Chapter 13: Busted

687K 19.6K 3.7K
                                    




Late na akong nagising kaya wala na akong naabutan sa bahay. Umalis na sila Tito Charles at Tita Serina para mag work. Si Skie naman, maaga din daw na umalis para sunduin si Anya.

At that point I realized, may mga bagay pa din pala talaga na hindi nawala kay Skie. He's always sweet and caring to his girl. That's how he is to me before. Before that cruel accident that changed our life completely.

I can't deny that I am missing the old Skie.

I remember one time I told him I miss him so much and I was so shocked to see him in front of my unit's door the next day. I didn't expect he will do that. He flew all the way to New York just to see me even if he didn't have enough sleep. That's how sweet he is.

"I guess you'll now just a part of my sweet memory." bulong ko sa sarili ko habang iniinom ko ang kape ko.

Tinapos ko lang ang kinakain ko at umalis na ako ng bahay. I suddenly miss my parents and my best friend, Kiro. I wish they are all here with me. But I'm glad I have a friend now, who happens to be Skie's best friend. How odd is that?

"Wala siya?" Tanong ko sa sarili ko paglabas ko ng gate. I was a bit disappointed about it. Akala ko nandito siya para sabayan ako. What am I thinking anyway, he's not supposed to be here always. "And why am I even thinking of him?"

Naglakad na ako palabas ng village at nagulat ako sa unang bus na huminto sa harap ko. Rush hour na kaya punuan na sa bus pero wala naman akong choice dahil mala-late na ako kung hihintayin ko pa ang kasunod na bus. Medyo kinabahan ako dahil mag isa lang ulit akong sasakay sa bus. I used to ride a bus in New York but not to a crowded bus like this.

Sa dami ng tao, napunta na ako sa gitna. Walang Caleb na sasalo sa akin ngayon kaya kumapit ako ng mabuti para hindi na ulit ako tumalsik patalikod o paharap.

"Bastos ka ha!" sigaw ng isang babae sa likod ko. "Gago ka! Manyak!" lahat ng tao sa bus napatingin sakanilang dalawa. Apparently hindi lang mag isa 'yong lalaking nambabastos sakanya, madami sila at nasa likod lang 'yong iba. Natakot ako bigla para duon sa babae, paano kung pagtulungan siya ng mga gago na 'to? Buti na lang hindi.

Naisip ko tuloy 'yong unang araw ko dito sa Philippines, 'yong araw na nakita ko ulit si Skie pagkatapos ng aksidente na 'yon. I was supposed to be drive home by our driver but then I saw Skie riding the bus so I choose to follow him. Hindi ko nga lang inaasahan na maiinis siya sakin dahil sa pagkikita namin na 'yon. How ironic.

Akala ko mag kakaroon pa ng gulo ng lumuwag na ang bus pero bumaba na 'yong babae sa parehong bus stop na pagbabaan ko. Nauna siyang naglakad sa akin pero nagulat ako ng naglakad ng mabilis sa harap ko 'yong mga lalaki kanina na nang bastos sa babae. Naisip ko agad na gagantihan nila 'yong babae. Sinundan ko sila hanggang sa ma corner ng mga lalaki 'yong babae. Nilapitan siya nung lalaking kaaway niya kanina at bago pa siya mahawakan ng lalaki na 'yon, naibalibag na siya ng babae. Kahit ako nagulat sa nakita ko. May anim pang lalaki sa paligid niya at isa isa din silang lumapit sakanya. Dahil madami sila, hindi na din siya nakapalag kaya nahawakan siya ng dalawang lalaki. Duon na ako sumingit. Lumapit ako sakanila.

"Mga duwag ba kayo para pag tulungan niyo pa siya?" tanong ko sakanila. Napatingin silang lahat sa akin.

"Sino ka ba?!" tanong nila. "Gusto mo bang idamay ka namin dito?" maangas pa nilang tanong.

"Try me." Cool kong sabi. "Mga bakla."

Nilapitan ako ng dalawang lalaki pero sinipa ko agad sila pareho kaya natumba sila sa sahig. Dahil don nakawala sa pagkakahawak ng dalawang lalaki 'yong babae. Pinagtulungan namin silang lahat at dahil marunong din makipaglaban 'yong babae, nakaya naming silang lahat. Mabilis pa sila sa kidlat kung tumakbo palayo sa amin. Sabay pa tuloy kaming natawa nang babae na kasama ko.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon