Napatango lang siya at kusa ng lumabas ng banyo. Sinilip ko siya at nakitang sa balkonahe siya dumaan. Napahawak na lang ako sa dibdib ko at sumandal sa pader. Parang mas malala na ang pagtibok ng puso ko tuwing nandyan siya.

Liam’s POV

7:50 p.m na at ilang minuto lang ay mag-uumpisa na ang party. Sinubukan kong kumbinsihin si Ayesha na wag makipagdate sa Jin na ‘yon but she really don’t want to listen. Napakachildish. Hindi ko siya maintindihan.

“Hey Liam! Nasaan yung bestfriend mo?” Tanong ni Jin nang lapitan niya ako. Nandito na ako sa function hall. Marami na ring estudyante ang nandito at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang flower bracelet, wala pa akong napagbibigyan dahil hindi pa naman pumapayag si Rain na maging date ko ngayong gabi.

“I don’t know,” tipid kong sagot.

“I guess, susunduin ko na lang siya.” paalis na sana si Jin pero hinawakan ko ang braso niya para pigilan.

“Let me do it for you,” walang ekspresyon kong sabi at saka lumabas ng function hall pero hindi pa man ako nakakalayo ay nakasalubong ko na silang dalawa ni Rain.

“Rain,” tawag ko nang makalapit ako sa kanila. Isang tipid na sulyap lang ang ibinigay ko kay Ayesha. Napansin ko rin na walang suot na flower bracelet si Rain.

“Wala ka pa rin bang ka-date?” Tanong ko at napatango lang siya na medyo nag-aalangan pa.

“Beb, una na ko sa loob. Baka nandoon na si Jin,” paalam ni Ayesha at bigla na lang siyang umalis nang hindi man lang nagpapaalam sa akin. Ni hindi man lang niya ako tinignan, tss. Hindi ko talaga siya maintindihan.

“L-liam. Sorry ah, pero hindi ko matatanggap yung inaalok mo sa akin. Naka-oo na kasi ako kay Matthew,” sabi ni Rain at halata namang nagsisinungaling siya kaya tumango na lamang ako.

“Bantayan mo na lang si Ayesha ngayong gabi,” bilin niya nang tapikin niya ako sa may gilid ng balikat. Parang problemado siya. Ano kayang nangyari?

Rain’s POV.

Nasa loob na ako ng function hall, nagstart na rin ang party. Sitting pretty lang ang peg ko dahil wala akong date. Ayoko naman talagang magsinungaling kay Liam pero kailangan.

Mula rito sa kinauupuan ko ay tanaw na tanaw ko kung paano sila magtalo ni Ayesha habang nasa gitna nila si Jin. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o ano.

“Alone?” Tanong ng pamilyar na boses at bago pa ako lumingon ay nahawakan na niya ang pulsuhan ko.

“J-jiro.” ayun lang ang tanging nasabi ko dahil bigla niya akong hinatak papunta sa dance floor. Doon niya ako sinayaw habang tumutugtog ang Angels brought me here by Guy Sebastian.

Huminto kami sa pagsayaw at sinuotan niya ako ng flower bracelet. Pakiramdam ko ay nagb-blush ako sa mga oras na ito. Pero wala pang isang minuto ang lumipas ng biglang...

“Ako naman,” sabi pa ng pamilyar na boses at doon bumungad sa akin si Axel. Kusa naman akong inalalayan ni Jiro papunta kay Axel.

“Anong meron at ako ang isinasayaw niyo?” Tanong ko habang sinusuotan niya ako ng bracelet na kagaya nung sinuot ni Jiro. Napataas na lang ako ng kilay pero nakipagsayaw pa rin ako sa kanya.

“Maybe, ikaw lang ang babaeng nakakaagaw ng atensyon namin.” kibit balikat na sagot ni Axel at bigla niya akong itinulak ng marahan papunta sa direksyon ni..

“Jasper,” tawag ko at bored niya akong tinignan. Ano bang problema ng mga lalaking ito? Pinagpasa-pasahan nila ako na parang bola.

“Pwede mo naman akong hindi isayaw kung gusto mo,” sabi ko dahil alam ko namang ayaw niya sa akin. Hindi siya umimik at maya-maya lang ay may humatak sa baywang ko.

“Matthew. Paki-explain nga kung anong nangyayari,” sabi ko habang sinasayaw niya ako. Laking gulat ko na lang nang makitang apat na flower bracelet na yung suot ko.

Yung totoo? Mukha na akong flower vase.

“Mas safe ka pag ganito,” makahulugang sagot ni Matthew na nagpakunot sa noo ko.

“What do you mean?”

“Siya lang makakasagot sa tanong mo.” sabi niya at itinulak niya ako pero may sumalo sa akin.

“Thunder, anong ibig sabihin ni Matthew? Pwede bang pakiexplainㅡ”

“Later,” seryosong sabi niya habang sinasayaw ako.

Standing here before you, feels like i've been born again
Every breath is your love, every heartbeat speaks your name.. ♪

My dreams came true, right here in front of you, My miracle.. ♪

“Pinaglalaruan niyo ba akong lima?” Tanong ko.

“You’re in danger,” nagsalubong bigla ang kilay ko dahil sa sinabi niyang iyon. Ano na naman ‘to?

“Full details. Hindi naman porket Keen ako ay kaya ko ng hulaan ang sinasabi mo.” reklamo ko habang patuloy kami sa pagsayaw habang siya naman ay halos hindi mapakali sa kakalingon.

Tumingin ako sa paligid at mukhang maayos naman ang lahat hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na mukha. Siya yung babaeng nakahiga sa keen’s lab kanina, parang may mali sa kanya, tila wala siya sa sarili.

“Remember that girl?” Biglang tanong ni Thunder kaya binalik ko sa kanya ang atensyon ko at naghintay sa iba pa niyang sasabihin. “She’s 100% Keen like you. A human subject. Pinag-eeksperimentuhan siya ng Keen’s organization and now you’re next.”

“W-what are you trying to say?”

“Remember that day? Yung nasa Keen’s lab si Axel?” Tanong niya at tumango lang ako.

“Inutusan ko siyang tignan ang X list at base sa kanya, ikaw na ang next na magiging human subject.”

“X list? Ano ‘yon? Kung pinagtitripan mo lang ako, pwede bang tigilan mo na? Hindi na nakakatuwa.”

“I’m serious. Yung rumors about sa babaeng nag-attempt ng suicide? She’s also a 100% keen at hindi kami ang dahilan kung bakit siya nagtangkang magpakamatay. She became a human subject too and that’s the reason why she attempt suicide,” unti-unti ko ng nagegets ang nagyayari. Ano bang meron sa school na ito? Medyo magulo pa pero isa na lang ang talagang nagpapagulo sa isip ko.

“Why are you doing this?” Tanong ko at bigla siyang huminto sa pagsayaw kaya napahinto rin ako. Tinignan niya ako ng diretso sa mata at ganun din naman ako.

“Simply because I want to protect you,”

𝕸𝖔𝖓𝖘𝖙𝖗𝖔𝖚𝖘 𝖆𝖈𝖆𝖉𝖊𝖒𝖞 1
ㅡ𝖉𝖆𝖚𝖓𝖙𝖑𝖊𝖍𝖘ㅡ

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Where stories live. Discover now