Chapter 2: Guardian Angel

921K 24.6K 3.3K
                                    

Skie.

Pinatay ko agad yong makina ng kotse pag park ko pa lang sa tapat ng bahay nila Anya. Nakahinga ako ng maluwag ng tinigil ni Angel yong sounds sa phone niya. If that plays long, I swear I'm going to explode. Damn that music.

"Just stay here." Utos ko.

"I will give you, twenty minutes." Nilingon ko agad siya at sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya nagpatinag. Sinamaan din niya ako ng tingin. "May angal ka?" Maangas niya pang tanong. Nakakainis talaga tong babaeng to. Buiset. Ano kayang gagawin niya kapag pinatulan ko siya?

"Sino ka para utusan ako, ha? Bisita ka lang sa bahay namin. Matuto kang lumugar." Seryoso kong sabi pero natawa siya bigla sa sinabi ko. "Anong nakakatawa?!"

Baliw na talaga siya.

"Sino bang wala sa lugar sa ating dalawa? Ako na nagmamalasakit at binabantayan ka o ikaw na sinuway ang magulang mo tumakas pa sa inyo?" Ipinakita niya sa akin yong cellphone niya. "Gusto mong tawagan ko sila Tita? Sasabihin ko lang naman na tumakas ka."

"You're crazy!" Sigaw ko. Naiinis na talaga ako sakanya. "Why are you doing this to me?!"

"I'm just doing what's right. Gabi na at hindi alam ng parents mo na umalis ka. Paano kapag nagising sila tapos wala ka? Eh 'di nag alala sila ng sobra. Palibhasa selfish ka."

Kung makapagsalita siya akala mo perpekto siya at kilalang kilala na niya ako. "Can you please shut your mouth?"

"Twenty minutes, okay? Kapag wala ka pa dito ng twenty minutes, tatawagan ko na sila Tita." Nakangisi pa niyang sabi. "Your timer starts, now." Pinakita nga niya sakin yong timer sa phone niya.

"Fine!" Sigaw ko.

Bumaba agad ako sa kotse ko. Tinignan ko ang relos ko para orasan ang sarili ko. Why am I even doing this?

Nag door bell agad ako sa bahay nila, kinakabahan ako kasi ilang minuto na wala pa ding lumalabas. Buti na lang si Anya yong nagbukas ng pintuan. Nagulat siya ng makita niya ako.

"What are you doing here?" Tanong niya.

"Babe let me explain, I was in the police station that's why I didn't show up. Believe me, I didn't forget our anniversary." Pagmamakaawa ko.

"Enzo already explained to me." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti na lang. "But our anniversary was ruined."

"I'll make up to you. I love you so much."

"You do?" Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan ko siya sa mata niya.

"Yes, I do." Lumapit ako sa mukha niya at hinalikan ko siya. "I love you, babe."

"Okay, forgiven but just make sure you'll make up to me." Napangiti ako at ganon din siya. Kahit kailan hindi niya ako matiiis. That's the reason why I love her. "Pumasok ka na sa loob, I baked cake for you."

"Uhm, babe I can't. Grounded ako at tumakas lang ako ngayon para makita ka. I need to go. Promise I'll make up to you tomorrow."

Sumimangot siya kaya akala ko galit siya pero niyakap niya ako bigla. "Thank you for coming here tonight. I'll see you tomorrow. I love you, babe." Niyakap ko din siya pabalik.

Hinalikan ko siya ulit at hinintay na makapasok sa looney  pagkatapos tumakbo ako papunta sa kotse ko.

"Lover boy ka din pala noh?" Nang aasar pa niyang sabi. "Buti may nakatagal dyan sa ugali mo." Pinaandar ko agad yong kotse. Ayokong mahuli nila Dad.

"Wala bang preno yang bibig mo ha?" Inis kong tanong. "Kung wala kang magandang sasabihin, better shut your mouth."

"Ever heard of, freedom of speech?" Sarkastiko niyang sabi. "Wag mo akong itulad sa mga babaeng nauuto at napapasunod mo."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon