Chapter Fourteen

164K 5.8K 473
                                    


14: Fools
-

Inangat ko ang ulo ko dahil sa huling sinabi ni Thunder. Yung puso ko, bakit nagiging abnormal na naman ang beat nito? Sure naman akong niloloko niya lang ako.

“A-anong sinabi mo?” Nauutal kong tanong nang lingunin ko siya. Nakatitig lang siya sa akin habang natatakpan ng bangs ang kaliwang mata nito. Nakangiti rin siya sa mga oras na ito.

“Oh bakit? Naniwala ka ba? Eh di pinansin mo rin ako,” natatawang sabi niya kaya naiyukom ko ang mga kamao ko. “Asa ka namang magugustuhan kita.” dagdag pa niya sabay ngisi. Iniwas ko ang tingin sa kanya at saka tumayo para ma-ikalma ang sarili ko.

Pinagmumuka niya akong tanga dahil sa mga ginagawa niya. Hindi ko na talaga mapapalagpas ‘to. Sobra-sobra na ang mga trip niya! Hindi na nakakatuwa.

Nilabas ko ang phone ko at sinubukang kontakin si Ayesha pero wala na akong load! Bakit ba ang malas ko?! Itatago ko na sana yung cellphone ko nang biglang..

You gotta go and get angry at all of my honesty ♪

Hello Jiro?” Sinagot ko ang tawag at saka tinalikuran si Thunder.

Nasaan ka? Nakatanggap ka raw ng king of death kanina?

Oo pero okay lang naman ako. Nandito ako sa janitor’sㅡ

“Anong problema mo?!” Sigaw ko nang biglang tabigin ni Thunder ang cellphone ko, dahilan para tumalsik iyon at mahati sa tatlo. Hindi niya ako sinagot at laking gulat ko na lang nang itulak niya ako pasandal sa pader habang hawak niya ang dalawang kamay ko na nakadikit din sa pader. “Ano ba?!”

“Tigilan mo na ang paglandi kay Jiro!” pakiramdam ko ay may napunit na parte sa puso ko. Ano? Nilalandi si Jiro? Ayun ba talaga ang tingin niya sa akin? Just wow.

“Bitaw,” utos ko pero hindi niya ako binitawan. “Sabi ko bitaw!”

Sigaw ko at parang nabigla siya dahil binitawan niya ako at lumayo. Tinignan ko siya ng masama at saka pinulot ang cellphone ko. Wala na, hindi na gumagana. Bwisit! Saktong pagtayo ko naman ay bumukas ang pinto.

“Rain,” tawag ni Jiro sabay tingin kay Thunder. Hindi ko na pinatagal pa ang moment na iyon kaya nagmadali akong lumabas. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Jiro. Naiinis ako, sumusobra na talaga ang kademonyohan ng Thunder na iyon. Nakakasakit na siya.

“Rain, okay ka lang ba?” Tanong ni Jiro at tumango lang ako. “Ihahatid na kita sa dorm.”

Hindi na ako kumibo. Pakiramdam ko ay wala ako sa sarili ngayon. Bigla na lang akong nakaramdam ng hilo at  muntik pang matumba, luckily nandiyan si Jiro na mabilis nahawakan ang braso ko.

“Okay ka lang ba talaga?”

“Oo okay langㅡ” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang naupo sa harapan ko habang nakatalikod.

“Pasan,” nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa lingunin niya na ako. “Pasan na.”

Tumayo siya at sapilitan akong pinasan. Nakakahiya, pero ang komportable rito. Ang komportable sa likuran niya.

“D-dito na lang,” sabi ko nang makarating kami sa tapat ng girls dorm, pero laking gulat ko na lang nang pumasok siya sa loob.

Si Jiro Villaruel yan ‘di ba?

Bakit buhat niya ‘yang babaeng ‘yan?

“Anong room number mo?”

Monstrous Academy 1: Gangster's love. [PUBLISHED UNDER PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon