Chapter 7: Our deep secret

745K 20.4K 4.1K
                                    


Angel's point of view.

(Now playing: Let me know - BTS)

Lahat sila pinagtatawanan ako at alam ko lahat ng 'to kagagawaan ni Skie. Sinusubukan niya talaga ako. NapailIng na lang ako. Mas malala pa siya ngayon kaysa sa dati.

Dumating yong professor namin at lahat sila tumahimik. Rinig na rinig ko pa din yong bulungan at tawanan nila Skie. Yeah, I know they're talking and laughing at me. What a bunch of jerks.

Ganito pala talaga yong gusto mo, Skie. Sige ibibigay ko sayo. Madali naman akong kausap eh. Ayaw mo talagang magtino eh.

Nag ring ang bell at dali dali akong lumabas ng room. Inabangan ko sa pintuan sila Skie at saktong pag labas niya, pinatid ko siya gamit ang paa ko. Natumba siya sa sahig at nagulat lahat ng mga classmates namin pati yong tatlo niyang tropa. Kahit siya nagulat sa nangyari. Hindi niya siguro inaasahan na gaganti ako sakanya. Akala ba talaga niya lahat ng tao kaya niya? Gusto kong ipamukha sakanya na hindi niya ako pwedeng api-apihin. Hindi pwedeng siya na lang ang palaging masusunod.

"What the fvck?" inis niyang sabi.

"Oops, sorry." sambit ko. "Nadulas pala yong paa ko." simaan ko siya ng pati na din yong mga tropa niya. "Next time para hindi ka mapatid, tignan mo yong dinadaanan mo."

Nagtawanan yong mga classmates ko. Karma is a bitch, Skie. Remember that. I never started this war, you did. You triggered me to fight you back. Now face it.

Sa totoo lang, una pa lang ayoko na siyang patulan pero he keeps pushing my limits.

I still have one class pero mag sisimula pa yon after two hours kaya tumambay muna ako sa coffe shop malapit sa University. Nag skype ako hoping na online si Kiro. Good thing he is. Nag video call ako sakanya and it took him only 3 minutes to answer.

"Hi Trix." bati niya. Siya lang talaga yong tumatawag sakin sa second name ko, well, siya na lang pala. "Thank you for disturbing my sleep." Nakahiga pa siya sa kama niya and good thing sanay na akong palagi siyang shirtless kung hindi sisigawan ko siya.

Lalaki na din siguro yong tingin niya sakin kaya komportable na siyang maghubad ng shirt sa harap ko. Tss. Pasalamat siya best friend ko siya.

"Sorry, akala ko kasi nag bar ka na naman kaya ang nasa isip ko, gising ka pa." he gave me a blank stare but I just smiled at him. "Sorry okay."

"You know I'm being good now, right? No more night out." nagsuot siya ng shirt niya at nag ayos ng buhok. Good thing I'm not attracted to this guy. "Teka, bakit ka nag video call sakin? Is this about my brother again?"

"Kapag ba kinamusta kita, may problema agad ako? hindi ba pwedeng miss lang kita?" pagmamaktol ko. "But yeah, it is about your older brother." Mukhang na excite pa siya sa sinabi ko, I can see him doing a lip bite. Kilala ko siya at ginagawa lang niya yon kapag na e-excited siya.

Ang weird nilang magkapatid.

"Let me guess, my brother is bullying you and you can't help to fight back." How can he be so good at it? "So, I'm right?" proud niyang sabi.

"How do you freaking know about it? You're such a psycho, Kiro." Seriously.

"I'm not a psycho, Trix. It's just so happen that he's my brother and you're my best friend that's why I've known the both of you very well." Tumayo siya at tumapat siya sa picture frame na nakasabit sa tapat ng kama niya. Hindi pa pala niya inaalis yon. "See, we're all close back then."

"Stop it, you're not helping." Seryoso kong sabi. "Nahihirapan na nga ako dito eh. Ayoko nang patulan si Skie pero hindi ko mapigilan yong sarili ko. He's being so mean and bad to me and I can't help to fight back. Kung hindi nga talaga humingi sakin ng pabor ang daddy mo, hindi na ako babalik dito, I'll just leave and go back there."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon