Chapter 8: Picture Frame

689K 20.6K 4.2K
                                    



Skie's point of view

Kanina ko pa tinatawagan si Anya pero hindi siya sumasagot. Naiinis na ako. Ayoko na nag aaway kami ng ganito para lang sa isang walang kwentang bagay. Parang hindi ako makapag isip ng maayos kapag magkaaway kaming dalawa. Minsan natatakot na ako sa pwedeng maging epekto sakin ng matinding pagmamahal ko sakanya.

This is so damn hard.

Kung hindi lang talaga dahil kay Angel, hindi ako mahihirapan ng ganito. Bakit ba kasi kailangan na siya 'yong maging dahilan ng lahat ng paghihirap ko? Sinasadya niya ba 'yon?

"Sir Skie, sabi po ni Sir Charles baka bukas pa sila makauwi kasi nasa Tagaytay pa sila ngayon." Bungad sakin ni Yaya pagdating ko sa bahay. "Kumain na po ba kayo?"

"Okay lang po ako Yaya. Si Angel?"

"Nasa taas na po."

Umakyat na ako at napansin ko ang bukas na pinto ng kwarto ko. Pumasok agad ako duon at nakita ko si Angel na nakatayo malapit sa study table ko. "Angel?" Tanong ko at dahil sa gulat nahulog niya yong picture frame na nakasabit don. What the hell. "What are you doing here?!" Tanong ko.

Hindi siya makasagot sakin at parang kinakabahan siya. Hindi ko maiwasan na magduda sa kinikilos niya lalo na nang may kung ano siyang tinago sa likod niya.

Lumapit ako sakanya. "Ano yang hawak hawak mo sa likod mo?"

Ayaw niya pa din ilabas kung ano man ang nasa likod niya kaya hinila ko ang braso niya para makita yon. Nilabas niya yong laman ng kamay niya at hindi ko alam kung lukot lukot na puting papel ba 'yon o ano. Binulsa niya agad yon kaya hindi ko na nakita pa.

"Sakin ba yang hawak hawak mo?" Pag uusisa ko pa pero umiling lang siya. "Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Inis kong sabi.

Parang hindi siya mapakali. "Napadaan lang ako tapos na curious lang ako sa picture niyo. Pasensya na." Sambit niya.

Lumuhod siya para pulitin ang bubog na dulot ng basag na frame. Nanginginig siya at parang hindi mapakali. Hindi na niya ata alam ang gagawin niya kaya nabubog siya at mabilis na dumaloy ang dugo sa daliri niya. Mas lalo siyang nanginig at hindi na siya makagalaw sa kinakaupuan niya. Bigla na lang siyang hinigal kaya nag alala na ako. Kinuha ko ang kamay niya at hinila ko siya papunta sa kama ko. Hinawakan ko ang mukha niya at tinignan ko ang mata niya. "Huminga ka ng malalim," utos ko sakanya.

Ginawa niya ang sinabi ko. "Okay lang ang lahat, kaya kumalma ka. Inhale, exhale."

Pumunta agad ako sa medicine kit sa banyo ko at nilagyan ko ng gamot ang kamay niya. Pinuluputan ko ang sugat niya ng maliit na gasa. Nilapag ko ang kamay niya sa hita niya at tinignan ko muli siya. Kalmado na siya kumapara kanina pero tulala lang siya.

"Okay lang ba?" tanong ko. "Angel?" natauhan siya sa boses ko at parang wala siyang kaalam alam sa nangyari. Hirap pa din siyang huminga. "May asthma ka ba?" tanong ko at tumango siya. "Asan yong inhaler mo?"

"Nasa kwarto ko." mahina niyang sabi.

"'Yong kwarto mo ba 'yong gumagamit ng inhaler mo? hindi ba ikaw, kaya bakit hindi mo siya dala dala?" inis kong sabi. "Minsan pala ang stupid mo." dagdag ko. "Akala ko ang tapang tapang mo pero simpleng dugo lang natatakot ka na."

"Wala ka namang alam eh, kaya pwede ba." inis din niyang sabi. Ano bang problema niya? buti nga kahit naiinis ako sakanya, nakuha ko pa din mag alala para sakanya. "Salamat sa ginawa mo at pasensya na ginawa ko." tumayo siya at umalis ng kwarto ko.

Tss. Minsan kahit ayaw mong mainis sakanya, hindi mo pa din maiwasan dahil sa ugali niya. In the first place, bakit pa kasi ako nag alala sakanya? dapat hinayaan ko na lang siyang maubusan ng dugo at manginig ng manginig sa takot.

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon