Chapter 22

1.7K 55 5
                                    

Alexis POV

Ngayon araw na 'to, ito na yung huling araw na makakasama, at makikita ko si Brix... kasi inihahatid na namin sya sa huling hantungan nya. Ayoko sana umiyak kasi pagod na pagod na ang mga mata ko, pero di ko mapigilan na hindi maiyak eh. Ikaw ba naman na alam mo sa sarili mo pag tapos nitong araw na 'to, mag isa ka nalang, wala na yung taong mag mamahal, mag aalaga, mag po-protekta, mag papangiti sayo. Wala na, kasi iniwan ka na nya at kahit kaylan ay hindi na sya babalik pa. Subukan kaya natin na mag palit nang pwesto, ako yung mag babasa ikaw yung mag hahatid sa boyfriend mo sa libingan nya, para lang maramdaman nyo yung nararamdaman ko ngayon.

Pagdating namin sa sementeryo, nag misa yung pari saglit pagtapos ay tumayo na yung parents nya para magsalita.

"Salamat sa inyo na lahat nandito, salamat sa inyo kasi hanggang dulo hindi nyo iniwan ang anak ko... hindi katulad namin, iniwan namin si Brix dito sa pinas na mag isa, hindi namin sya naalagaan nang ayos" sabi ni tita, pagtapos ay humagulgol sya nang iyak kaya lumapit sa kanya si tito at niyakap sya. At si tito narin yung nag salita para kay tita.

"Ramdam na ramdam namin ni Bianca ang pag mamahal nyo sa anak ko, kaya salamat talaga, ibinigay nyo sa anak namin yung kalinga na hindi namin na bigay sa kanya, yung pag mamahal na hindi nya naramdaman mula sa amin" tumingin sya sa akin "At sayo Alexis, thank you... Maraming, maraming salamat sa pag mamahal mo sa anak namin" sabi nya, tumango lang ako sa kanya at pilit na ngumiti. Tapos non umupo na ulit sila ni tita dahil parehas na silang di makapagsalita kakaiyak.

"Anak ikaw na yung mag sasalita" sabi ni mommy sa akin, katabi ko sila ni daddy ngayon.

"Ayoko mom, baka di rin ako makapag salita, baka di ko kayanin mom" sabi ko tapos yumuko dahil pumatak nanaman yung mga luha ko.

"Gusto mo samahan ka namin?" Tanong ni dad

"A-ayoko dad, sila Patrick nalang po pagsalitain nyo para sa akin... Please" naiyak kong sabi kaya di na nila ako kinulit.

Maya-maya pa narinig ko ng nag salita si Patrick. Habang ako patuloy paring nakayuko at naiyak.

"Ahm, ako na po ang mag sasalita para kay Alexis at para sa barkada na rin po... Si Brix? Mabait na tao yan, makulit at minsan mapang asar. Sa aming apat na natitirang magkaibigan sya yung pinaka matapang sa amin at higit sa lahat sya yung mapag mahal na tao. Nakita yun kasi magkakasama lang kami sa isang condo, nakita ko kung paano nya alagaan si Alexis, kung paano sya mag alala dito, at kung paano nya mahalin 'to. Kaya naman... para nanaman akong nawalan nang isang kapatid sa pagka wala nya. Walo kami noon eh, nabasawan ng tatlo yung isa nag loko, tapos ito na naman nawalan nanaman kami nang kaibigan. Kung tatanungin nyo ako kung gaano kahirap mawalan nang isang kaibigan... Sobrang hirap lalo na kung magkapatid na ang turingan nyo.... Kaya Brix, bro thank you, thank you sa lahat. Sa pag intindi sa akin, sa pag alaga kay Riza nung nawala ako. Hindi ko na nasabi sayo ang lahat nang 'to, kasi pag dating ko wala kana. Madaya ka, ako umalis ako pero bumaik din. Pero ikaw umalis ka pero kahit kaylan hindi kana babalik.... Sana bro kung nasaan ka man sana masaya ka ngayon, wag ka mag alala, ako na bahala sa Girlfriend mo. Hindi ko sya hahayaan na mapunta sa maling lalaki...." Sabi nya, pagtapos ay lumapit sya sa akin at binigyan nya ako nang panyo kaya napatingin ako sa kanya. "Tumahan kana, hindi matutuwa si Brix nyan kapag nakikita ka nyang malungkot" sabi nito sa akin

"Alam ko, pero hindi ko lang talaga mapigilan" sabi ko, kinuha ko yung panyo nya at pinunas 'to sa mga luha ko.

Pagtapos basbasan nang pari yung kabaong ni Brix, isinarado na 'to at nilagay na sa hukay. Habang onting onti na baba ang kabaong ni Brix, lahat nang nakilibing ay hinuhulog nila yung mga puting rosas kasama nung kabaong. Yung mommy at daddy nya, pag hulog nila nang rosas hindi agad sila umalis parang may sinasabi pa sila.

Ang Kanyang Pag Babalik!Where stories live. Discover now