"tungkol saan?" tanong ko sa kanya
"sorry na" nahihiya nyang sabi O___O
speechless ako >.<
"kanina nung tinulak mo ko tas sinarado mo yung pinto,nainis talaga ako nun, naisip ko hindi naman tayo ganto noon..." dugtong pa nya..
wwaaaaahhh feeling ko naiiyak ako ! TT___TT
"Lydia" bigla nyang hinawakan yung braso ko, mahinahon lang naman
"wag na tayong mag-away please?"-Harold
waaaaaah!!!!! napasinghot tuloy ko sa touch TT___TT
"oh bat umiiyak ka? may masakit ba sayo?" takang tanong pa nya sakin, obvious ba?! natatouch ako! TT___TT
"loko ka kase e! inaaway mo ko! kala mo madadaan mo lang sa sorry lahat" TT__TT
"hindi na nga e... tara nga dito bunso, babawi ako sayo" bigla nya kong hinila tapos niyakap nya ako
pero nung sinabi nyang bunso nainis nanaman ako TT___TT pero hayaan na... mas gusto ko parin yung feeling na yakap nya ako.
"goodmorning!" sigaw ko pagkababa ko sa hagdan..xD gulat silang lahat e :))
kumakaen na kasi sila sa kusina at ako nalang yung naiwan..XD
"ang ganda ata ng gising mo?" tanong ni mama sakin :)) ngiting ngiti naman kase ako at parang tumatalon pang naglakad papunta sa pwesto ko :))
pagkaupo ko napatingin ako kay Harold, kumakaen pa sya..xD napangiti tuloy ako kase ang cute nya..XD
"anong nakaen mo?" tanong bigla sakin ni Kuya Jayson
"magkakaboyfriend na kase" biglang epal ni Kuya Earl >.<
"ano ka! hindi ko nga sabi kilala yun! nagtanong lang sakin!" sagot ko sa kanya, nakakapikon tuloy! >.<
"oh tama na away kumaen pa kayo.. next week uuwi na ang Papa nyo" biglang sabi ni mama
lahat kami napatingin sa kanya..xD
ang Papa kasi namin nasa Canada, pangalan nya ay Dominick, actually ang totoong anak lang nya ay itong tatlo..xD pero parang anak din talaga nya ko, mas marami pa nga iyong pasalubong sakin kesa sa kanila e :))
"talaga ma?! bakit di sinasabi samin ni papa?" tanong ni Harold
"eh surprise dapat yun e, kaso di ko matiis" natatawang sagot ni mama :))
"yeeess!! de magkakaswimming na ulet!" tuwang tuwa din si Kuya Jayson
"mama sabihin mo kay papa magdagat naman tayo" ako naman :))
"eh sabihin nyo sa papa nyo" sagot ni mama samin
Habang naglalakad kami ni Harold papasok sa school nagstart ako ng topic..xD
"kuya kuya, diba ok naman yun naisip ko? minsan lang tayo magpunta sa dagat e" biglang sabi ko sa kanya..xD napatingin pa sya kase bigla bigla akong nagpapasok ng usapan :))
"oo naman, bakit mo naisip yun?" tanong nya sakin
"ang tagal na kaya nating di nagdadagat, puro sa mga swimming pool nalang lagi" sagot ko..xD
"hooo.. gusto mo lang mag 2 piece e, payat payat mo naman" pang-aasar pa nya!
"ano ka! wala naman akong sinabi ha?! kunyare ka pang di mo gusto sa dagat e gusto mo lang rin naman makakita ng mga babaeng naka 2 piece dun!" kunyare tampo -___- pero tampo talaga ako! >.<
"wala naman akong sinabing ayaw ko ah? gawa gawa!" tawa pa sya >.<
"che! tigil na nga!" napipikon na ko..xD
"oo nga pala.. wag ka nga nakikipag usap sa mga di mo kakilala" biglang sabi nya
"wow, off topic ha? bakit nanaman?" tanong ko sa kanya, sana nagseselos kaaaa :))))
"kung magboboyfriend ka, siguraduhin mong kakilala mo o natin"
"wala naman akong balak magboyfriend ah?!" O_o
"sinasabi ko lang, para sayo rin yun"
hindi ko talaga maintindihan tong taong to -_____-
"lalake ako Lydia, alam ko pasikot sikot ng ugali ng mga yun" sagot pa nya, haaay ewan ko sayo!
-__- eh kung ikaw pa! de walang problema! :))))
"oo naaaaa..... pero di pa ko magboboyfriend, ayoko pa" sagot ko sa kanya habang nakatingin lang sa sapatos ko habang naglalakad kami
"sabagay, bata ka pa" sagot nya sakin
"feeling mo naman ang tanda mo na -__- 18 ka palang naman" >.<
"bilisan mo maglakad! baka maabutan pa tayo ng stop light" sagot ni Harold sakin at hinawakan nya ko sa kamay tapos tumakbo kami ng biglang
"TEEKAAA!! " O____O
napahinto ako >.< tapos hindi ako makagalaw TT__TT
"huh?" takang taka naman si Harold O_o
napakagat nalang ako sa lower lips ko at dahan dahang tumingin pababa sa sapatos ko TT___TT
ewwwwww t*a*e TT__TT
binalikan ako ni Harold para tignan kung ano nangyare, tas pagtingin nya sa sapatos ko, halos...
"weeeeh!!! pano na yaaan!!!!" inis na inis ako!!! TT___TT
"tsk... haaaayy pasaway talaaga, tara nga dito" hinawakan ako ni Harold sa braso para alalayan maglakad papunta dun sa gilid ng kalsada para iupo,
"teka baka kumalat!" >.< nakakadiri baka dumikit sa paa ko! TT__TT
"hindi yaaaan" sagot nya sakin at ayun! nakaupo na ko, napatakip ng ilong si Harold kase ang baho talaga TT__TT
tinignan ko yung relo ko, hala! malapit ng magseven
"pano na yan malelate na tayo :(" problema pa tuloy TT_TT
"hanap ka ng stick dali" utos nya sakin,ako naman lingon magkabila pero walang stick >.<
"wala e"
bigla nyang hinubad yung backpack nya tas hinalughog nya, napailing pa sya, ewan ko kung ano yung nakita nya? O_o pero bigla nyang nilabas yung isang ballpen at inangat ng bahagya yung paa ko
"yung palda mo ayusin mo ha" bilin pa nya kaya inalalayan ko yung palda ko
concentrate na concentrate si Harold sa pagtatanggal ng dumi sa sapatos ko, nakakatuwa syang tignan, para kaming maggf/bf :">
hindi ko tuloy matanggal yung paningin ko sa kanya..xD iniisip ko kase na ang tagal na pala, halos 8 ba? o 7? 9? ewan ko! xD di ko na alam kung ilang years na kong baliw na baliw sa kanya, kahit pa alam kong mali to tuloy parin ako kase mahal ko talaga sya :)
eh sa Mahal ko sya! Anong magagawa nila?! diba? :)
"ayan ok na?" tanong bigla nya sakin at tinignan nya ko, nagulat pa ko kase bigla akong nahiya..xD baka nakutuban nyang kanina pa ko nakatitig sa kanya T__T
nginitian ko lang sya para di halata
"oo ok na" sagot ko sa kanya naparang ewan na nagpapacute.! di ko sadya.!XD
"o tara na" tinulungan nya kong makatayo..xD tapos ayun! naglakad na kami papasok sa school ^___^
Pagbukas ko ng pinto ng room namin bumulaga sa harap ko yung lalaking nakasalubong ko kahapon O__o dont tell me classmate ko to?
"akalain mo yun classmate pala kita" bigla nyang sabi sakin pagkakita nya
O__O
-----------------------------------
To Be Continue...
Chapter 10:
Start from the beginning
