalam ko. Gusto kong tignan si Skie pero pinigilan ko 'yong sarili ko. Nakaakbay pa din sakin si Kiro hanggang sa makarating kami sa kotse niya. Hindi niya agad pinaandar 'yong kotse niya. Tinignan niya ako. "Why are you looking at me like that?"

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon