Chapter 17: It's time

566K 17K 2.3K
                                    


Angel's point of view.

"So here it is," sambit ni Caleb pagdating namin sa condo unit niya malapit sa school. Sinabi ko sakanya na hindi muna ako tutuloy kala Tito Charles dahil ayoko muna na makita si Skie. Inalok niya agad sakin 'yong unit niya at hindi na din ako tumanggi. Galing MOA hinatid niya ako dito. "I have two rooms here, just choose whatever you like. I have plenty of foods here and I think anything you'll need will be here."

Malaki 'yong unit ni Caleb at maganda. Black and white ang kulay at simple lang. I think I'll like it here but I don't want to stay here for too long. Baka bumili na lang din ako ng unit dito. "Thanks Caleb, I'll find my own unit soon. Maybe I can buy one here?"

"I'll talk to the owner and I'll let you know."

"Thank you Caleb. Kung wala ka siguro baka kung saan saan hotel na lang ako matutulog ngayon. Thank you for your help." Sambit ko.

Humakbang papalapit sakin si Caleb at hinawakan niya ang kamay ko. May parang kuryente na dumaloy mula sa kamay niya papunta sa buo kong katawan. Bakit ganon? Bumilis tuloy 'yong tibok ng puso ko. Ngayon pa lang siya naging ganito kalapit sakin na isang maling galaw lang, mahahalikan na niya ako. "Anything for you, my angel." He said while smiling at me. I can't take my eyes of him. Ngayon ko lang na appreciate 'yong kagwapuhan niya. 'Yong mahaba niyang pilikmata, matangos na ilong at namumula niyang labi. Huminga siya ng malalim. "Stop looking at me, it makes me want to kiss you so bad but I know I can't. I do respect you, Angel."

I can't help but to smile. I know that this might be just a flirting game with him that he's just overwhelm with me and he doesn't really like me but there's really something that makes me believe in him. Ito na ba 'yong charisma niya sa mga babae? Never ko nakita ang sarili ko na mahuhulog don pero wala na akong pakialam, masaya ako kapag kasama ko siya. "Ilang beses pa ba ako mag papasalamat sayo, Caleb?"

"You don't have to thank me," inayos niya ang buhok ko at lumayo siya sakin. "If you don't need any help, I'll go ahead." He looked at me and smiled. "Just call me when you need me, okay?"

Pagkaalis ni Caleb inayos ko 'yong gamit ko. Duon ako sa kwarto sa kanan dahil mas mukhang babae ang gumagamit nito kaysa sa lalaki, siguro dito palaging natutulog 'yong kapatid niyang babae.

Nilibot ko muna 'yong unit at madami ngang food sa refrigerator. Sabi niya hindi na niya madalas ginagamit 'to pero bakit ang dami pa ding food?

Humiga na ako sa kama at naisipan kong mag text kala Tito Charles na hindi na muna ako uuwi sakanila. Tinawagan ko si Mom.

"Hello?" Sagot niya. "Angel, bakit ka napatawag?" I don't want to worry them but they deserve to know what happened. "May problema ba anak?"

"Mom, Skie already know the truth and he's mad at us." I answered. "I don't want to see them yet so I'm here at my friend's condo unit. I think I'll just buy a unit here. Parang ayoko na muna umuwi kala Tito Charles."

"You don't need to buy a unit, babalik ka din naman dito and hindi ka na naman siguro magtatagal dyan. Right?"

Natigilan ako. Naisip ko si Skie. Paano siya? Alam ko na galit siya sa amin at baka mas lalo lang lumayo ang loob niya sa parents niya at lalo lang siyang mag rebelde at knowing na bad influence sakanya ang girlfriend niya, parang hindi ko siya kayang iwan. Hindi pa din siguro ngayon. "I will Mom but I don't really know when. Mom please understand me. Oo nahihirapan ako pero kailangan ko 'tong gawin."

"Kailangan mo yan? Bakit Angel, girlfriend ka pa din ba ni Skie para maging responsibilidad mo siya? You're not his girlfriend anymore, right?" Dinig ko sa boses ni Mom ang pagkainis. "Do you still love him?"

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon