"Niro, just relax. We will help you to change your life." Ang sabi ni Jaime.

Tatarakan na sya ng pampatulog..

Bago pa man nawala ang malay ni Niro..

Mukha ni Nyx ang huling nasa isip nya.

"Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito.."

Huling salitang binitawan ni Niro sa kanyang isipan. At dumilim ang paligid nya.
----------------------------------

Sa kabilang dako..

Biglang nagising si Nyx. Nakaramdam sya ng pananakit ng kanyang tiyan..

"Ate Joyce..sumasakit po ang tiyan ko." Parang mapuputol ang paghinga ni Nyx.

Ginising ni Nyx ang nakakatandang kapatid ni Alex.

"Ano? Sige..sandali lang tatawagin ko ang driver ng jeepney namin."

Natataranta si Joyce na lumabas ng silid at ginising ang kanyang mga magulang. Agad namang lumabas din ang mga matanda upang alalayan si Nyx.

BROOOMMMM

Pagdating ng hospital agad ipinasok si Nyx sa delivery room..

Hirap na hirap si Nyx. Mag-isa lamang sya sa loob ng silid. Habang inihahanda ng mga nurse ang mga gamit.

"Misis, inhale..exhale lang po kayo." Sabi ng nurse. Sinunod naman ni Nyx.

Habang sumasakit ang tiyan ni Nyx. Hindi nya maunawaan at lumilipad ang isipan nya kay Niro.

"Patawarin mo ako Niro..hindi ko na magawang bumalik pa sa 'yo. Mag-isa kong haharapin ang responsibilidad na ito. Ayaw kong mapahiya ka..patawad."

Kasunod noon ay..

"Ahhhh!!!!"ubod lakas na sigaw ni Nyx.

Ilang sandali lang.. isinilang nya ang kanyang anak.
----------------------------------

Mahabang oras ang hinintay ng mga magulang at kapatid ni Niro. Nasa kanilang dibdib ang kaba. Hanggang bumukas ang pinto ng Operating Room.

"Matagumpay po ang operasyon." Agad na pinaalam ni Jaime.

Napayakap ang tatlo sa magandang balita.

Tamang tama dumating si Zeny kasama ang kanyang mga magulang. Maging sila ay natuwa sa ibinalita ni Jaime.

Habang sa Pilipinas naman ay masayang masaya din sina Joyce at ang mga magulang ni Alex. Agad nilang tinawagan si Alex.

"Bakla! Mader na si Nyx. Ninang kana." Patawa tawa pa si Joyce nang tumawag sa kapatid.

( Yes! Eh di masaya na s'ya? Sinong kamukha? )

"Naku, ang gwapo. Kamukha mo..ikaw yata ang pinaglihian ni Nyx eh."

Lakas ng tawa ni Joyce.

( Hoy! H'wag kang ganyan Ate. Kinikilabutan ako. )

"Kulay tsokolate ang buhok ng sangol. Lalo akong kinakabahan."

( Ate, proweba ang kailangan ni Nyx. )

"Kaya nga.."

( Kung tutuusin sising sisi ako eh. Konsensya ko talaga ang lahat. Hay, ano paman tutulungan ko talaga si Nyx na makabangon.)
------------------------------------

FAST FORWARD

Tinungo nina Nyx at Joyce ang nursery room. Oras na upang pasusuhin ni Nyx ang kanyang anak.

"Hello, Baby." Bati ni Nyx sa kanyang anak. Sabay ng pagtulo ng kanyang luha. Hindi nya akalain na magiging ina na sya.

Hinagod ng tingin ni Nyx ang mukha ng sangol. Parang puputok ang kanyang puso. Walang bakas na makikita sa mukha ng bata na isa syang Simone. Gayung tsokolate rin ang kulay ng buhok ng bata.

Ikaw Ang Lahat Sa AkinWhere stories live. Discover now